Good news! We just released an Android Version of txtmyt. No more Human verifications captcha! download it HERE.

GHOST STORIES Pasok ...

edited October 2013 in Lahat Talk
Tutal malapit na ang NOV 1 kwentuhan muna tyo ng kababalaghan para maiba naman, Share nyo personal experience or mga nai-kwento sa inyo basta anything out of the ordinary ...

Eto sisimulan ko na ... wento lang ng kapitbahay namin na nangyari sa pamangkin nyang binatilyo....

Siguro alam nyo na some of the malls dito sa manila ay previously graveyards, so this happened in one of those places....

this guy went to the mall one evening, mag isa lang sya non, ikot ikot, tingin tingin. then he decided to watch a movie, yung last full show. he bought a ticket na pang de luxe, ata basta sa taas. sakto national anthem ang timing nya, kaya bukas ang ilaw sa loob, kaya naka pamili sya ng magandang pwesto, sa gitna, magisa lang sya don. yung mall kasi di gaanong tauhin kasi medyo luma na, kaya unti rin lang ang mga nanonood. so nood sya, after ng mga advers and preview simula na ang main show. by that time may mga pumasok sa sinehan, i think 8 person daw, yung apat sa unahan nya naupo, yung apat tig dalawa sa magkabilang side nya, dalawa sa kanan and dalawa sa kaliwa. asar talo sya kasi bakit don pa pumwesto. comedy yung palabas, so yung walo pag nakakatawa ang palabas, tawa din sila, then naguusap, pag nakakagulat, nagugulat din, yung iba pa nga daw sumisigaw, tapos sabay tawa sila. di na lang nya pinapansin, nood lang sya, deadma. tapos na ang pelikula, yung tipo bang ipinapakita na ang mga characters ng movie, di sya maka alis kasi di pa tumatayo ang mga nakaupo sa magkabilang gilid. di na siguro makapag antay, tumayo na sya, sakto naman na ukas ang ilaw ng sinehan. laking gulat nya ng ilang sedo lang ay mga katabi sya, nung ukas ang ilaw ay wala na. wala syang katabi ni isa, pati yung apat na nasa unahan nya wala na rin, naglaho parang bula..... takbo na lang sya pababa, akala nga ng guard kung ano na ang nangyari kasi putlang putla sya
«1345678

Comments

  • TULAK ...

    may mag-asawa tapos gusto na talaga nila magka-anak kaya lang mahirap mabuntis yung wife. so after 5 years of marriage, tsaka pa lang sila nagka-anak. kaya lang, yung naging anak nila may abnormality. nakaka-intindi naman kaya lang medyo slow tsaka may physical deformity. in short, ayaw nila dun sa naging anak nila. but out of compassion, sinubukan pa rin nilang palakihin ng maayos yung bata.

    sinubukan din nila ulit magka-anak and finally, after another 6 years, nabuntis ulit yung wife. one day, naisip nila mag-baguio. on the way, na-jinggle yung anak nila kaya lang nasa highway sila so tumigil na lang sila sa tabi ng kalye, sa gilid bangin. there were no other cars in sight kaya nakaisip sila ng hindi maganda. since they were expecting another child, naisip nila na patayin na yung panganay nila. and so they did. tinulak nila sa bangin habang umiihi yung bata.

    months passed and the wife gave birth to their second son. thsi time around wala ka nang mahihiling pa. kung nagpaulan ng kagwapuhan, maraming nasalo 'tong batang ito. nung 6 years old na yung bata, naisip nila magbakasyon sa baguio ulit. they had totallt forgotten about ther first child until on the way up, nag-complain yung anak nila ngayon na naiihi siya... dun din mismo sa lugar na pinatay nila yung una nilang anak. so kahit na medyo kinakabahan, tinigil na din nung lalaki yung sasakyan and they got out together with the boy. medyo kinakabahan din yung wife so inaalalayan niya yung bata. when they were already near the edge of the road sa may bangin, the boy turned around and said to his parents...

    "mommy, daddy, hwag nyo na akong itutulak ulit ha?"
  • okie un ah! :D napapanahön
    Kwentong katatakutan :D


    The unknown

    Uso noon ang gagamba.
    pag sapit ng dilim mas masasarap mag hanap.
    gamit ang kandila na itinindig sa naka hilig o naka higang lata para mag mistulang flash light.
    Dumako na sila joel at kapatid nyang si allan sa sa dawagan sa likod ng pansol kung saan maraming nahuhuling gagamba.
    Ang lugar ay bakante at mapuno.
    maraming mga kwento na may white lady sa lugar.
    Nasa pag hahanap na sila ng gagamba ng magkatakutan.
    Kasabay ng lamig ng ihip ng hangin na dumampi sa kanila at maging ang sindi ng kandila sa lata ay nawala.
    nangilakbot si joel ng makitang may lumulutang sa harapan nila.
    napasigaw xa ng ubod lakas kayat si allan ay napalingon din sa dako nya at napasigaw rin na nag tatakbo.
    sa di pa batid na kadahilan ay kitang kita ni allan kung paanong tumakbo ng ubod tulin ang kanyang kuya at biglang bumaligtad na parang may tumulak gayong sila lang ang naroon.
    Kinabukasan ay binalikan namin ang lugar na kinikwento ng dalawa para balikan ang mga gamit na naiwan nila.
    Hindi mapugto ang tawa namin ng mabatid na sinampay na damit pang babae ang kanilang nakita at kaya tumimbwang si joel ay dahil sumabit xa sa sampayan nung xay nanakbo.
    Hak3 :))

    Real story. :D
  • katakot yung 2nd story. hahaha! isa pang ghost story pls. :)
  • bitin isa pa ts ay ramihan muna hikhik oh yis

