KUYA PABUG NAMAN PO, PLEASE? (Teka, Love Story 'to!) - SupladoAko

edited August 2015 in Readers Digest
Part 1: "Bug"

"Kuya pabug naman po, please?"

-Iyan kaagad ang ungad sa akin, pagkabukas ng inbox ko sa profile page ng account ko sa isang community site.

Ramdam ko tuloy ang biglang pagpatong-patong ng mga guhit sa aking noo, na tinernuan ng pagkulot ng kali kilay. Natulala ako ng mahigit isang minuto sa screen ng laptop. Una sa lahat, hindi ko gawain ang magstay sa Tips and Tricks Forum (Mga naglipanang threads, kung saan puros mga tutorial sa libreng internet ang patama. Mapa-phone man o computer), kung bibisita man ako doon, sigurado ay dahil sa paghahanap ko sa mga posibleng paraan para makapag youtube ng libre sa cellphone. Pero hinding-hindi ako tatambay o mag-iiwan ng puna sa bawat paksang nakapa-inloob sa forum na iyon. Kaya ngayon, lumulutang ang katanungan na kung bakit sa akin nagpapabug ang user na 'to? Ikala dahilan ng pagpitik ng ugat sa sentido ko, ay ang pagkayamot sa salitang "kuya" sa piniem niya sa akin. I mean, malinaw naman sa avatar ko na babae ang nakabalandrang larawan, tapos mapagkakamalan niya akong lalake? Nakakapagpaputi ng buhok ang message niya.

"500 Pesos. Take it or leave it." hindi ko alam kung paano ko natipa sa keyboard ang bawat letrang uo sa pangusap na iyon. Hindi ko kasi ugali ang magpabayad sa ano mang mga detalyeng nalalaman ko ukol sa usaping "Free Internet". Kung anong meron ako, at kung sa tingin ko ay tama naman, bukal sa loob ko itong ipapamahagi sa iba. Nabali na marahil ang linya ng PASENSIYA sa sistema ng katawan ko, kaya siguro sumabog na ang emosyong PIKON sa aking tuktok.

"Ang mahal naman Kuya." mabilis nitong tugon, ni hindi man lang ako pinakurap ng lagpas sa lima.

"Take it or leave it." ulit ko, medyo mabigat na ang dampi ng aking mga daliri sa keyboard.

"30 load to any network nalang, Kuya."

May kung ano ulit ang pumintig sa aking sentido. Alam kong nakasibangot na ako habang nagta-type. "Mahirap na mag bug ngayon. Kaya kung ayaw mo, fine!"

"Ok sige, 60 load? Kuya?"

Kung totoo lang na umuusok ang ilong kapag nasagad na ang galit sa isang tao, hindi ko ipagkakait na apoy imbes na usok ang lalabas sa aking ilong. "BABAE AKO! BULAG KA BA?! KITANG-KITA NAMAN SA PROFILE PIC KO!"

"Huh? Sige na, pa bug Kuya? Please, Kuya?"

"BABAE NGA AKO! BYE!" paalam ko, kasabay sa paglog-out. Pilit pinipigilan ang sariling kamao na lumapag sa screen ng laptop. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero sadya talagang maiksi ang pisi ng PASENSIYA ko sa aking kaluluwa. Kahit pa gaano kababaw ang asar, tiyak mag-aalburuto ako sa galit. Ika nga ng mga kalaro ko dati, asar talo daw ako.

Lumipas ang ilang oras. Medyo napakalma ako ni Adam Sandler sa pelikula nitong The Wedding Singer, kaya't mabilisan akong naglog-in ulit sa community site na tinatambayan ko at sinilip ang profile page ni Bakulaw, yung lalakeng naka-ingkuwentro ko kanina. Ewan ko ba, pero maliban sa pagiging mababaw ang pasensiya, isa rin sa mga ugaling dumadaloy sa aking dugo ay ang pagtawag ng ibang ngalan sa mga bagong kakilala ko. Siguro paraan ko na iyon para hindi ko kaagad makalimutan ang mga taong nakakasalamuha ko. Kaya puro alias na kung ano-ano ang nakasave sa phonebook ng aking cellphone.

"Newbie." ika ko sa sarili, habang pinagmamasdan ang petsa sa kung kailan siya lumahok sa site na tinuturing kong ikala bahay, maliban sa Simbahan.

"Sige na pabug na, kailangan ko lang please?"

Biglang nagpop-up sa screen ko ang panibagong piem niya sa akin. Medyo napa-igtad pa ako sa posisyon ko ng mga sandaling iyon.

"Okay." malumanay kong tipa sa pagkakataong ito, siguro dahil wala na ang salitang KUYA sa mensahe niya. "Ganito kasi yun, hindi talaga ako marunong magbug. Nagpapabug lang ako sa mga pinsan ko."

"Ganon." mabilisan niyang reply.

"Yup."

"Sayang. Thank you nalang."

"No problemo, amigo! ^_^" pagpindot ko muli sa enter key.

Natapos ang isa at dala minuto, sinundan ng ikatlo, ika-apat at ika-lima, pero hindi na ito nagparamdam pa. Nagwakas na ang pinapanood kong doentary film sa youtube, subalit wala parin siyang sagot. Maglolog-out na sana ako ng biglang sumulpot ulit ang private message niya sa akin.

"Ang cute mo sa picture mo."

Napa-iling ako. Napinta ang ngiti sa aking labi.
«13

Comments

  • Part 2: "Deal"

    "Ang cute mo sa picture mo."

    Pagkatapos ng ilang sandali, nagpop-up muli sa screen ko ang message niya. Medyo may naramdaman pa akong pagkilig na nag-umpisang naglaro sa balakang ko, paakyat sa aking balikat. Isa pa sa mga ugaling kina-iinisan ko, ay ang madaliang pagsang-ayon ko sa mga maliliit na bagay. Kahit na gaaano pa ito kakarampot, basta paukol sa hitsura ko, tiyak compliment na ito para sa akin. Maging masama man o mabuti.

    "Hehehe hindi naman!" tugon ko, na may kasama pang gigil sa pagngiti.

    "Hindi ka halatang lalake."

    Nagsalubong ang mga kilay ko. Tila nararamdaman ko muli ang unti-unting pag-usbong ng himutok sa butsi ko. "ABA, BASTOS KA TALAGA NO?!"

    "Teka Kuya, posible bang magpabug nalang ako sa pinsan mo?"

    "Ewan. Bye na, maglolog-out na ako." nagbago ang timpla ng pakiramdam ko, bumiling sa pagka-irita.

