SULAT KAMAY NG BROKEN-HEARTED

Gusto ko lang i-share to dito after reading a poetry post. nakakatuwa. andito lang ako para magfreetext. pero since I read something interesting, figured out I wanna share this to all. ito nga pala original URL ng nasa baba. :)
(http://muntingprinsipe.blogspot.com/2014/12/strangers-again.html)

imageimage
Daig ko pa ang isang kuting na nanginginig lakbaying mag-isa ang isang napakalaking iskinita na sa totoo lang ay maliit lang naman talaga kaso maraming tao at umuulan nang malakas. Kung kayo kaya yung kuting, anong mararamdaman niyo pag ganun? In short, takot ako. Ang haba-haba pa nung sinabi ko no? Takoot ako dahil ito ay bago para sa mga nakakakilala sa akin at sa mga masugid na tagasubaybay ng aking blog: NAGTATAGALOG AKO! Oh no. Never ko tong ginawa dati. Ang hina-hina ko pagdating sa ating sariling wika pero susubukan ko parin ‘to. ‘Wag niyo kong pagtawanan. Maraming mga salita siguro dito ang mali ang baybay at siguro andaming mali in terms of Filipino grammar, pero kapit lang. Brokenhearted ako. Kaya ko sinusulat to.

Andaming nagtatanong sa akin kung saan ko raw nakilala yung SS ko. Alam niyo yung SS? Hindi Social Security, hindi School Stuff, hindi Schutzstaffel – yung Army ni Hitler. Wag niyo kong lokohin. Di niyo talaga yan alam? Haha. Di rin yan yung initials niya. Asa ka pa. Significant Someone yan. Term para dun sa taong significant sa buhay mo. May klasmet ako nung college na kinukulit ako kung sino daw yung SS ko pero ayaw ko talagang sabihin eh. I want to keep things private. Gusto kong pribado yung ideny niya. Sa sobrang kulit nung klasmet ko, naisipan ko dating magsinungaling sa kanya at sabihing na-meet ko yung SS ko sa isang super-duper secret gathering ng mga dakilang wattpad readers. HAHAHA. Ta-tawa ako sa idea na yun. Di naman ako nagbabasa ng wattpad at naiinis ako dun sa mga teenage at highschoolers na kulang na lang ay sambahin ang wattpad. Pero yun ang unang sumagi sa isip ko kasi nasa bookstore ako nun at nakita ko yung isang gang ng mga studyanteng mistulang may audition sa PBB sa dami ng nakaharap sa stall ng wattpad books. Mabuti nalang di ko tinuloy yung pagsisinungaling ko sa klasmet ko, baka ano pang isipin nun. And I’m naturally honest talaga. Pramis. Haha.

Kahit na napakapribado nang relasyon namin, masasabi ko namang ang SS ang nagpadama sa akin ng bagong definition ng pagmamahal. Hep hep. Teka lang, ang OA pakinggan, parang high school all over again, sh*t, 23 na ako, ano ba ‘tong mga pinagsasabi ko. Hahaha. Andami kasi naming na-build together. Bahay, clrooms at mga simbahan. Hahaha. Joke lang. We’ve built our lives around each other. We talked about a lot of things. We stayed late at night, nagtetext, nagtatawagan, o nagPPM sa FB. We sang the same songs. Akala ko ako ang artista, dapat pala pinasali ko siya sa The Voice. Mas maganda ata yung version niya ng Thinking Out Loud kaysa kay Ed Sheeran. Di yan overstatement. Syempre, mas nararamdaman ko yung kanta pag siya yung akanta kasi para sa akin niya kinakanta. Kaya naman yun ang naging theme song namin.