    @pinkhEarT12. @jho0624 dito kayo hikhik :p
  • Kwentong
    katatakutan ng
    magbabarkada
    By: Romeo Talde II
    Sa kabila ng moderno at
    makabagong teknolohiya ng ating panahon, may ilang
    bagay parin sa mundo na hindi kayang ipaliwanag ng
    siyensya. Bagamat sabi ng iba ito ay hamak na
    kathang isip lamang ng tao ngunit marami na sa atin
    ang nakapagbigay ng patunay ayon sa kanilang mga
    karanasan.
    Ang aking iki-kwento sainyo ngayon
    ay tungkol sa aking karanasan noon ako’y 12 anyos
    pa lamang. Noon pa ma’y mahilig na talaga ako sa
    mga kwentong katatakutan. Ewan ko ba kung ba’t yan
    ang nakahiligan ko. Siguro ay dahil nagbibigay ito sa
    akin ng “thrill” alam nyo yun yung naeexcite ka na
    may halong curiousity sa iyong utak. Yun na nga,
    nasa ika-anim na baitang na ako ng elementary at
    kaming magbabarkada ay nakakahiligan na naming
    magkwentuhan sa loob ng klase ng mga kwentong
    katatakutan kapag hindi pa dumarating ang guro. Si
    John at si Rey sila ang aking matalik na kaibigan at
    talagang malalim na ang aming samahan. Sa
    katunayan parang magkakapatid na ang aming
    turingan. Alas 3:00 ng hapon noon ika-22 ng Oktubre,
    bagamat hindi pa dumarating ang guro namin sa math
    ay naisipan naming magbahagi ng aming mga
    nakakatakot na kuwento total malapit na rin naman
    ang araw ng mga patay. Una si John, ikinwento niya
    sa amin ang tungkol sa animo’y aswang sa kanilang
    baryo. Usap-usapan sa kanilang baryo ang tungkol sa
    isang aswang na kanyang pinangalanang “Jessa”.
    Marami raw sa kanilang lugar ang nakasaksi sa
    pagbabagong anyo nitong si Jessa sa tuwing
    kumakagat ang dilim. Anim na tao na raw ang
    nabiktima nito kabilang na ang dalawang sanggol.
    Ang mga bangkay ng mga nabiktima ay nakakagimbal
    sapagkat masasabing hindi tao ang may gawa. Ito’y
    natatagpuang gutay-gutay ang mga katawan at ang
    iba naman ay nawawala ang puso. Isang araw may
    mag-asawa sa kanilang lugar na nakatira sa
    pinakaliblib na bahagi ng kanilang baryo. Habang
    tahimik na nakaupo ang mag-asawa sa kanilang
    balkunahe, may napansin ang asawang lalake, isang
    hagushos na para bang nanggagaling sa bubong ng
    kanilang bahay. Agad itong tiningnan ng lalake at
    laking gulat niya ng nakita niya ang isang nilalang at
    na may malalapad na pakpak at wala itong paa!
    Ahhh! Sigaw ng lalake habang dali-daling pumasok sa
    kanilang bahay. Pinatago nito sa ilalim ng kama ang
    asawa nitong buntis at tinungo ng lalake ang kanilang
    kusina. Kinuha nito ang lalagyan ng asin at lakas loob
    nitong isinaboy sa aswang. Swerte nila at takot pala
    ang aswang sa asin. Iiiiiaaaak! Agad itong lumipad
    papalayo sa kanilang kinaruruonan. Simula noon ay
    lumipat na ang magasawa ng tirahan at siniguro
    nilang sila’y magiging handa sa pagbabalik nitong
    aswang. Matapos magkuwento ni John ay nakuha
    kung magbiro dahil nahalata ko ang katabi kong si Rey
    na masyadong seryoso ang mukha. “Sexy ba yung
    aswang”? patanong kung sabi.”loko-loko”! wala ngang
    katawan diba? Halakhak ni John. Sumunod namang
    nagkuwento ay itong si Rey. Humanda raw kami dahil
    talagang nakakatakot ang kanyang kwento. Nangyari
    daw ang nakakatakot na pangyayari sa kanyang buhay
    noong 8 taong gulang pa lamang siya. Noong bata pa
    raw siya ay hindi raw likas sa kanya ang pagiging
    matatakutin. Isang gabi habang abala si Rey at ang
    kanyang mga pinsan sa panood ng t.v. inutusan siya
    ng kanyang nanay na bumili ng chicheria sa tindaha
    upang may makain raw sila ng kanyang mga pinsan
    habang nanonood ng t.v.. Pasado alas 10:00 pm ng
    gabi na noon kaya medyo madilim na ang paligid sa
    labas ngunit dahil nga hindi naman siya matatakutin
    at malapit lang naman ang tindahan ay pumayag siya.
    Di kalaunay lumabas na siya ng bahay at habang
    naglalakad siya papunta sa tindahan ay napansin
    niyang tahimik ang paligid. Pagkatapos niyang
    makabili ng pagkain ay naglakad na siya pauwi ng
    bahay. Nang siya’y malapit nang makauwi ay
    napansin niya ang isang sulok na kanilang bahay kung
    saan naroon ang kanilang bakuran. Madilim doon at
    puno ito ng pananim. Laking gulat niya nang
    tumingala siya sa isang puno ng saging. Nakita niya
    ang isang bata at itoy nakangiti sa kanya. Hindi niya
    masyadong maaninag ang buong itsura nito dahil nga
    sa madilim roon. Nagtataka siya kung pano napunta
    roon ang isang bata kung gayong hindi basta-basta
    kaya akyatin ng tao ang puno ng saging. Nangilabot
    siya at para bang nabalutan ng yelo ang kanyang
    katawan. Hindi nya maipaliwanag kung bat hindi siya
    makagalaw na kahit anong pilit nyang igalaw ang mga
    paa ay hindi nya magawa. Hindi rin sya makasigaw
    kaya ang tanging ginawa nya na lamang ay pumikit at
    mag-dasal. Maya-maya ay dumilat siya at nawala na
    ang batang kani-kanina lang ay nakangiti sa kanya.
    Kumaripas sya ng takbo papasok sa kanilang bahay.
    Gulat na gulat ang kanyang ina at mga pinsan sa
    naging katayuan niya. Yinakap niya ang kanyang ina
    at ikinuwento ang kanyang naging karanasan.
    “Nakakatakot naman yan Rey” takot na sabi ni John.
    Matapos ay ako na ang sumunod na nagkuwento. Ang
    aking kwento ay nangyari noong 10 anyos pa lamang
    ako. Noong maga panahong iyon ay kasa-kasama ko
    pa sa bahay ang aking dalawang pinsan dahil sa
    magkakalapit pa noon ang aming mga bahay. Ang