    "Kahit na magbayad ako ng 500 Kuya? Super need ko lang kasi."

    Naudlot ang pagclick ko sana sa log-out button. Naalala ko bigla na kailangan ko tumawag kay mama sa abroad, para ipa-alam sa kaniya ang graduation ko next week. Malaki ang matitipid ko sa 500 na ipambabayad ni Bakulaw kung sakali.

    "Okay sige, deal." nanginginig pa ang daliri ko nang pindutin nito ang enter key, sa kadahilanang ngayon lang ako makikipagtransaksiyon ng pera via online.

    "Paano ko ipapadala ang bayad?"

    "Hmnn..By cebuana? Load? G cash?" pagtaranta kong sagot, napaghahalatang baguhan ako pagdating sa mga ganitong usapin.

    "Malabo. hindi ako tiwala sayo Kuya."

    Nararamdaman ko nanaman ang manaka-nakang pag-akyat ng dugo sa aking tuktok. "Lalo naman ako! Kapal nito! Hindi rin ako tiwala sayo 'no!"

    "Saan ka ba nakatira?"

    "Tarlac, bakit?" kumurba ng bahagya ang isang kilay ko.

    "Saan sa Tarlac?"

    "Sa San. Miguel, bakit mo ba tinatanong?"

    "Malapit ka lang pala. meet nalang tayo bukas, bilhin ko nalang yang bug sim mo. Gusto mo?"

    Lumundag ang puso ko. "Talaga?! San. Miguel karin ba nauwi?"

    "Wala ng maraming tanong. Basta malapit ako sayo. Ano, puwede ka ba bukas sa SM Tarlac kuya? Mga around 2 PM?"

    "Okay sige. Tutal sakto namang may dadahanan ako sa SM tomorrow."

    "Bye." pagputol niya sa pag-uusap namin.

    Buntong-hininga ang kumuwala sa ilong ko pagkatapos kong patayin ang ilaw sa aking kuwarto. Agad kong initsa sa itaas ng kama ang aking katawan. Bumaluktot at nagtago sa ilalim ng kumot. Maya-maya pa ay sumisilip na ang unang tapak ng panaginip sa akin ng bigla akong bumangon sa kama at napatili.

    "SHIT! Bakit ko binenta ang sim ko!"
  • Part 3: "Eyeball"

    Mahabang hikab ang binati ko sa harapan ng laptop. Sinibat ko ng tingin ang orasang nakasabit sa ding-ding. Alas-siyete ang basa ko. Pupungay-pungay pa ang aking mga mata ng maglog-in ako sa community site na kinabibilangan ko. Hinahunting ang nakadeal ko kagabi.

    "Walang-hiya, kung bakit pa kasi napasubo ako last night..Asan na ba ang....." bulong ko sa sarili, habang abalang hinahagilap ang account ni Bakulaw, na sakto namang naka-online.

    "Oy, cancel na natin ang pagbili mo sa sim ko..." pagtipa ko sa keyboard na sinasabayan ng pagpintig ng aking labi. Hikab muli ang sumunod na lumabas sa bibig ko, dahilan para maputol pansamantala ang aking tina-type. "Naexcite lang ako kagabi nang malaman kong taga San. Miguel ka. Bibihira lang kasi ang mga taong kakilala ko sa net na malapit dito sa amin. Sorry, next time nalang."

    Nakipagtitigan ako sa harapan ng screen, habang nakalutang sa taas ng enter key ang hintuturo ko. Pinag-iisipang mahigi kung ipapadala ko ba ang mensahe.

    Maya-maya pa, biglang lumitaw ang 1 message sa inbox ko, galing kay Bakulaw.

    "Kuya, cp number mo? Sa cellphone nalang tayo magkontakan para mas madali."

    Napakamot ako ng ulo, sa palagay ko lalong gumulo ang aking morning hair. Sa wakas, pagkatapos ang ilang minutong pakikibaka sa tanong na oo o hindi, naisend ko na rin ang mensaheng nabuo ko para sa kaniya, na nagsilbing reply ko narin sa message niya.

    "Huh? Bakit kuya? Parang hindi ka naman lalake. Wala kang isang salita."

    May kung anong pumitik nanaman sa sentido ko.

    "Bakla ka ata e?"

    "May papicture-picture kapang babae sa avatar mo. Pero ang totoo, poser ka rin e."

    "Halatado kang lalake kuya." sunod-sunod niyang mensahe sa akin, ni hindi ako hinintay o hinayaang sumagot man lang.

    "Ate anong ginagawa mo?"

    Natigilan ako sa tinig ni Gelo, nakababatang kapatid ko, na kasalukuyang nakatayo sa pinto ng aking kuwarto. "bakit mo buhat-buhat yang laptop mo?"

    Sa tingin ko nahimasmasan ako sa presensiya ni Gelo. Doon ko rin napagtanto na sumabog nanaman ako sa galit, at kung hindi ako naawat ng aking kapatid, tiyak hahalik sa sahig ang laptop ko.

    "Hoy baklang kuya! Ano na? Bilhin ko na yang sim mo."

    Tila uma-apoy ako sa pagka-irita. Sa pagitan ng pagkontrol ko sa sarili, at pagtawid sa linya ng pagkamahinaon, ay siyang pagbuo ko sa planong biglang sumirkulo sa aking utak.

    Sa huli, binigay ko ang numero ko sa kaniya at nagpatuloy ang aming deal..... At ang bitter-sweet kong balak.

    "Ate nakakatakot ka. Ang weird-weird mo talaga."

    Biglang palipad-hangin ni Gelo. Napatingin tuloy ako sa salamin. Nakuha ko kaagad ang gustong iparating ng kapatid ko sa akin. Kaya mabilis akong pumasok ng banyo, para alisin ang ngising bumabalot sa aking labi at suklayin ang buhok na nagbibigay ng impresyon na bruha sa aking mukha.

    "Papunta na ako. Nakablack akong damit na may white cross na design."

    Teks message ni Bakulaw sa akin. Inilapag ko sa mesa ang cellphone ko habang sinasayad ang laman ng Rhumba Cream. Mahigit sa sampung minuto narin ang lumipas simula nang ihalik ko ang aking puwet sa isa sa mga upuan ng Starbucks. Pabalik-balik ang lingon sa orasan, kasabay sa maingat kong pagtagni-tagni ng plano kong pagpapahiya sa kaniya.

    "Good Afternoon Sir." dinig kong bati ng isa sa mga barista sa lalakeng bagong dating. Dumapo kaagad ang tingin ko sa suot niyang damit. Color black na may krus na design sa harap. Luminga-linga ito sa paligid, tila may hinahanap. Walang duda, si Bakulaw na'to.

