Hay... Pag-ibig nga naman

Naaalala mo pa ba yung huling beses ka umiyak?? Yung huling beses ka nasaktan?? Ako? Di na masyado… I mean naaalala ko maraming beses yun, sa sobrang dami nga di ko na maalala kung kailan ang mga yun. Di na ko sigurado kung kailan yung una o yung pangalawa o yung panghuli…hahaha I’ve never been really good with remembering dates!

Anyways…dati di naman ako naniniwala sa fairytale o sa happy ever after. Ni hindi ko pinangarap mainlove…kaya lang nangyari, nahulog ako, nagmahal at nasaktan. For the first time kasi natuto akong magdasal, I mean nagdasal para humiling ng isang bagay. Di kasi ako relihiyosa…sabi pa nga ng bestfriend ko “ereje” daw ako…hahaha. Well hindi naman talaga ako ereje, iba lang ang way ko sa pagpapakita ng faith. Isa pa di naman ako nagdarasal pag may problema ako, nagdarasal lang ako kapag may bagay akong gustong ipagpasalamat kay . Alam ko may magtataas kilay sa makakabasa nito, well kung sino ka man I don’t care…if you don’t like what I wrote then don’t read it or gumawa ka ng sa’yo…hahaha.

Nakakatawa no? Alam mo yung may mga bagay kang hindi hiniling pero nangyayari sa’yo…mga bagay na di mo inaasahan pero dumarating…pero bakit pag may isang bagay kang gustung-gusto yun ang ipinagkakait sa’yo? Tulad na lang nung nakilala ko Siya. Unang beses sa buhay ko naniwala ako sa fairytale…umasa akong may happy ever after, yun pala wala naman..hehe. Akala ko pag gustung-gusto mo ang isang bagay tapos pinagdasal mo ng taimtim sa taas pakikinggan ka niya…pero di pala ganun…di pala ganun kadali yun. Ang hirap! Nakakaasar! Bakit? Kasi kung kailan may isang bagay akong ginusto, yung sobrang gusto, kaya lang di pwedeng maging akin…kasi pag-aari na ng iba.

Ilang beses ko nga ba iniyakan ang kasawian kong yun? Ilang beses ko nga bang sinubukan magmove on? Di ko na maalala..basta maraming beses yun. Sobrang daming beses na bigla na lang tutulo luha ko kasi nakita ko siya kasama ang girlfriend niya. Sweet nga nila eh…tapos bigla ko din nahiling sana ako na lang yung gf niya…sana ako na lang ang kaakbay niya…kaso hindi eh…siguro habang-buhay ko ng dadalhin ang frustration na to. Pero at least di naman ako nagsisisi. Sabi nila “time heals all wounds” pero mas naniniwala ako sa “time does not heal our wounds it just dulls the pain”. Kasi the more na pinipigilan mo ang damdamin mo, the more na pilitin mong kalimutan ang isang tao, the more na sisiksik lang siya sa utak mo…the more na maiisip mo syang lalo…trust me mapafrustrate ka lang lalo. Kaya ako? Nung magsawa ako sa kakaiwas at kakapigil, hinayaan ko na lang lahat. Hinayaan kong lumipas ang panahon na wala akong ginagawa, di ako nag-effort mapansin niya, di rin ako nag-effort na kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya. Imbes na iwasan ko siya mas lalo akong nakikipag-usap sa kanya, mas maraming beses na kami’y nagkakasama. Minsan nga sinabi ko sa kanya nararamdaman ko, sabi ko sa sarili ko bahala na…at least mapahiya man ako ngayon wala naman akong pagsisisihan bukas. Kaya ayun, ewan ko pano ko nagawa yun basta sinabi ko lang sa kanya…alam niyo ano sagot nung Ulupong? Ano daw ibig sabihin nun…hahaha…biglang naging bobo ang gago! Sabi ko ano ba ibig sabihin ng salitang “I love you”?. Alam ko kasing kilala niya ko kahit pano…hindi ako nagbibitiw ng mga salitang ganun kung di totoo sa loob ko. Hindi ko alam ano tumatakbo sa isip niya nung sinabi ko yun…wala na ko pakialam ang importante nasabi ko. Eto pa, alam niyo ano sabi niya sakin pagkatapos ko sabihin sa kanya ang nararamdaman ko? Capital S-A-Y-A-N-G…..SAYANG…gosh!!!

Yun lang naga sabihin ng loko…well sa’kin naman bakit sayang? Ano ba ang nasayang? Wala…kasi wala naman kaming nasimulan. Or mas tamang sabihing walang dapat simulan. Well, aaminin ko mahal ko pa rin siya until now…pero yung pain? Wala na…unti-unti ko na kasing nakasanayan na maging kaibigan lang niya…unti-unti akong nasanay sa katotohanang may gf siya…at unti-unti kong natanggap na hinding-hindi mangyayaring maging kami pa…so the point is..ang pagmomove on di pinipilit…di minamadali…di nabibigyan ng petsa…keysa maging miserable ka bakit di mo subukang sumabay sa agos…magpatangay ka muna sa daloy ng mga pangyayari…hayaan mong ang panahon ang umayos sa gulong nilikha nito. Trust me…magigising ka na lang isang araw wala ka ng nararamdaman..matatawa ka na lang…as in!
«13

Comments

Sign In or Register to comment.