    saya-saya naming palagi sa aming bahay dahil lage
    kaming magkakasama amglaro, kumain at kung anu-
    ano pa. Isang gabi pasado alas 10:00 pm, tulog na
    ang aking parents at kami nalang ng magpipinsa ko
    ang gising. Dito sila minsan natutulog at pinapayagan
    naman sila ng kailang magulang. Nagpagpasyahan
    naming manood muna ng t.v. bago matulog. Kumuha
    kami ng mga pagkain at maiiinum para may
    pagkakaabalahan kami habang nanonood. Sumunod
    ay binuksa ko ang t.v. at dvd at isinalang ko ang
    paborito kung pelikula ang “Sherlock Holmes”, bago
    itong movie noon kaya exciting. Habang nanonood ay
    bigla akong nakaramdam ng pagkaihi kaya nagpaalam
    muna ako sa mga pinsan ko na iihi lang saglit.
    Lumabas ako ng bahay at pumunta ako sa aming
    bakuran. Doon ako pumwesto sa pinakudulo ng
    bakuran. Mula roon makikita mo ang nakakatakot na
    narrow figure ng kalsada. Tahimik roon at wala ng
    taong umaaligid. Maya-maya pagkatapos ko ay
    naglakad na ako pabalik ng bahay. Sa aking
    paglalakad may naririnig akong para bang hagikhik ng
    isang babae na umiiyak. Lumingon-lingon ako sa
    paligid. Sinundan ko kung saan nagmumula ang iyak
    na iyon. Sa di kalayuan nakita ko ang isang babaeng
    nakayakap-tuhod sa isang malaking puno ng acacia.
    Medyo hindi ko naaaninag ang kanyang mukha
    sapagkat medyo madilim ang kanyang pwesto at
    natatabunan ng acacia ang liwanag ng street light.
    Nakasuot ito ng itim na bistida at wala itong suot na
    pang paa. Hindi mo masasabing isang pulubi dahil
    malinis siya tingnan. Agad-agad ay lakas loob akong
    lumapit sa babae. “Miss bakit po kayo umiiyak”
    tanong ko. Tuloy parin sa pag iyak ang babae.
    “Miss!?? Ok ka lang ba? Pag aalala ko kuno. Unti-unti
    ay umaangat ang ulo ng babae at sa aking di
    inaasahan na pangyayari ay nanlilisik ang mga mata
    nito sa akin! Hindi ko malama kung sisigaw ba ako o
    tatakbo. Hindi ko mabuka ang bibig ko at para bang
    nakadikit ag maga paa kosa lupa. Ang mga mata nya
    ay halos kulay puti at ang ang kanyang luha ay dugo!!
    Bigla itong nagsalita “Ba’t muko pinabayaan?? Bakit?
    Bakit? Hinawakan ako nito sa paa. Nanlamig ang
    aking buong katawan at sobrang takot at
    pangingilabot ang aking nadarama sa mga sandaling
    iyon. Ang tanging ginawa ko na lamang ay ang ipikit
    ang aking mga mata at nagdasal sa Diyos. “Ama ko,
    tulungan niyo ko”. Ilang sandali pa naramdaman ko na
    wala nang nakahawak sa aking mga paa at pagmulat
    ko wala na ang babae. Kumaripas ako ng takbo pauwi
    sa aming bahay at pagdating ko gulat na gulat ang
    mga pinsan ko. Bat raw ako humihingal? Di ko na
    sinabi sa kanila ang nangyari dahil di rin nama sila
    maniniwala. Pagkatapos ng insidenteng yun ay mas
    lumakas pa ang pananalig ko sa Diyos na alam kong
    siya lamang nag maaaring magligtas sa ating lahat.
    Maraming pong salamat sa pagbasa. Mag ingat ang
    lahat J
  • Patay-Gutom
    “May patay-gutom sa labas,”
    sabi ni Anton.
    Biglang napalingon si Jerry,
    halos mabitiwan ang hawak
    na hotdog sandwich. “P.G. na
    naman? Mga putragis na P.G.
    yan, ah!”
    Hindi sumagot si Anton,
    tahimik na nakatingin
    lamang sa bintana. Ang
    kanyang buhok na halos puti
    ng lahat ay marahang
    ginugulo ng malamig na
    hanging nanggagaling sa
    labas.
    Napailing si Jerry, binitawan
    ang hawak na tinapay at
    tumayo. Naglakad siya
    patungo sa bintana at
    tumayo sa tabi ni Anton. Sa
    tapat ng gate ng kanilag
    bahay ay nakatayo ang isang
    patay-gutom. Isang lalaki.
    Gusgusin at sira-sira ang
    suot nitong damit.
    “Hindi na ba tayo
    patatahimikin ng mga patay-
    gutom na iyan?” tanong ni
    Jerry.
    “Naku, huwag mo nang
    pansinin ‘yan. Aalis din iyan.”
    Tiningnan ni Anton ang
    buwan sa kalangitan. Para
    itong isang prutas na biniyak
    sa gitna. Pagkatapos ay
    tumalikod na siya at umupo
    sa malaking sofa sa gitna ng
    silid. Dinampot niya ang
    isang librong nasa lapag at
    sinimulang basahin ito.
    Nilingon ni Jerry ang
    kaibigan. “Yan na naman?
    Ilang beses mo na bang
    nabasa yang Prisoner of
    Azkaban?“
    “Panglima na ito.”
    “Hindi ka ba nagsasawa?
    “Hinding-hindi mangyayari
    ‘yan,” seryosong sagot ni
    Anton.
    “Ang weird mo talaga. Ang
    tanda-tanda mo na, eh.”
    Muling bumalik sa dining
    table si Jerry at naupo. “Ano
    kaya ang pinupunta nila
    dito?”
    Ibinaba ni Anton ang hawak
    na libro at tinitigan ang
    kaibigan, ang noo ay
    nakakunot. “Ano sa tingin
    mo? Di siyempre, pagkain.”
    “Pagkain. Pagkain. Pagkain.
    Bakit lagi ba silang gutom?
    Kapag kumakain naman, kala
    mo hindi na aabutan ng
    bukas.”
    “Kaya nga patay-gutom, eh.”
    Muling itinuon ni Anton ang
    kanyang atensyon sa hawak
    na libro.
    Bumalik sa pagkain si Jerry.
    Medyo maasim na ang
    hotdog na palaman ngunit
    makakain pa rin naman.
    Matibay rin naman ang
    kanyang sikmura dahil laki sa
    hirap. Dati nga ay sa basura
    lamang siya umaasa ng
    pagkain. Buti na lamang at
    nakilala niya si Anton.
    Maya-maya ay narinig nila
    ang isang malakas na ingay
    mula sa labas. Agad na
    napatayo ang dalawang
    lalaki at mabilis na tinungo
    ang bintana. Sa labas,
    maingay na kinakalampag ng
    patay-gutom ang kanilang
    bakal na gate.
    “Shit”
    “Naaamoy nila yung niluto
    mong hotdog,” kalmadong
    sabi ni Anton. “Sabi ko kasi
    sa’yo, huwag ka munang