    Tumilapon sa akin ang tingin niya, na agad namang sinalo ng mga mata ko. Dumiretso siya sa puwesto ko na hindi tinatanggal ang titig sa akin. Sigurado, kabisado na niya ang aking mukha, dahil sa profile picture ko.

    Itataas ko na sana ang aking kamay, bilang hudyat na ako ang hinahanap niya, nang bigla siyang huminto sa kalapit kong lamesa. Ibinaling ang tingin sa lalakeng bigotilyo na nagbabasa ng diyaryo habang nagkakape. Tumingala sa kaniya ang mamang balbas sarado, wari'y nagtataka kung bakit siya nakatayo sa harapan nito. Maya-maya pa ay nagsalita si Bakulaw.

    "Ano kuya, bilhin ko na ang bug sim mo?"

    "THE FUCK?!" napalakas ata ang mura ko, lahat kasi ng mga mata sa loob ay lumanding sa akin. Pati narin ang kay bakulaw.
  • sumusubaybay po ako... hehehe... mahilig kasi ako magbasa ng ganitong story.... hehehe... waiting....
  • Part 4:"Restaurant"

    "Sinabi ng i'm sorry, 'di ba? Ang akala ko talaga lalake ka." mahinhin niyang tugon, ni hindi makagawang tumingin ng diretso sa akin, busy niyang iniinom ang inorder nitong kape, habang maya't-maya niyang ginagalaw ang ensymada na halos mapangalahati na niya.

    "Ibang klase ka rin no?!" Impit kong pagtalak, iniiwasan na makahatak muli ng maraming atensiyon. Kahit na pakiramdam ko'y namumula na ako sa galit, pilit ko parin pinapakalma ang aking sarili. Mahirap kasing ipagpatuloy ang plano kapag parang dumidilim na ang paningin mo sa galit.

    "Nasaan na yung sim?" tanong niya na hindi inaalis ang titig sa iniinom.

    "About 'dun, nasa loob ng mall yung sim." pagturo ko sa Esem na katapat lang ng kinaroroonan namin.

    "Nagsho-shoping yung sim mo?" walang kaemo-emosyon niyang usisa sa akin, animo'y para siyang batang nagtatanong kung pwede niya bang kainin ang isang bagay na nadampot niya lang sa kung saan.

    "Hindi!" sunod-sunod na pagpiit ng ulo ko sa kaliwa at kanan. "Hawak ni Chikka yung sim, iyong kaibigan ko."

    "Kasama ng kaibigan mong sim si Chikka, na namamasyal sa mall?" pakurap-kurap niyang usisa. Ang sarap niya tuloy sapakin. Hindi ko alam kung sadyang engot talaga siya o nagtatanga-tangahan lang.

    "Sira ka ba? Paaano makakapamasyal yung sim?"

    "Required ko bang sagutin yan?"

    Napasapo ako sa aking ulo. "Nakup! Tinamaan ka nga naman ng lintik!"

    "Saan banda ka tinamaan? Masakit ba?" walang emosyon ulit nitong tanong.

    Pumitik ang ugat sa sentido ko. "Makinig ka, Bakulaw!" pagtaas sa aking presyon. "Yung sim." gumuhit ako ng maliit na hugis kuwadrado sa hangin. "Hawak ni Chikka na nasa loob ng Esem." pagturo ko sa mall, na sinabayan ko ulit ng pagguhit sa hangin ng isang korte ng babae. "Ako at ikaw." pagturo ko sa aming sarili. "Papasok tayo sa loob para kunin kay Chikka yung sim. Klaro?"

    "Okay." mahinhin niyang tugon, na nagpakalma sa akin. Hindi ako makapaniwala sa taong 'to, kailangan ba talagang iexplain sa kaniya ng paunti-unti?

    "O taralets, naghihintay na si Chikka. Para matapos na rin 'tong stress day na 'to. Baka maisipan ko pang magsuicide." pagsukbit ko sa dala kong shoulder bag.

    Hindi siya gumalaw sa kaniyang kina-uupuan. Bagkus, tahimik lang siyang nakatitig sa basong walang laman sa tapat niya. "Okay. Kukunin natin si Bakulaw, yung sim mo. Tapos papasok tayo sa loob ni Chikka para hanapin si Bakulaw. Gotcha."

    "MAY SALTIK KABA?!" tila napalakas muli ang tinig ko, lahat kasi ng mata sa loob ay dumapo ulit sa akin.

    +++
    Isina-ayos ko muli ang aking plano habang naglalakad kaming dalawa ni Bakulaw sa loob ng mall. Tinatantiyang plantsado at walang ano mang himulmol ang makakagusot sa planong naiukit ko na sa aking utak. Una, pupuntahin namin si Chikka; nakausap ko na siya kanina at pumayag naman sa binabalak ko, na Supervisor sa isang sikat na restaurant. Yayayahin ko si Bakulaw na kumain saglit. Siyempre, oorder na akong oorder. Iyong tipong parang fiesta ang dating ng mesa namin. Magpapatake-out pa ako kung may pagkakataon. Tapos, kunwari naiwala ko ang wallet ko. Doon papasok si Chikka sa eksena, pipigahin kaming husto nito, lalo na si Bakulaw. At dahil sa kaibigan ako ni Chikka, papatakasin niya ako at maiiwan si Bakulaw na maglilinis ng pinggan. O kaya maging service crew nila ng ilang linggo na walang bayad! Ligtas akong makaka-uwi sa amin, na bitbit ko ang aking sim, busog pa ang tiyan ko! Ayos!

    "Manang, ayusin mo naman ang tawa mo. Ako ang nahihiya sa ginagawa mo, pinagtitinginan ka ng mga tao." pagbasag ni Bakulaw sa pagmumuni-muni at malakas na halakhak ko. Pumutok tuloy sa harapan ko ang imaginary bubble na kinapapalooban ng eksenang naiplano ko na.

    "Anong Manang?! Wala kang paki-alam!" talak ko sa kaniya. "Teka! Bakit ang layo-layo mo sa akin?! Nahihiya ka paba sa lagay na iyan?! Lumapit ka nga! Nandito na tayo!"

    Pumasok kami sa loob ng isang restaurant at pumuwesto sa bandang sulok.

    "Waiter!" pagtawag-pansin ko sa mga empleyado. "Kain muna tayo, nagugutom na ako."

    "Okay." mahinhin niyang tugon, kasabay ng paggala ng kaniyang mata sa paligid.

