When the wind blows

Love conquers all.

Kahit na ilang libong milya pa ang layo niyo. Kahit na ilang monster pa ang sabay niyong gapiin. Kahit na ianubduct kayo ng alien. In the end mahal nyo pa rin ang isa't-isa. Maga-i love you at magyayakapin pa rin kayo sa ending. Pero pano kung langit na ang namagitan. Pano kung ang Diyos na ang humusga at magsabing..

"..hindi siya ang nilaan ko sa'yo, anak.."

***

"happy third anniversary, mig!! hows your day? good mood hu? nm, another year for us. thank im still inlove with you. haha! kidding.

do you still remember? yung araw na una kang nanligaw sakin? haha. mukha ka pang kachupoy nu'n. ewan ko sa hairstyle mo. oo baduy ka pa nun.

tapos nung araw na sinagot kita sa rooftop ng bahay nila Jaz? haha, tanda mo pa sa sobrang o.a ng reaction mo grabe, muntik ng tumumba yung inuupuan natin. napaka epic mo!

e yung first monthsary natin? binigyan mo ko ng munchkin? pero pagbukas ko, d#mn may bawas na? haha.

haay, napaka palpak mo talaga. pero.. diyan kita minahal e. kahit na pangit ka magsulat, bawing-bawi naman sa mukha. kahit na hindi ka mo-nalo sakin sa Math. nosebleed naman ako sa English mo. oo na, ngayon lang ata kita pupurihin. oo, magaling ka talaga mig. you're the best thing that actually i've ever had."

biglang umihip ang malakas na hangin. ibang-iba talaga kapag yakap ka ng taong mahal mo. parang nararamdaman ko ang bawat paghinga ni mig sa pisngi ko. nakakaramdam ako ng kapayapaan sa puso ko, hindi ko maintindihan kung bakit. dahil ba alam kong hindi niya ko iiwan?

"ayah, hijah?" isang pamilyar na boses ang asag sa tagpong yun.

"sabi na, nandito ka din. hindi talaga kita mauunahan dito. but im happy. kamusta ka na, hijah? ang tagal na nating hindi nagkikita." niyakap niya ko ng mahigpit. mas mainit. ramdam ko ang pananabik. tapos.. bigla na lang may mainit na umagos sa mga pisngi ko.

"miss na miss na kita. hindi ka na dumadalaw sa bahay. lagi na lang kayo magkasama ni mig." binigyan niya ng isang matamis na ngiti ang pagsulyap niya kay mig.

"o miguel santos, heto na ang paborito mong ulam." inalis niya sa paper bag yung isang tupper ware at nilapit kay miggy. "mig, anak. di mo ba namimiss si mama? lagi na lang kayo magkasama ni ayah e." tapos tumawa siya. yung ta ramdam mong may tampo, may lungkot.

biglang tumahimik si a jana. alam ko yung pakiramdam na 'to. mas masakit sa kanya, doble ang lungkot sa nararamdaman ko ngayon. pareho naming mahal ang taong kaharap namin ngayon.

napaluhod si a jana sa tabi ng mga bulaklak. habang patuloy sa pag-agos ang mga luha sa mga pisngi niyang kahalintulad ng kay mig. wala man lang akong maga iba para mapagaan ko ang loob niya. niyakap ko na lang siya ng mahigpit. tulad ng laging ginagawa sakin ni mig pag hindi ko na alam ang gagawin ko.

bakit si mig? bakit napakaikli lang ng panahong inilaan ng Diyos para makasama namin si miggy.

END

Tagged:

Comments

Sign In or Register to comment.