    magluluto at pagabi na.”
    Umasim ang mukha ni Jerry
    na para bang nakakain ng
    hilaw na mangga. “Eh, halaga
    namang kainin ko yung
    hotdog ng hilaw. Di nasira
    naman ang tiyan ko!”
    “Kailangan mong lumabas at
    harapin yang patay-gutom
    na yan. Bago pa makatawag
    ng pansin at dumami pa yang
    mga ‘yan.”
    “T-Teka, bakit ako na naman?
    Hindi ba’t ako na kaninang
    umaga? Ikaw naman, noh!”
    Dahan-dahang ipinaling ni
    Anton ang kanyang kulubot
    na mukha sa nakababatang
    lalaki. Matalas ang mga mata
    nito, halos salubong na ang
    kilay.
    Itinaas ni Jerry ang kanyang
    dalawang kamay, tanda ng
    pagsuko. “O sige na. Ako na.
    Ako na!”
    Agad siyang tumalikod at
    tinungo ang kusina.
    Binuksan niya ang mga
    aparador sa ibabaw ng
    lababo, may hinahanap.
    “Nasaan na ba yun? Dito ko
    lang nilagay yun kanina, ah.”
    “Hindi ba’t hinugasan mo
    dun sa may garahe kanina.”
    “Ay, oo nga pala.” sagot ni
    Jerry ng may ngiti sa labi.
    Mabilis niyang tinungo ang
    garahe sa kanan ng kanilang
    bahay. Sa likod niya ay
    nakasunod ang matanda.
    “Eto!” Yumuko si Jerry sa
    tapat ng isang gripo at
    pinulot ang isang malaking
    itak. “Humanda yang patay-
    gutom na ‘yan!”
    “Hoy,” biglang sabi ni Anton,
    “huwag kang padalos-dalos
    ng kilos ha. Mag-iingat ka.”
    “Sus! Ako pa.” Pagkasabi nito
    ay mabilis na lumabas si
    Jerry. Agad niyang
    naramdaman ang lamig ng
    hangin.
    Sana naman ay huwag
    bumagyo, nasabi niya sa
    sarili.
    Mabilis ngunit tahimik ang
    kanyang mga hakbang. Ilang
    segundo lamang at nakatayo
    na siya sa tapat ng kanilang
    gate. Sa kanyang harapan ay
    patuloy na kinakalampag ng
    patay-gutom ang bakal na
    harang.
    Kahit ilang beses ng nakakita
    ng patay-gutom si Jerry ay
    hindi pa rin niya mapigilang
    mandiri at bumaliktad ang
    kanyang sikmura. Muli ay
    naranasan niya ang pait sa
    kanyang laway at lalamunan.
    Huminga siya ng malalim
    upang hindi masuka.
    Bulok na ang kalahating
    mukha ng patay-gutom. Sa
    pisngi nito at lumalabas ang
    mga puting uod na abalang-
    abala sa panginginain.
    Kitang-kita rin ni Anton ang
    nabubulok na mga ngipin ng
    lalake. Ang isang mata nito
    ay putok na at tanging isang
    malaking butas na lamang
    ang makikita. Nakakasulasok
    din ang amoy ng nabubulok
    na katawan ng lalake.
    Nang makita si Jerry ng
    patay-gutom ay agad nitong
    itinaas ang dalawang kamay
    at pilit na inabot ang lalaki.
    Kitang-kita ni Jerry ang
    gutom sa nag-iisang mata
    nito. Nagbukas-sara ang
    bibig nito na para bang
    gustong-gusto ng kainin ang
    binata.
    “Pagkain ba ang gusto mo?”
    mahinang tanong ni Jerry.
    “Puwes, walang pagkain
    dito!”
    Sa isang mabilis na pagkilos
    ay tinaga ni Jerry sa ulo ang
    patay-gutom. Bumaon ang
    itak hanggang sa may ilong
    ng lalaki. Biglang nangisay
    ang katawan nito.
    Hinawakan naman ni Jerry ng
    mahigpit ang itak gamit ang
    dalawang kamay upang hindi
    niya ito mabitawan.
    Ilang segundo lang ay
    tumigil na sa paggalaw ang
    patay-gutom. Ilang beses
    hinila ni Jerry ang itak bago
    niya ito tuluyang nabunot sa
    ulo ng bangkay. Parang gulay
    ay bumagsak sa malamig na
    semento ang patay-gutom.
    “Iyan ang bagay sa’yo.”
    Tumingin si Jerry sa paligid,
    tinatanaw kung may ibang
    patay-gutom ang nakarinig
    sa ingay kanina. Nang
    walang makita ay nakahinga
    siya ng maluwag at dahan-
    dahang bumalik sa loob ng
    bahay.
    Zombies. Undead. Walkers,
    naisip niya. Yun ang tawag
    sa kanila sa ibang bansa.
    Pero dito, patay-gutom.
    Patay na kasi, pero gutom na
    gutom na pa rin.
  • Ang Aplikante
    “Saan po kayo?” tanong ng
    magandang receptionist kay
    Andrew.
    “Sa 16th floor po. Sa Super Call
    Center po,” magalang na sagot
    niya.
    “Mag-iwan na lang kayo ng ID
    saka paki-sign na lang po dito,”
    sabi ng babae sabay abot ng
    Visitor’s Log kay Andrew.
    Maraming tao ang nakatayo sa
    harap ng reception desk sa
    building na iyon sa Makati. Lunes
    kasi kaya busy ang lahat ng mga
    tao. Marami at iba-iba ang
    nilalakad. At tulad ni Andrew,
    marami rin ang
    nagbabakasakaling makahanap
    ng trabaho.
    “Nasa dulo po ang elevator
    lobby,” sabi ng receptionist kay
    Andrew matapos mag-abot ng
    isang ID.
    Dahan-dahang naglakad si
    Andrew papunta sa elevator
    lobby. Kumakabog ang dibdib
    niya sa kaba. Ito kasi ang unang
    pagkakataon niyang mag-apply
    ng trabaho. Tatlong buwan pa
    lang kasi ang nakakalipas ng
    grumaduweyt siya sa kolehiyo.
    Engineering ang tinapos niya
    ngunit dahil wala namang alam
    na mapapasukan ay sinubukan
    niyang mag-apply sa call center.
    May ilan kasi siyang mga kaklase
    na nakapasok sa mga call center
    at malaki daw ang suweldo.
    Pinagmasdan ni Andrew ang
    mga tao na naghihintay sa
    elevator lobby. Lahat naka-
    business attire. Mga naka-
    amerikana, mga naka-necktie, at
    nagkikintabang mga sapatos.
    Nakadama tuloy siya ng panliliit
    sa kanyang suot na simpleng
    asul na polo at lumang itim na
    slacks.
    Pagbukas ng isang elevator ay
    mabilis na nag-unahan ang mga
    tao sa pagpasok. Wala na ring
    nagawa si Andrew kundi ang
    makipagsiksikan. Sa loob,
    tahimik lang ang lahat. Lahat
    naghihintay sa pagtigil ng