    "Ano pong or---" pagputol ng babaeng waiter sa kaniyang sasabihin nang mapatingin kay Bakulaw. Namula at namilog ang mata nito, tila nanginginig pa ang katawan.

    Nadako tuloy ang titig ko kay Bakulaw. Ngayon ko lang napansin, may hitsura pala ang gung-gong na 'to. Napakaputi at napakakinis ng kutis niya. Mapungay ang mga mata. Mahahaba ang mga pilik-mata. Katamtaman ang tangos ng kaniyang ilong, at nakaka-akit ang nunal niya na nakapark sa may baba nito. Pero mas nakakatuksong titigan paulit-ulit ang umbok at mamula-mula niyang labi. Kung hindi ko lang siya kakilala, tiyak malalaglag ang panty ko sa lalakeng 'to. Siya iyong tipong puwedeng maging kampeon sa mga artista reality show. Kaya hindi ko masisisi ang babaeng waiter na 'to kung nabihag siya sa kinang ni Bakulaw. Kung alam lang sana ng dalagang 'to kung gaano kabobo ang kasama ko.

    Maya't-maya pa, napuno na ng maraming pagkain ang mesa namin. At sinumulan ko ng upakan at pataubin isa-isa ang mga putaheng inahin sa amin. Mag-umpisa sa nakapalayok, paibaba sa dessert. Nakaka-irita nga lang minsan kapag lahat ng empleyedo ng restaurant ay nakatingin sa amin. Tila hindi makapaniwala ang naka-ukit na ekspresyon sa kanilang pagmumukha. Ang mas nakaka-inis, pati si Chikka ay parang hindi mapakaling minamasdan itong si Bakulaw. Nakaka-irita tuloy. E ano ngayon kung papable 'tong kasama ko? Gusto ko tuloy ipangalandakan na guwapo nga 'tong katabi ko, pero saksakan naman ng bobo!

    "SHIT?!" pagtapak ng unang paa ng aking plano, ang pag-eeskandalo. "NAWAWALA ANG POUCH KO!"

    Effective! Nakuha ko na ang lahat ng attensiyon sa loob. Maliban kay bakulaw na abalang nginunguya ang kinakaing manok. Lumapit sa amin si Chikka. Ayos! Smooth ang takbo ng plano!

    "Mrs., ikaw ba ang manager dito?! Naiwala ko ang wallet ko. Pwede bang umalis muna ako saglit? Magwiwithdraw lang ako. Pero don't worry, iiwanan ko dito ang kasama ko. Tsaka, patake-out nitong kare-kare at letchong paksiw." pagkindat ko kay Chikka, senyales na siya na ang bahala para sa susunod na hakbang ng plano.

    "Te-teka, Mam!" pag-awat sa akin ni Chikka nang papalabas na ako ng restaurant. Parang wala 'to sa plano ah.

    "Magwi-withdraw lang ako, ikaw na ang bahala sa kasama ko." hindi mapandaugaga kong pagkindat kay Chikka. Ano bang problema ng mga tao ngayon? Bakit parang ang bagal ng ikot ng kanilang utak.

    "Hi-hindi po pwede. Kailangan niyo po bayaran ang lahat ng iyan." pagtaranta ni Chikka.

    "Chikka!" pagtakip ko bigla sa aking bibig, natatakot na baka mahalata kami ni Bakulaw. "Ano kaba, iyong plano natin." pagbulong ko sa kaniya.

    "Hi-hindi po pwede, kailangan niyo pong bayaran yung bills niyo." pag-ulit niya, na namumutakti ang pawis sa mukha. Nakapinta pa ang tila kabang nagpapaputla sa kaniyang balat.

    "Let her." biglang bulyaw ni Bakulaw. Napatingin tuloy ako sa kaniya, na abalang nagpupunas ng bibig.

    "Yes Sir!" pagderetso sa katawan ni Chikka.

    "I-account mo na lang sa akin ang lahat ng nagastos. Ako na ang bahala." ani ni Bakulaw. Napataas ang kaliwang kilay ko.

    "Pssst, Lyka." sitsit sa akin ni Chikka. "Bakit kasama mo ang manager namin?"

    "THE FUCK?!" dumapo muli sa akin ang mata ng mga tao sa loob ng restaurant.
  • Part 5: "Liability"

    Mahigit tatlumpung minuto nang nakadikit sa silya ang aking puwet, sa loob ng opisina ni Bakulaw. Nakakawindang. Halos tumigil sa pag-ikot ang kokote ko kanina, nahilo at parang huminto sa pag-absorb ng mga ideya. Hindi ako makapaniwala, na ang kaharap ko ngayon ay manager ng isang sikat na fastfood chain sa bansa. Sumirko tuloy ang imagination ko kung paano naging manager ang taong 'to. I mean, nasa hitsura at amoy naman niya ang pagiging boss, pero sa kilos at sa kaniyang pinapakita, malabo. Parang sinabi mo na rin na maraming bituin kapag alas-dose ng tanghali.

    "Charlie Montero." pagbasa ko ng mahina sa malaking name plate na nakapatong sa mesa niya. "Branch Manager."

    Sinulyapan ko siya kung tatapunan man lang niya ako ng tingin, pero nabigo ako. Abala siyang sumusulat, ni hindi man lang ata siya humihinga.

    "Aalis na ako. Kanina pa ako dito na walang ginagawa, ni hindi ko alam kung bakit ba nandito ako." pagtayo ko mula sa pagkaka-upo. "Ano ba ang kailangan mo sa akin?"

    Hindi siya umimik. Nakapako parin ang tingin sa mga tambak na papel na sinusulatan niya.

    "Sige, nice meeting you nalang Mr. Charlie. Salamat sa libre mo sa---"

    "UPO!" bulagsak niya bigla ng utos. Napa-halik ulit tuloy ang puwet ko sa silya. Gulantang at ang bilis ng pintig ng aking puso. Hindi ko alam kung bakit ko siya sinunod, hindi ko rin maintindian kung bakit kinabahan ako bigla. Hindi rin ako iyong tipong basta-basta nalang nakakaramdam ng takot o kaba. Pero kaka-iba ang tagpong 'to. Ramdam ko ang bigat ng pagka-authority sa utos niyang iyon. Iyong tipong hindi kana mag-iisip ng iba pang bagay, ang sumunod lang ang sisiksik bigla sa utak mo.

    Lumipas pa ang ilang minuto. Same scenario. May kung anong sinisiyasat siya sa mga dokumentong pinagpipiyestahan ng kaniyang mga mata, habang ako ay namemorize ko na ang bawat detalye sa loob ng maliit niyang opisina. Maski ang bilang ng mga langgam na nagsstroll sa sahig at ding-ding.