Pero naghiwalay na kami. Nakakaschock ba? Ayoko nang ikwento yung nangyari. Basta ang gago ko. Period. Di ko alam kung nasakal ko na ba siya sa mga pinag-gagawa ko. Mas bata naman siya sa akin pero parang ako yung elementary kid kung mag-isip sa aming dalawa. Andali ko kasing mapikon at mabilis akong magtampo. Konting minuto lang na di ako narereplayan, nagiging paranoid na agad ako. Pagnagtetext o tumatawag ako at di sinasagot, nababaliw ako agad. Nag-iimbento na ang utak ko ng mga kung anu-anong bagay na di naman nangyayari. Pag na-seenzoned ako sa FB, naiisip ko agad na ayaw na sakin nung SS ko, na baka naghanap na siya ng iba. Nirereview ko lagi yung mga huling mensahe ko at ginagawan ko ng iba’t ibang rason kung bakit pwede siyang magalit dun sa mga sinabi ko kahit parang wala naman talaga siyang dapat ikagalit. OA di ba? Sa sobrang OA ko, dali-dali kong binubuksan yung laptop ko, nilalatag yung ot, at ibabahay yung sarili sa kama habang nakikinig ng kanta nina Sara Bareilles at Sam Smith. “I’ll bow out of place to leave you some e for somebody new” yung hinihintay kong kantahin na linya ni Manang Sara tapos “this hurt that I’ve been through, I’m missing you, missing you like crazy” naman yung gusto kong tagos sa buto na linya galling kay Pareng Sam Smith. Pero may huli pa akong kantang dinadagdag dun. Syempre, Thinking Out Loud. Uulit-ulitin ko muna yung kanta nang isanlibong beses at hihimay-himayin yung “Kiss me under the light of a thousand stars. Place your head on my beating heart” tsaka ako iiyak. I-a-unblock siya sa FB, magpapaload, tatawag, at magpapaliwanag sa lahat ng ka-OAhan, kagaguhan at katangahan ko sa buhay. Minsan-minsan lang din naman akong nagkakaganito. Mga once in two weeks lang. Madalas na ba yun? Di ko alam. Antagal na nung last relationship ko before nitong bago kaya anlabo na ng benchmark. Teka, ba’t parang sinasabi ko parin kung bakit kami naghiwalay? Pinaliguy-ligoy ko pa. Ang labo ko talaga, kitam?

Hanggang sa dumating na talaga yung puntong mas lumalim yung rason ng away namin. Dito na yung punto na sinabi niyang di siya handang alik sa akin at sasabihin na OK siya. That right there hit me to the bones. Antanga ko. Di ko narealize na not all people are as resilient as I expected them to be. May konti din naman akong hinanakit sa kanya. Di niya kasi sinasabi agad lahat nung issues niya with me, sinasarili niya, hanggang sa sumasabog siya and I can’t put back the pieces together. Medyo malalim na dito sa part na ‘to. Pag di ka na nakarelate, balik ka na lang sa dalampasigan, nalulunod na kasi ako, baka masama ka pa pag di mo na magets, di ka pa naman ata marunong lumangoy. Ayan, biglang ikaw ang inaway ko na nagbabasa ka lang naman. Halimbawa yan ng mood swings ko. Pasensya. Pero pag nakita ko ulit SS ko, sasabihin ko naman yung totoo sa kanya: apologetic ako at napatawad ko na siya sa lahat ng mga bagay that caused me pain. Sana nga lang ay napatawad na niya ako.

Ang hirap nga lang nung idea na magbabagong taon, single ka na naman ulit. Amputek this life. Yan kasi, tanga sa pag-ibig. Kaya naman di niyo ako masisisi kung bakit gustong-gusto ko ang English Only Please. Alam ng lahat na mahal na mahal ko si Jennylyn Mercado pero mas minahal ko si Tere Madlansacay sa movie na yun. Parang lahat ata ng tao ay makakarelate sa role niya. Medyo masakit na inexpect kong yung SS ko yung makakasama kong manood pero hindi nangyari. Siya sana yung katabi ko sa front row seats, or front row porches to be technically specific, sa cinema 6 sa Megamall. Siya sana yung kayakap ko habang kinikilig ako sa mga lines nina Jennylyn at Derek. Halakhak niya sana ang narinig ko habang pinagtatawanan yung lalaking biglang umepal sa may swimming pool habang nagdi-date/tutorial lessons sina Jennylyn. Mahahalikan ko sana noo niya nung umiyak na si Jennylyn habang muling nagkita sina Derek at Isabel Oli. Oooops, spoiler at PDA na ata to. Ok, next paragraph na. Hahaha.