    elevator sa kani-kanilang mga
    floor.
    Naka-ilang tigil din ang elevator
    bago ito huminto sa 16th floor.
    Dahan-dahang lumabas si
    Andrew, dama ang pawis sa
    kanyang noo. Lumapit siya sa
    guwardiya na nakaupo sa isang
    desk.
    “Mag-aapply po sana,” mahinang
    sabi niya.
    “Pirma na lang kayo dito sir,”
    sabi ng guwardiya habang
    itinuturo ang visitor’s log na
    nasa ibabaw ng lamesa.
    Pagkatapos pumirma ay
    binuksan ng guwardiya ang
    pintuan ng call center.
    Pagpasok ni Andrew ay natuwa
    siya ng makitang wala pang
    ibang aplikante maliban sa
    kanya. Bahagyang nabawasan
    ang kaba niya. Alam niya kasing
    ma-iilang siya kapag may mga
    kasabay siyang magaganda ang
    damit at magagaling mag-ingles.
    Huminga siya ng malalim at
    lumapit sa receptionist, na
    nakatayo at nakatalikod sa
    kanya na para bang may
    ginagawa.
    “Good morning, mam. I would
    like to apply for a Customer
    Service Representative
    position,” ang magalang niyang
    sinabi.
    Hindi kumibo ang receptionist.
    Nakatalikod pa rin ito sa kanya,
    mukhang abala sa ginagawa.
    “Excuse me, mam,” sinimulan
    niyang muli. “I would like…”
    Hindi niya naituloy ang
    sasabihin dahil biglang itinaas
    ng receptionist ang kanang
    kamay nito at pagalit na itinuro
    ang mga bakanteng upuan para
    sa mga aplikante.
    Ang sungit naman nito, naiinis
    na nasabi niya sa sarili.
    Umupo si Andrew sa isa sa mga
    bakanteng upuan habang ang
    receptionist ay bumalik sa kung
    ano man ang ginagawa nito.
    Nagmasid siya sa paligid.
    Maganda ang desenyo ng
    reception area, maliwanag at
    makabago. Hindi maiwasan ni
    Andrew na mapangiti habang
    iniisip na maaaring dito siya
    magta-trabaho.
    Pinagmasdan niya rin ang
    abalang receptionist. Nakasuot
    ito ng asul na blouse at itim na
    mini-skirt. Mahaba at makintab
    ang buhok nito. Sinilip niya kung
    ano ang ginagawa nito ngunit
    sadyang hindi niya ito makita.
  • Makalipas ang ilang minuto ay
    biglang tumigil ang receptionist
    sa kanyang ginagawa. Mabilis
    itong naglakad at
    nagmamadaling pumasok sa
    isang pintuan malapit sa
    kanyang desk. Hindi alam ni
    Andrew kung ano ang kanyang
    iisipin. Tinitigan lang niya ang
    saradong pintuan kung saan
    pumasok ang babae.
    “Oh, are you an applicant?”
    Nagulat si Andrew sa narinig na
    boses. Lumingon siya at nakita
    niya ang isang lalake na palabas
    sa pintuan ng isang opisina na
    nasa bandang kanan niya.
    Nakasuot ito ng puting polo at
    itim na slacks.
    “Y-Yes, sir. I am,” tarantang
    sagot ni Andrew.
    “Have you been waiting for
    long?” tanong ng lalake habang
    mabilis na naglalakad papunta sa
    reception desk.
    “Not really. Just for a few
    minutes.”
    “Oh, I’m sorry about that. We’re
    just so busy today. Anyways,
    kindly fill-up this form and
    when you’re done, submit it to
    me with your resume,”
    nakangiting sabi ng lalake
    habang inaabot ang isang
    Application Form.
    Bumalik sa upuan si Andrew
    dala-dala ang Application Form.
    Matapos niya itong fill-up-an ay
    kumuha siya ng isang resume
    mula sa kanyang bag. Marami
    siyang dalang resume dahil balak
    niyang mag-apply sa ibang call
    center kung hindi siya papalarin
    dito.
    “Are you done?” tanong ng
    lalake ng lumapit si Andrew sa
    reception desk.
    “Yes,” nakangiting sagot niya.
    “Okay! Just take a seat and we’ll
    call your name in a few
    minutes.” Tumayo ang lalake
    mula sa pagkakaupo at
    pagkatapos ay bumalik sa
    kuwartong pinanggalingan nito
    kanina. Tahimik na naupong muli
    si Andrew.
    Hindi pa lumilipas ang isang
    minuto ay biglang lumabas ang
    babaeng receptionist mula sa
    pintong pinasukan nito kanina,
    na sa tingin ni Andrew ay ang
    opisina niya. Nakangiti na ito at
    mukhang hindi na abala. Maputi
    ito at maganda, puwedeng
    maging isang model.
    “Are you Andrew?” tanong nito
    sa kanya.
    “Yes.”
    “Please follow me,” masayang
    sabi ng babae sabay talikod.
    Mabilis na sinundan ni Andrew
    ang babae na muling pumasok
    sa opisina nito.
    “Please sit down,” sabi ng babae
    na nakaupo na sa desk nito.
    Hawak niya ang resume ni
    Andrew. “I’m Jane, by the way.”
    Mabilis na naupo si Andrew sa
    bakanteng upuan na nasa harap
    ng lamesa at kinamayan ang
    babae. Bumalik ang kanyang
    kaba. Nararamdaman niya ang
    bilis ng tibok ng kanyang puso.
    Pinagpapawisan din siya kahit
    na airconditioned pa ang buong
    floor na ito.
    “So, tell me Andrew. Why do you
    want to work in a call center?”
    masaya ngunit seryosong
    tanong ng babae.
    Dahan-dahang huminga ng
    malalim si Andrew, hindi
    pinahahalata na kinakabahan
    siya. Pagkatapos ay sinagot niya
    ang tanong ng babae, na
    makailang ulit din niyang
    prinaktis.
    “The call center industry is one
    of the most in-demand
    industries here in the
    Philippines. It presents its
    employees with opportunities
    to learn, to grow, and to help
    others. One can say that it’s not
    just a job, but a career. And I
    want to be a part of that.”
    “Good. But what do you know
    about call centers?”
    Huminga ulit ng malalim si
    Andrew. Inaasahan na niya na
    itatanong ito sa kanya kaya may
    nakahanda na rin siyang sagot.
    “I really don’t know that much,
    but from what I gather, call