    "Ibaba mo yan, masyadong memorable yan." pagsita niya sa akin nang damputin ko ang isang pigurin ng leon na may laki ng katulad sa hinlalaki ko.

    "Naiinip na ako. Anong oras mo ba ako pauuwiin?"

    Wala itong muling imik.

    "Ano ba?! Nakaka-inis ka na ah! Kung tungkol 'to sa kanina, fine babayaran ko! Wala nga lang akong pera sa ngayon! Pero babayaran talaga kita, huwag kang mag-alala."

    Tahimik ang paligid, maliban sa ugong ng aircon. Wala parin itong kibo. Nararamdaman ko ang unti-unting pagrebolusyon ng aking dugo. Ilang sandali pa, sigurado, sasabog na ako sa pagkahighblood.

    "Nakakapikon ka na ah!" padabog kong tungo sa pintuan.

    "Five thousand ang total ng bill mo." napatingin ako sa kaniya. Inalis niya ang nakasukbit na salamin sa kaniyang tenga bago muli 'tong nagpatuloy. "Grabe, ganon kaba talaga kalakas kumain?"

    "Ano?! Five thou-"

    "Correction." pagputol niya sa dapat na sasabihin ko. Ngumisi siya. "Lamon na pala iyon, hindi kain."

    Nagsimula na namang pumitik ang ugat sa aking sentido. Nagsalabong na ang mga kilay ko. Tuluyan nang dumilim ang paningin ko, nagtatalo ang init ng ulo at pagkamahinaon sa loob ng aking utak. "Hoy! Ikaw na Bakulaw ka, kung sa tingin mo ay sasantuhin kita dahil sa manager ka, nagkakamali ka! Kung ihampas ko kaya ang compyuter na iyan sa ulo mo?!"

    Pumito siya. Wala na, nabura na ang salitang magpakahinaon sa diksiyonaryo ko. "Aba talagang sinusubukan mo akong Bakulaw ka ah!"

    "Yung sim? Bibilhin ko na."

    Natauhan bigla ang isip ko sa realidad. Naalala ko nga pala, yung bug na sim ko ang puno't dulo at dahilan kung bakit ako naririto ngayon.

    "Nasaan na? Babayaran ko na." paglapag ng kaniyang palad sa hangin. "Saka, pakibaba mo yang lampshade na yan, mahal yan."

    Napatingin ako sa buhat-buhat ko, bigla tuloy nakaramdam ng pangangawit ang aking kamay dahil sa bigat ng lampshade na ipupukol ko sana sa kaniya. Napagtanto ko na nawala nanaman ako sa aking sarili.

    "About dun, pagkatapos ng lahat ng nangyari kanina, nagbago na ang isip ko. Hindi ko na ibebenta." pagsisinungaling ko, dahil sa una palang ay wala na akong balak ibenta sa kaniya yung sim.

    "Ganon ba. Wala ka talagang isang salita. Pasalamat ka at napaniwala mo akong babae ka, kung hindi..."

    "Kung hindi ano?!" panlilisik ng aking mga mata, isa pa sa mga kinasusuklaman ko ay yung pinagbabantaan ako ng masama. Tiyak, magsasalpukan ang galit at asiwa sa akin.

    Sinibat niya ako ng tingin. Matagal. Mga isa o dalawang minuto kaming nagtitigan. Animo'y nagpapaligsahan kaming dalawa, ang unang kumurap ay talo.

    "Wala. You can go now." kabig niya bigla ng tingin. Sinuot muli ang salamin at dinikit ulit ang titig sa mga makakapal na papel sa ibabaw ng kaniyang mesa. "But don't forget. May utang ka sa akin ng limang libo. Huwag kang mag-iisip na magpalit ng number, matra-trace at matra-trace parin kita."

    "Sura nito." pagbukas ko sa pinto.

    "And one more thing." pag-awat niya sa akin sa paglabas. "Babae ka nga ba talaga? Kasi sa palagay ko transgender ka, tama ba ako?"

    Hindi ko sigurado kung anong tumama sa kaniya, basta ang alam ko, tama nga siya, may kung anong bagay akong nadampot at ibinato sa kaniya. Sumirit ang dugo sa kung saan. Sapul ang noo niya.

    +++
    Araw ng miyerkules.

    Limang araw mula nang magkita kami ni bakulaw. Tinuluyan ko ng palitan ang account ko sa community site na kinabibilangan ko. Paano ba naman, simula nang maganap ang insidente sa restaurant, minu-minuto akong minumulto ng paniningil ni Bakulaw. Gigising ako ng isang umaga na may 100 plus akong message mula sa kaniya. Pare-parehong mensahe ng paniningil. kesyo, "Kuya, yung 5,000, kailangan ko na. Saka kana magpa-opera ng para sa babae dapat." o kaya naman, "Iyung 5,000 Kuya! Huwag mo akong dahanin sa pananahimik mo! Baklang mukhang lalake!" at ng, "Siguro ginamit mo yung 5,000 para pang retoke ng ari ano?!" Tuloy, sampung keyboard na ang nasira ko dahil sa init ng aking ulo.

    Naka-ipon narin ako ng limang libong piso para pambayad sa kaniya, pagkatapos kong magpa-alipin sa puyat sa pagbabantay ng computer shop sa may kanto namin tuwing madaling araw.

    "Hello, Chikka?" Tanong ko sa kabilang linya. "Puwede mo ba ako daanan bukas? May papadala akong pera sayo para sa boss mo. Kung okay lang, please?"

    "Te-teka, Lyka." dinig kong tila pagtaranta ni Chikka sa cellphone. "Nandito si Sir, kaka-usapin ka daw niya."

    "Huh?" pagkunot ng aking noo. "huwag mo bibigay sa kaniya Chikka!"

    "HELLO?! KUYA!" mabigat na boses sa kabilang linya. "IYONG FIVE THOUSAND KO?! KAILANGAN KO NA IYAN NGAYON MISMO! PUNTAHAN MO AKO SA OFFICE MAMAYANG 6 PM! SHARP!"

    "Padadala ko nalang bukas kay Chikka. Busy ako ngayon." palusot ko, kahit na pangungulangot lang ata ang gagawin ko buong maghapon.

    "HINDI PUWEDE! KAILANGAN IKAW MISMO ANG PUMUNTA DITO! DAHIL MAY PIPIRMAHAN KA, OKAY?!"

    "May magagawa pa ba ako?" buntong-hininga ko.