Nung nagkakalabuan na kami, nakakabitter kapag nakakakita ka ng mga magsyotang nagPPDA. Hate na hate ko yung mga naka-couple shirt. Nakakabanas. Nung dumaan pa kami sa seaside sa MOA, maraming mga nag-uusap na magkayakap sa may sea wall. Naisip kong what if itulak ko kaya sila? HAHAHA. Joke lang. Di naman ako ganyan ka bitter. Pero isasuggest ko yun sa mga brokenhearted at bitter. Push niyo yan mga kapatid! Hahaha. Ang mahirap lang kasi sa mga sitwasyong ganito, bigla na lang nababakante ang isip mo at pumapasok lahat nung mga alaalang binigay sayo nung tao. Ansakit sakit isipin nung mga magagandang memories na unti-unting pinapalitan ng bad and painful ones in your mind. Yan kasi, may built-in powerpoint yung mga utak natin, ang galing magslideshow, crisp na crisp pa yung mga images di ba? High resolution. Tapos wala yung slide na “The End” or “Thank You” na may kasamang GIF na either cartoon or something na pambata sa bandang huli. Kasi yung slideshow sa utak natin, naka-repeat all. Ikot-ikot, ika nga. Ang masaklap pa niyan, kahit na natutulog tayo at dapat ay nakahibernate na yung utak natin, yung powerpoint nagiging movie maker. Hala. Bonggang bonggang movies ang ginagawa ng utak natin starring ang mga sarili natin at yung taong miss na miss natin. Tayo yung direktor at writer eh. Walang basagan ng trip. Ang gaganda na ng mga eksena, walang sumisigaw ng “cut” tapos feel na feel pa talaga. Tapos gigising ka. Tapos iiyak. Tapos mag-iimagine na naman. Tapos maghahanap ng libangan, pero papasok at papasok parin yung mga imahe sa utak mo. O di ba? Our brain is so powerful. Pero sa exam, di naman gumagana. Tanong ko rin yan sa sarili ko. Hay pag-ibig.

Nanganganib nang magtapos ang taong 2014 at mabwibwiset ka na naman sa sarili mo dahil gagawa ka na naman ng new year’s resolutions kahit deep inside that petty brain of yours, alam mong wala namang kwenta yung mga yun pero gagawin mo parin, baka sakaling may pag-asa pa. Kung single ka, gusto mong magkasyota na kasi napag-iiwanan ka na ng panahon. Kung taken ka naman, pilit mong iniisip kung may problema ba yung partner mo. Tapos the best time to think about your relationship status is when you cross one year to another: pagsalubong ng New Year. Yung mga single, atat na atat magchange ng relationship status sa Facebook. Yung mga taken naman na tina-tag sa Facebook yung “In a relationship with…” nung karelasyon nila ay di raw nagtatagal ng isang buwan ayon sa statistics. Natakot ka ba? Hahaha. Joke lang. Walang ganung findings.

Pagod na rin ako actually kakagawa ng New Year’s resolution. Tapos this year, magdadagdag pa ako ng bago na may kinalaman sa pag-ibig. Wala man akong karapatang magbigay ng payo tungkol sa pag-ibig, but I realized one thing this year: in order for me to love a person unconditionally, I should know first my own strengths and weaknesses so that I know where to place myself in a two-way journey called PAG-IBIG. And of course, always be honest and open. Nadadaan naman ang lahat sa matinong usapan.

O ayan! Nairaos ko rin ang blog post na ito! Nakakahiya! Hahaha. Ayan, pumapasok na naman sa isip ko yung SS ko. Tama na nga ‘to. Nawa’y maging mas mabuti at blooming ang inyong mga 2015!#
«13

Comments

Sign In or Register to comment.