    centers are the ‘go to’ points
    these days. When someone
    needs help, call centers are just
    one call away. And of course,
    the people working in call
    centers are the frontrunners in
    providing customer service,”
    nakangiti niyang tugon.
    “Okay,” mahinang sabi ng babae.
    Nakatungo ito at seryosong
    binabasa ang resume ni Andrew.
    “So, do you like pretty girls?”
    Halatang nabigla si Andrew sa
    tanong sa kanya. Hindi niya
    inaasahan na mayroong mga
    ganitong tanong sa mga
    interviews.
    “Uuummm… well…,” na-uutal
    niyang sagot. “I guess… yes. I
    mean, everyone likes pretty
    girls. But for me, what’s inside is
    also important.”
    Natawa lang ang babae sa sagot
    niya. Napalunok si Andrew,
    ramdam niya ang pamumula ng
    mukha. Hindi siya makatingin sa
    babae. Buti na lang at nakatitig
    pa rin ito sa kanyang resume.
    “Are you okay working the
    graveyard shift?” biglang
    tanong ng babae.
    Nakahinga ng maluwag si
    Andrew. Alam niya ang isasagot
    sa tanong na ito.
    “Yes. I don’t have any problems
    working the graveyard shift.
    There won’t be any problems
    with transportation as well.”
    Tumango lang ang babae.
    Nakakunot ang noo nito habang
    nakatingin sa resume niya, na
    para bang may parteng hindi
    naiintindihan.
    “Have you ever killed
    somebody?” seryosong tanong
    ng babae.
    Hindi makasagot si Andrew.
    Blanko ang kanyang isip. Hindi
    niya alam kung ano ang
    sasabihin.
    Lumipas ang ilang minuto.
    Nakatingin lang si Andrew sa
    babaeng nag-iinterview sa
    kanya. Walang kaingay-ingay sa
    loob ng opisina.
    Sumandal sa upuan ang babae at
    ngumiti.
    “Tell me, what are your
    strengths?”
    Hindi maintindihan ni Andrew
    kung ano ang nangyayari ngunit
    ngayong mayroon siyang
    masasagot sa tanong ay
    sinunggaban na niya ito.
    “My strengths? Well, I can say
    that I’m a hard-working person.
    I always give my best whatever
    I’m doing. I like to tackle
    challenges head-on. And I can
    also say that I’m trustworthy,”
    sagot ni Andrew bagamat
    halatang kinakabahan ito.
    “Liar!”
    Nagulat si Andrew sa sinabi ng
    babae. Bagamat nakatingin pa
    rin ito sa resume ni Andrew ay
    halatang galit na galit ito.
    Mahigpit ang pagkakahawak
    nito sa resume niya, na ngayon
    ay gusot-gusot na.
    “Excuse me,” tanong ni Andrew
    ng hindi kumibo ang babae.
    “What are your weaknesses?”
    pagalit na tanong ng babae.
    “My…weaknesses…? Well, I’m…
    I’m…,” hindi makapagsalita ang
    naguguluhang si Andrew.
    “Liar,” pasigaw na sabi ng
    babae. “Do you find me pretty?”
    Napanganga lang si Andrew sa
    mga sinasabi ng babae. Hindi na
    niya alam ang gagawin.
    Nanlalamig ang buo niyang
    katawan.
    “Answer my question! Do you
    find me pretty?!”
    Napaatras si Andrew sa
    kinauupuan. Takot na ang
    nararamdaman niya ngayon.
    “Y-Yes,” mahinang sagot niya.
    Napahalakhak ng malakas ang
    babae. Tawa ito ng tawa na para
    bang wala ng bukas.
    “You’re just like them. All of you
    are the same,” nakangiting sabi
    nito sabay kuyumos sa resume
    ni Andrew. Ibinato niya ito kay
    Andrew, na sinubukang umilag
    ngunit tinamaan pa rin sa pisngi.
    “I hate you!” sigaw ng babae
    sabay tayo. “I hate all of you!”
    Nanginginig sa galit ang babae.
    Kitang-kita ni Andrew ang mga
    ugat sa leeg nito. Matalas ang
    titig ng babae sa kanya. Punong-
    puno ng pagkamuhi ang mga
    mata nito.
    “I’m gonna kill you! I’m gonna
    do what you did to me!” Sa
    pagkakataong ito ay biglang
    sinungaban ng babae ang
    nakaupong si Andrew.
    Bumagsak siya sa lapag at isang
    sigaw ang pumuno sa loob ng
    saradong opisina.
    “What are you doing here? How
    did you get in?”
    Binuksan ni Andrew ang
    kanyang mga mata. Nakahiga
    siya sa lapag, nakadepensa ang
    kanyang mga braso sa kanyang
    mukha. Nakabagsak ang upuan
    sa gilid niya. Tumingala siya at
    nakita ang lalakeng kausap
    kanina sa reception area.
    Biglang napabalikwas si Andrew
    sa lapag. Nagmasid siya sa
    paligid. Siya lang at ang lalake
    ang tao sa kuwartong iyon.
    Walang bakas ng babaeng nag-
    iinterview sa kanya. Mabilis
    siyang tumayo, hindi pansin ang
    panginginig ng binti.
    “Didn’t I tell you to wait for us
    to call you? What are you doing
    here?” galit na tanong ng lalake.
    Hindi alam ni Andrew ang
    sasabihin. Pinulot niya ang bag
    na nasa lapag at pilit na inayos
    ang nagulong buhok.
    “Don’t tell me…” sabi ng lalake ng
    makita ang maputlang mukha ni
    Andrew. “Did something
    happen?”
    Tinitigan ni Andrew ang lalake,
    hindi alam kung paano
    ikukuwento ang nangyari.
    “I was being interviewed by
    this…” hindi niya maituloy at
    napahikbi siya.
    Tiningnan lang siya ng lalake.
    Para bang alam na kung ano ang
    nangyari sa aplikante.
    “W-Was it Jane?” tanong ng
    lalake na biglang namutla din.
    Nagulat si Andrew sa sinabi ng
    lalake. Hindi niya alam kung
    paano nalaman ng lalake ang
    bagay na iyon. Naalala niya ang
    mukha ng galit na galit na babae.
    Bumalik ang takot na
    naramdaman niya kanina.
    “S-Sorry, but I’ve got to go,”
    mabilis niyang sinabi habang
    nagmamadaling lumabas ng
    kuwarto. Pagkalabas ng call
    center ay sumakay kaagad siya
    sa isang bukas na elevator at
    pinindot ang Ground button.