    "6 PM SHARP. HERE IN MY OFFICE, OKAY?!"

    "Okay." nangangalambot kong pagtugon.

    "Oh, one more thing." biglang nagbago ang volume ng boses niya. Naging mahinaon. Naalala ko tuloy bigla yung mga panahong kasama ko siya sa loob ng Starbucks, tahimik lamang siya. "Conscious ka ba sa katawan mo?"

    "Anong ibig mong sabihin?" pagtataka ko, tinatantiya kung nilalait na nanaman ba niya ako.

    "Mahirap bang sagutin ang tanong ko? Don't worry, answerable ng yes or no lang yan, hindi na recquired ng essay kung bakit yes or no ang pinili mo."

    "Nang-aasar ka ba?! Hindi nakakatuwa!" hinintay ko ang sagot niya, pero tahimik lang sa kabilang linya. "Hindi naman ako conscious sa katawan ko, okay? So sige na, maya nalang 6. Bye."

    Hinagis ko ang cellphone ko sa kama, kasunod nito ay ang paghitsa ko sa aking katawan sa malambot na kutson. Pipikit ko na sana ang mga mata ko para umidlip saglit nang mapadako ako ng tingin sa orasang nakasabit sa ding-ding. Shit! 5:47 PM na pala!
  • Part 6: "Accidentally Inlove"

    Matumal kong sinakyan ang escalator ng mall patungo sa second floor, kung saan nakapuwesto ang restaurant na pinamamahalaan ni Bakulaw. Sa totoo lang, feeling ko ang bigat-bigat ng aking pakiramdam. Iyong tipong bawat centimeter na paglapit ko sa aking destinasyon, ay tinotorture ako ng paunti-unti. Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip ng kung ano-anong bagay paukol kay Bakulaw. Halos lahat ay masasama. Nandyan yung biglang lumindol ng malakas. Pero sa opisina lang ni Bakulaw. Yung bang bigla na lang bubuka ang lupa tapos lalamunin siya nito ng buo. O kaya naman bigla siyang nagtransform bilang ipis, tapos matatapakan siya paulit-ulit ng maraming tao. Puwede rin iyong biglang nagkatsunami; kahit na ba milya-milya ang layo namin sa dagat, tapos may darating na malaking barko, iyong katulad sa Noah's Arc. Ako iyong magiging kapitan ng nasabing barko. Ililigtas ko ang lahat ng tao, mga hayop, pati narin ang mga insekto at mga puno't halaman. Maliban kay Bakulaw. Magmamaka-awa siya sa akin. Maglulumuhod para pasakayin ko siya. Habang ako naman ay walang katapusang humahalakhak, kasabay sa paglatiko ko sa kaniyang likuran. Tapos isang araw, habang natutulog siya sa boiler room, itatapon ko siya sa labas ng barko at panonoorin siyang nalulunod habang tumatawa ako ng malakas at sumasayaw sa halaw ng i like to move it move it.

    "Aray!" bigla nalang tumama ang aking ilong sa may matigas na bagay, na napag-alaman ko na likuran pala ng isang matangkad na lalake. Naputol tuloy bigla ang masayang pantasya ko. Doon ko lang din napagtanto na nasa ikalawang palapag na pala ako.

    "Ano ba problema nito? Sagabal!" bulong ko sa aking sarili, pinipigilan na huwag magsalubong ang dalawang kilay ko. Tama na ang isang kontra-bida sa aking buhay. Ayaw ko nang madagdagan pa ng isang bakulaw na nagpapapaputi sa aking buhok.

    "Oops!" dinig kong sambit nung lalake, dahan-dahan niyang piniit ang kaniyang ulo paharap sa akin. "Are you okay miss?"

    "Shit ang guwapo mo!" napatakip ako bigla sa aking bibig! Sinisisi ang sarili kung bakit napabulalas ako ng ganong kalakas. Sana man lang hindi niya ako narinig.

    "Excuse me?" tumaas ang kilay nito, nagtataka. Ang sarap niyang halikan! Parang sa mga pelikula lang, iyon bang kapag ini-introduce yung bidang lalake ay kikiligin ka ng husto. Kulang nalang ay iuwi at itago mo siya sa loob ng kuwarto mo, tapos pagsasawaan mo siyang pagsamantalahan ng bente kuwatro oras.

    "Ahh..Humnn...I'm sorry...Hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko..." pagyuko ko sa aking ulo. Hindi ko maintindihan kung bakit ba hindi ko siya matitigan ng diretso. Tila namamaga pa ang mukha ko, nakikisabay sa mabilis na pagdribble ng aking puso. Ang mas nakaka-inis, ay hindi ko makayang pigilan ang balakang ko sa paggalaw, para bang nahihihi ako sa nerbiyos.

    "Ah, no! My fault! Bigla nalang kasi akong huminto nang may naalala ako." pagkamot niya sa kaniyang ulo, na may makapal na buhok at kahawig ang istilo dun sa isa sa apat na bidang taiwanese na lalake sa sikat na drama noon tuwing hapon. Bahagya pa itong ngumiti, na nagpalubog ng husto sa singkit niyang mga mata. "Nasaktan ka ba?"

    "Ahh...Humnn..Hindi...O-okay lang a-ko.." awkward. Kung puwede lang isumpa ang sarili ko, ginawa ko na ora mismo. Para akong batang kinikilig sa tamis ng ice cream habang pinagdidikit ang dalawang hintuturo sa kamay.

    "Oh, thank god! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nakapanakit ako ng magandang babaeng katulad mo."

    "Iiiieeee..." impit na pagtili ko, na pilit kong tinatago sa abot ng aking makakaya. Walang duda, certified malandi ako ngayong araw na 'to.

    "Oh, well. Gotta go. See you around Miss." pagsaludo niya sa akin, at ilang sandali pa ay tuluyan na siyang humalo sa umpukan ng mga tao.

    Ang bango niya! Ang sarap habul-habulin ang kaniyang amoy. Matamis na may halong hanghang ang sumisirko sa aking ilong. Sa akin ka nalang Mister Taiwanese, please?

    "Hoy, Kuya! Ano bang ginagawa mo?"

    Pumitik ang ugat sa aking sentido. Pamilyar ang boses na yun.

    "Ang tagal mo. 6:10 na oh!" pagtaas niya sa suot niyang relo. "Akala ko kung ano ng nangyari sayo. Teka, ano bang ginagawa mo? Bakit para kang aso diyan? Ang weird mo talagang bakla ka."

    "WALA KANG PAKI-ALAM!" panggagalaiti ko sa kaniya. "Nasaan na siya?! Nasaan na siya?!"