    Hindi na niya narinig na
    tinatawag siya ng guwardiya
    para pumirma sa visitor’s log.
    Pag bukas ng elevator ay
    tumakbo siya. Hindi niya alam
    kung saan pupunta, basta ang
    alam niya ay kailangang
    makalayo siya. Nawala na sa isip
    niya ang iniwang ID sa reception
    kanina. Basta’t tumakbo lang
    siya ng tumakbo.
    Nang mahimasmasan siya ay
    nakita niyang tanghali na. Hindi
    rin niya alam kung nasaan na
    siya. Nagmasid siya sa paligid.
    Maraming tao ang naglalakad at
    nag-aabang ng masasakyan.
    “Baclaran! Boss, maluwag pa,”
    tawag ng kundoktor ng bus na
    tumigil sa harap niya.
    Tiningnan lang niya ang
    kundoktor, hindi alam ang
    gagawin. Makalipas ang ilang
    minuto ay binuksan niya ang
    dala niyang bag. Inilabas niya
    ang lahat ng dala niyang resume
    at itinapon sa basurahan sa tabi
    niya. Pagkatapos ay sumakay
    siya ng bus.
  • Stalker
    “Hay, salamat! Uwian na rin!”
    bulalas ni Aimee. Itinaas niya
    ang dalawang kamay at nag-
    inat ng likod. Pagkatapos ay
    dinampot niya ang kanyang
    bag at mabilis na tumayo
    mula sa kanyang cubicle.
    Dire-diretso siya sa elevator
    at nakipagsiksikan sa mga
    kasamahan niyang
    nagmamadali ring umuwi.
    Pag dating sa baba ay nakita
    niya si Bessie.
    “Oy, Bessie! Tuloy tayo
    bukas, ha,” bati ni Aimee.
    “No problem. Kailangan ko
    bang magdala ng kahit ano?”
    “Naku, hindi na. Basta’t ang
    mahalaga, matapos natin
    yung proposal. Kundi, lagot
    na naman tayo kay Bossing.”
    “Oo nga, ” sagot ni Bessie
    sabay tawa. “Sige, bukas na
    lang. Bye.”
    “Ingat!”
    Pumara ng taxi si Bessie.
    Pagkasakay niya ay mabilis
    na humarurot palayo ang
    taxi. Napabuntong hininga si
    Aimee. Malapit lamang kasi
    ang kanyang bahay kaya’t
    naglalakad lamang siya
    papasok at pauwi.
    Hinawakan niya ng mahigpit
    ang kanyang shoulder bag at
    nagsimulang maglakad.
    Ngunit agad din siyang
    napatigil ng makita ang
    isang taong grasa na
    nakatayo sa gilid ng kalsada
    sa kanyang harapan.
    Nakatingin ito sa kanya.
    Ito na naman? sabi ni Aimee
    sa kanyang sarili. Halos isang
    linggo na kasi magmula ng
    makita niya ang taong
    grasang iyon. Tuwing uuwi
    siya ay palaging naroroon
    ang taong grasa, nakatayo at
    nakatingin sa kanya.
    Ano bang problema nito?
    Dapat paalisin ‘to rito. Ang
    baho-baho!
    Binilisan ni Aimee ang
    kanyang lakad. Nang
    malagpasan ang taong grasa,
    ramdam niya na nakapako pa
    rin sa kanya ang mga mata
    nito. Araw-araw ay ganito.
    Hindi niya alam kung
    ginagawa ba ng taong grasa
    ang ganito sa lahat ng tao, o
    baka sa kanya lamang.
    Bakit naman kaya siya
    nakatingin sa akin?
    Naging kampante lamang si
    Aimee ng makapasok na siya
    sa kanyang bahay at ng
    ipinid at i-lock niya ang
    kanyang pinto.
    Kinabukasan, oras ng uwian,
    mabilis na tumayo si Aimee
    mula sa kanyang cubicle
    dala-dala ang ilang pirasong
    folder.
    “Ano? Let’s go?”
    Bahagyang nagulat si Aimee
    ng makita si Bessie na
    nakatayo sa kanyang
    harapan. Tulad niya, may
    bitbit din itong mga folder.
    “Okay. Halika na at ng
    makapagsimula na,” sagot ni
    Aimee. Dumiretso ang
    dalawa sa elevator.
    “Di ba malapit lamang ang
    bahay mo rito?” tanong ni
    Bessie.
    “Oo. Diyan lang ako nakatira.
    Kaya nga naglalakad lang ako
    palagi.”
    “Buti ka pa. At least, tipid sa
    pamasahe.”
    “Korek ka diyan!”
    Pagdating sa baba ay
    dumiretso kagad sa labas
    ang dalawa at nagsimulang
    maglakad.
    “Tamang-tama. Nagluto ako
    kanina ng Afritada,”
    masayang sabi ni Aimee.
    “Tiyak, masarap ang kain
    natin mamaya.”
    “Uy, talaga? Tamang-tama,
    matagal na kong di
    nakakakain ng lutong
    bahay.”
    “Bakit naman, Bessie?”
    “Mag-isa lang kasi ako dito.
    Nasa probinsya lahat ng
    pamilya ko.”
    “Ganon? Buti di ka
    nalulungkot?” tanong ni
    Aimee.
    “Ok lang. Medyo sanay na
    rin.”
    “Bakit di na lang–”
    Biglang naputol ang
    sasabihin ni Aimee. Nakita na
    naman niya kasi ang taong
    grasa. Ngunit sa
    pagkakataon ito, natayo ito
    sa gitna ng sidewalk,
    nakaharang sa kanilang
    daraanan.
    “Bakit?” tanong ni Bessie.
    “Y-Yung taong grasa…” sagot
    ni Aimee sabay turo sa
    madungis na lalaki.
    “Ay, ano ba yan!
    Nakakatakot naman.”
    “Oo nga. Ilang beses ko na
    nakikita yan tuwing
    maglalakad ako pauwi. Naku,
    mabuti pa tuwawid na lang
    tayo sa kabila.”
    “Oo, nga.”
    Matapos lumingon sa
    kaliwa’t kanan, mabilis na
    tuwawid ang dalawa.
    “Grabe, dapat ireklamo sa
    baranggay iyan,” sabi ni
    Bessie.
    “Oo nga. Di ko alam kung
    bakit pinapayagang
    makagala yung mga ganyan!”
    “Teka, tingan mo Aimee!”
    Lumingon si Aimee at
    nagulat ng makitang
    tumawid din ang taong
    grasa at sinusundan sila.
    “Oh my god! Bakit niya tayo
    sinusundan?”
    “E-Ewan ko,” tarantang sagot
    ni Aimee. “P-Pero tuwing
    maglalakad ako pauwi, lagi
    akong sinusundan ng tingin
    niyan.”
    “H-Ha? Naku, baka stalker
    yan!”
    “Stalker? Meron ba namang
    taong grasang stalker?”
    “Oo naman!” sagot ni Bessie.
    “Baka kasi nakursunadahan
    ka!”
    “Naku Bessie, huwag kang
    magsalita ng ganyan ha.”
    “Mabuti pa bilisan natin ang
    lakad.”
  • edited October 2013
    Nakaka-Takot! :( kinikilabutan ako! :( :((