    "Huh? Sino?"

    "Si Mister Taiwanese!" pagyugyog ko sa kaniyang balikat. "Nasaan?! Nasaan?!"

    "Guard. Guard. Gua--" sambit niya, na agad kong sinalubong ng isang malutong na kutos.

    +++
    "Saan ba tayo pupunta?" usisa ko kay Bakulaw. Mga ilang minuto narin kaming pagala-gala sa loob ng mall, at matagal na sandali narin akong naka buntot sa kaniya. "Magbayaran na kasi tayo para maka-uwi na ako."

    "Teka lang." ani niya na hindi man lang tumitingin sa akin. Patuloy lang kami sa pagsuyod sa kalawakan ng mall. Dahil sa nauuna siya sa akin, hindi ko maiwasan mapansin ang kanina pang bitbit nitong paper bag. Sumasagi tuloy sa isip ko kung anong laman 'non.

    "Napapagod na ako." pag-arte ko, dahil ang totoo mas pabor sa akin ang ginagawa naming paglalakad. Sapagkat umaasa parin ako hanggang ngayon na makikita ko si Mister Taiwanese!

    "Aray!" pagmaktol ko nang bigla siyang tumirik sa paglalakad, lumapat tuloy ang mukha ko sa kaniyang likuran. "Bakit ka ba huminto?!"

    "Nandito na tayo." bulalas niya.

    "Sa park?"

    "Hindi. Sa beach." pang-aasar niya, kasabay sa pag-upo niya sa isa sa mga mahahabang upuan sa parke ng mall.

    "Pasalamat ka wala ako sa mood makipag-away." sambit ko na nasa isip parin si Mister Taiwanese. "Anyway, babayaran na ki---"

    "Tabi!" paghatak sa akin bigla ni Bakulaw! Napayakap ako sa kaniya ng wala sa oras! Nanlaki ang mga mata ko at nanlamig ang aking katawan! Pakiramdam ko'y binuhusan ako ng malamig na tubig! Kumabog pa ng pagkabigat-bigat ang aking puso! Napatingin ako sa likuran ko, mga five inches na lang, tiyak nasapul na ako ng isang rumaragasang kotse!

    "Fuck! Ano bang problema mo!" dagundong ni Bakulaw sa direksyon ng kotse, na noon mismo'y huminto. Napatakip ako ng bibig at nanginig sa takot, hindi dahil sa muntikan na akong maaksidente, kundi dahil sa poot at galit sa ekspresiyon ni Bakulaw. Naramdaman ko na 'to noong mga sandaling nasa loob ako ng opisina niya. Pero kakaiba ang tagpong 'to, damang-dama ko ang pagka-authority niya. Animo'y isa siyang mabangis na leon na nakikipaglaban para sa kaniyang teritoryo. Ngayon lang ako nakakita ng taong tagos sa buto ang himutok!

    "Lumabas ka diyan!" pagdampot niya ng malaking bato sa paanan namin, sabay hagis nito sa nakahintong sasakyan Sapul! Wasak ang likurang salamin!

    Maya't-maya pa, bumaba sa sasakyan ang isang lalaking Amerikano na tila masama ang gising. Ang masaklap pa, tila nagyayabang ang matayog nitong katawan na parang sintigas ng pader. Not to mention kung gaano siya katangkad. Hawig siya sa mga bigating wrestling stars sa tv. Napalunok tuloy ako ng wala sa oras. "Shit....." ang tanging naibulalas ko.

    "Diyan ka lang sa likuran ko." pagharang sa akin ni Bakulaw. "Akong bahala sayo."

  • Kahit papaano, at sa hindi ko maipaliwanag na pagkakataon, dama ko ang sinseridad sa mukha ni Bakulaw. Ewan ko ba kung bakit, pero parang may umu-udyok sa akin na magtiwala sa kaniya. Somehow, alam ko sa aking sarili na ligtas ako sa kaniya. Sa palagay ko, sa korte naman ng pangangatawan ni Bakulaw, malamang makakaya niya ang Kanong 'to na may gahiganteng muscle. Isa pa, wala akong nararamdamang kaba sa aking puso. Kaya ni Bakulaw 'to! Sure ak---

    "ACK!" sumirit ang dugo sa kung saan, kasabay sa pagbulagta ng katawan ni Bakulaw sa lupa! Knock-out siya sa isang suntok! Nakameme pa ang mukha niya, parang nahihimbing lang sa pagtulog.

    Napatunganga ako. Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa.

    Lumapit sa akin ang Foreginer na may malaking kargada. Galit ang gumuguhit sa mukha nito. Sa dating ng kaniyang aura, tiyak hindi siya magdadalawang isip na pati ako ay sapakin niya. Napapikit na lang ako at hinanda ang sarili sa mangyayari!

    "I will not do that if i were you."

    Mula sa likuran ng Kanong may malaking katawan, sumulpot bigla si Mister Taiwanese! Walang duda, parang sa pelikuka lang!

    Mabilis ang sumunod na pangyayari! Nag-abutan ang dalawa! Naka-ilag sa suntok ni Kano si Mister Taiwanese! At lumanding sa mukha ng Foreigner ang mabangis na kamao ni Mister Taiwanese!

    Pagkatapos 'non, umalingaw-ngaw sa kung saan ang pito ng mga pulis. And the next thing i know, nasa loob na ako ng presinto. Kasama ang tatlong lalakeng 'to.

    Hindi ko na mabilang ang pinakawalan kong buntong-hininga kasabay sa ilang beses na pagkamot ko sa aking ulo. Pilit hinihila pabalik ang oras. Kung alam ko lang ang mangyayari, maghapon na lang sana akong tumambay sa community site na kina-aadikan ko. Gusto ko ng umuwi.

    "Hmn..Anong nangyari?" napatingin ako kay bakulaw, na noo'y kagigising lamang. Papungay-pungay pa ang mga mata nito.

    Nag-init bigla ang ulo ko. Nagrebulusyon at kumulo ang aking dugo. Ilang beses pumitik ang ugat sa sentido ko. Umukit ang patong-patong na guhit sa aking noo. "Kasalanan mo ang lahat na 'to! Bakulaw ka!" humalik sa mukha ni Bakulaw ang nangangalit kong kamao, dahilan para sumirit muli ang dugo sa kaniyang ilong, kasabay sa pagkawala ulit nito ng malay.