    :))
  • ,Halos hingalin ang dalawa sa
    pagmamadali. Ngunit, kahit
    anong bilis nila, naroroon pa
    rin ang taong grasa na
    nakasunod sa kanila tuwing
    lilingunin nila ito.
    “Mabuti pa humingi tayo ng
    tulong. Medyo dumidilim na
    rin, oh,” sabi ni Bessie.
    “H-Ha? Huwag na. Malapit na
    naman ang bahay ko.
    Sigurado, hindi tayo
    masusundan niyan dito.”
    Lumiko ang dalawa sa isang
    makipot na eskinita. Madilim
    na dahil lumubog na ang
    araw at ang buwan naman
    ay natatakpan ng makakapal
    na ulap.
    “Aimee, dito ba ang bahay
    mo. Ang dilim naman.”
    “Oo nga pero huwag kang
    matakot. Ganito talaga dito.”
    Nagpaliko-liko ang dalawa sa
    loob hanggang marating nila
    ang isang dead-end. Sa
    pinakadulo nito ay may kulay
    asul na bahay na may
    dalawang palapag.
    “Eto ba ang bahay mo?”
    tanong ni Bessie. “Wow! Ang
    ganda naman! Mag-isa ka
    lang ba diyan?”
    “Oo, ako lang,” nakangiting
    sagot ni Aimee. “Halika na,
    pasok tayo.”
    “Sandali!”
    Napalingon ang dalawa ng
    ,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,
  • Napalingon ang dalawa ng
    marinig ang malakas at
    magaspang na boses.
    Nagimbal sila sa kanilang
    nakita.
    Ang taong grasa!
    “H-Hindi!” bulalas ni Aimee.
    “Aimee! Anong gagawin
    natin?”
    “A-Anong kailangan mo?
    Bakit mo kami sinundan?”
    tanong ni Aimee.
    Hindi sumagot ang taong
    grasa. Sa halip ay dumukot
    ito ng isang bagay mula sa
    kanyang likuran. Isang
    mahaba at matalas na
    kutsilyo.
    “A-Aimee!” mahinang sabi ni
    Bessie sabay yakap sa
    kaibigan.
    “H-Huwag kang lalapit.
    Sisigaw ako!”
    Parang hindi siya narinig ng
    taong grasa. Dahan-dahan
    itong naglakad papalapit sa
    kanila.
    “Hindi kita hahayaang
    maisagawa ang binabalak
    mo,” sabi ng taong grasa.
    Mahinahon at buo ang boses
    nito.
    “A-Aimee! Anong gagawin
    natin? Baliw yan! Papatayin
    tayo niyan,” nagsusumigaw
    si Bessie sa takot.
    Ngunit, sa di-malamang
    kadahilanan, parang nawala
    ang takot sa mukha ni Aimee.
    Sa katunayan ay nakangiti pa
    ito.
    “Ganun pala. Isa ka pala sa
    kanila.” Humakbang si Aimee
    upang salubungin ang taong
    grasa.
    “A-Aimee? Anong ginagawa
    mo?”
    Biglang sumigaw si Aimee,
    dahilan upang mabasag ang
    mga salamin ng bintana ng
    kanyang bahay. Napaatras
    naman si Bessie, ang mga
    kamay ay nakatakip sa
    kanyang mga tainga.
    Itinaas ng taong grasa ang
    kanyang kamay na may
    hawak na kutsilyo at
    itinutok ito kay Aimee, tila
    ba nanghahamon.
    “Aimee…” mahinang tawag
    ni Bessie sa kaibigan.
    Sa puntong iyon ay hindi na
    masyadong maalala ni Bessie
    ang mga sumunod na mga
    nangyari. Hindi niya
    maipaliwanag ngunit para
    bang nagbagong anyo ang
    kanyang katrabaho. Biglang
    humaba ang mga kuko sa
    kamay ni Aimee. Pati ang
    mga tainga nito ay biglang
    tumulis. Nang lingunin siya
    ng kaibigan, nakita niyang
    naging nakakatakot ang
    mukha nito. Para bang
    naging isa siyang mabangis
    na hayop. Matatalas ang mga
    ngipin nito. Ang mga mata
    naman nito ay parang mga
    uling na nagbabaga.
    Muling hinarap ni Aimee ang
    taong grasa. Pagkatapos ay
    sinugod nito ang lalaki, ang
    mga kamay na puno ng
    matutulis na kuko ay
    nakataas.
    “Hindi mo ko mapipigilan,”
    sigaw ni Aimee. Ang kanyang
    boses ay parang galing sa
    ilalim ng lupa. “Hindi ko
    hahayaang istorbohin mo
    ang aking hapunan!”
    Tumalon ng mataas si Aimee.
    Pagbagsak nito ay sumalpok
    siya sa taong grasa.
    Bumagsak sa lupa ang
    dalawa, nagpagulong-
    gulong. Pagkatapos ay
    katahimikan.
    Hindi alam ni Bessie kung
    gaano katagal silang ganoon.
    Nang subukan niyang
    tumayo, nakita niyang
    tumayo si Aimee. Sa dilim ay
    inaninag niya ito. Nakita niya
    na ang hawak na kutsilyo ng
    taong grasa kanina lamang
    ay nakaturok na ngayon sa
    lalamunan ng kanyang
    kaibigan. Pasuray-suray na
    naglakad si Aimee papalapit
    kay Bessie. Nakangiti ito,
    nakalabas ang matatalas na
    ngipin.
    “B-Bessie… Gutom na ko….”
    mahinang sabi nito.
    Pagkatapos ay bumagsak ito
    at sumubsob sa lupa, hindi
    na gumagalaw.
    “A-Aimee?” naguguluhang
    sabi ni Bessie.
    Mula sa kadiliman ay
    sumulpot ang taong grasa.
    Lumapit ito kay Bessie,
    lumuhod sa kanyang
    harapan.
    “Huwag kang masyadong
    magtitiwala. Dumarami na
    sila at mas magaling ng
    magpanggap. Hindi mo alam
    kung sino ang totoong tao.”
    Matapos sabihin ito ay
    tumayo ang taong grasa at
    tumalikod. Lumapit ito sa
    bangkay ni Aimee at kinuha
    ang kutsilyong nakaturok sa
    leeg nito. Pinunas niya ang
    dugong nasa kutsilyo sa
    kanyang maduming shorts.
    Pagkatapos ay naglakad ito
    papalayo at naglaho sa
    kadiliman.
    Sa police station, hindi
    malaman ng mga pulis kung
    ano ang iisipin sa testimonya
    ni Bessie. Wala namang ibang
    saksing nakakita sa krimen
    at wala silang makitang tao
    na makapagsasabing may
    nakakita sa taong grasa.
    Inisip na lamang nila na na-
    trauma ang babae kaya’t
    hindi nito maalala ang mga
    tunay na nangyari.
    Nang makaalis sa istasyon si
    Bessie, mabilis na nilapitan
    ng hepe ang pulis na kumuha
    ng sinumpaang salaysay ng
    babae.
    “Akin na yung sworn
    statement nung babae.”
    “Eto po,” sabi ng pulis sabay
    abot sa isang pirasong papel.
    Pagkakuha ay agad na
    pinunit ng hepe ang papel,
    kinurumpol, at itinapon sa
    basurahan.
    “”Sir, ano pong gagawin
    natin dun sa babae?” tanong
    ng pulis.
    “Hayaan niyo siya. Mas lalong
    kaduda-duda kung may
    mangyayari sa kanya. Wala
    rin namang maniniwala sa
    kanya. Basta’t sirain niyo
    lahat ng ebidensya.”
    “Eh, si Aimee po?”
    “Ako nang bahala,” sagot ng
    hepe. “Ipapalibing ko na lang
    kay Karding.”
    “Eh, ano pong gagawin natin
    sa taong grasa?”
    Biglang sumigaw ang hepe at
    sinipa ang upuang nasa
    harapan niya. “Sobra na ang
    taong grasang iyan! Gusto ba
    niya talaga tayo ubusin?
    Sigurado, mahuhuli ko din
    siya at pagbabayaran niya
    ang lahat ng kasalanan niya”
    Humalakhak ng malakas ang
    hepe. Pagkatapos ay
    nakigaya ang iba pang mga
    pulis at nagsitawanan din
    silang lahat.
  • @fiveseconds asan na karugtong?
    :D
    pasensya k n @mScarlet mbgal kc ang mgc ko hehehe ngaun lng ulit ako nka k0nek..
  • thanks sa mga pos nyo heheheh mamaya ko babasahin mga 12 para mjo katakot hehehehe
  • thanks sa mga pos nyo heheheh mamaya ko babasahin mga 12 para mjo katakot hehehehe
    @reykage tapos yung mag isa k lng sa madilim n lugar :-\"
  • balitaan mo n lng kame @reykage bka my maidagdag ka dito >:)
  • Mganda mg ghost hunting ngaun @mScarlet
    @reykage
    parang kanina sa Gma7
Sign In or Register to comment.