    "BAKIT?! ANONG TINITINGIN-TINGIN NIYO?!" pukol ko sa mga taong nasa loob ng presinto, na tila gulantang at papasukan na ng langaw ang bibig.
  • bitin na naman ang kwento... hehehe....
  • Part 7:"Cheese Burger"

    Walong missed call na mula sa nanay ko ang kanina pang bumabagabag sa akin. Paano ba naman, sampung minuto na lang bago mag-alas-onse na ng gabi. Mahigit sa tatlong oras din ang nilagi namin sa loob ng police station. Tiyak abot leeg na sermon na naman ang hapunan ko mamayang pagdating ko sa bahay. Mabuti na lang at umanib sa amin ang batas. Dahil napatunayan ng mga pulis na lango sa alak at pinagbabawal na gamot si American boy, nagpatong-patong tuloy ang kaso niya. At para sa amin naman, danyos para sa nasirang salamin ng kotse lang ang nilagdaan ni Bakulaw. Hindi na rin kami nagsampa ng physical injury laban kay Kano, dahil sigurado magtatagal lang kami lalo dito sa presinto, at para maka-iwas narin sa madami pang abalang darating. Tutal wala naman grabeng nasaktan sa bawat panig, pinag-areglo nalang kami. Liban kay Bakulaw, na todong kinapuputok niya ng butsi ang tama niya sa kaniyang ilong. Kung hindi ko pa siya kinutusan, tiyak aapela pa siya.

    "Nakakarami ka na ah!" pusto sa akin ni Bakulaw, habang naglalakad kami palabas ng police station. "Para saan iyong kutos na iyon?!"

    "Gusto mo nanaman bang abutin tayo ng siyam-siyam sa loob?!" pamewang ko sa kaniya. "Gusto ko ng umuwi! Hinahanap na ako ng mga magulang ko!"

    "Nakikita mo naman siguro ang pamamaga sa ilong ko 'di ba?! Gusto kong bumawi!"

    "E kung doblehin ko ang pamamaga niyan?! Isama ko na pati ang dalawa mong mata?!" naiirita na ako.

    "Kitam! Inamin mo rin!"

    "Inamin ang ano?!" lumukot ang aking kamao at pinangalandakan ko 'to sa kaniya.

    "Na bakla ka nga! Nanununtok ka e!"

    Naghugis letter v ang mga kilay ko, sa tingin ko nagliliyab na rin ang aking mga mata, kasabay sa paglitaw ng mga ugat ko sa aking sentido. Lalo pa nag-init ng husto ang ulo ko, nang parang nanunuya pa siya. Ang sarap lagariin ng kaniyang bungo, gamit lang ang bread knife. Nilamukot ko pa ng husto ang mga daliri ko sa kamay, pumuwesto na para bagang kumukuha ng malawak na puwersa.

    "Tameme ka ano?! Dahil totoong bakla ka! Bakla! Bakla!"

    Tila may nabali na kung ano sa utak ko. Dumilim bigla ang aking paningin. Parang nag-aapoy ang dugong sumisirkulo sa aking katawan. Pakiramdam ko'y sinisilaban ako sa galit, animo'y umuusok ang aking balat. "SHIT KANG! BAKULAW KA!"

    "Teka!" pumagitna sa amin si Mister Taiwanese! Pagkatapos, parang may kung anong malaking bula ang pumutok sa mukha ko, at ibinalik ako sa aking pagkamahinaon. Katulad sa apoy na binuhusan ng tubig, nakaramdam ako ng paglamig. Kumalma ang temperatura ko. Parang magic lang na naglaho ang lahat ng aking himutok.

    "Stop it guys! Walang maitutulong ang pagtatalo niyo." pagbitiw ni Mister Taiwanase ng sulyap sa akin. Aaminin ko, kinilig ako. "Settle down okay?"

    Kyaaaa...Ang sarap niya parin halikan kahit galing siya sa basag-ulo. Humahalimuyak parin sa ilong ko ang samyo ng kaniyang pabango. Feeling ko nasa ulap ako na hitik sa mga iba't-ibang klase ng paru-paro at makukulay na bulaklak. Ang sarap sa pakiram---

    "At sino naman 'tong ingleserong intsik na 'to? Ka federasion mo ah, Kuya?"

    Kumubit ng bahagya ang kanang kilay ko.

    "Kapanalig mo? Ka parlor mo? Nagmamanicure sayo ah, Kuya?"

    Unti-unting natutunaw ang mga bulaklak sa langit, napapalitan ng kulog at pagkidlat, at maya't-mayang pag-ulan ng apoy.

    "O in short, ka badingerzi mo no, Ku---"

    Sumuka ng maraming tubig si Bakulaw, pagkatapos lumanding ang sipa ko sa kaniyang sikmura.

    +++

    "Are you sure? May motor naman ako, nakapark malapit dito. Kung gusto mo, ihahatid na kita." paanyaya sa akin ni Mister Taiwanese, na siyang ikinababaliw sa pag-ikot ng balakang ko.

    "No thanks. Maglalakad na lang ako. Ilang kanto lang naman sa amin na."

    "Pakipot pa." sundot ni Bakulaw, na agad ko namang ginantihan ng karate chop sa mukha.

    "Oh okay. Nice meeting you... Er?" nagkamot siya ng ulo. Lumulutang ang pagkaguwapo niya sa tuwing nag-iisip siya. "I'm sorry, what was your name again?"

    "Im Lyka." abot tengang ngiti ko sa kaniya. Gusto ko sanang sabihin na to follow na ang pilido ko, kapag kinasal na kami.

    "You can call her Kuya for short." suhesiyon ni Bakulaw, na agad namang nalapatan muli ng karate chop sa mukha.

    "What a beautiful name, Lyka. Pero walang dadaig sayo. Kasing kinang ng mga tala sa langit ang ganda mo." ngumiti siya ulit na muntik ko ng ikahimatay. Pero wish ko lang sana kinuha niya ang kamay ko at saka niya 'to hinalikan. Siguro sa mga drama lang talaga sa telebisyon nangyayari ang mga ganong moment. "I'm Willy by the way."

    "See you later guys!" pagtalikod sa amin ni Mister Taiwanese. Ang cool niya talaga! Hitsura niya ay parang isang Knight mula sa medieval age na galing sa isang magarbong digmaan. Ang graceful ng kaniyang galaw. Akin ka nalang please? Achilles ng buhay ko.

    "Puwede ko ng kunin yung five thousand na utang mo, Kuya?"

    Pumitik ang ugat sa aking sentido. Nasira nang tuluyan ang imahinasyon ko.

    "Iyon kasi ang ipambabayad ko dun sa bruskong Kano."

    "Tumahimik ka!" pagsibangot ko, kasabay sa pagkalkal ng pera sa bitbit kong shoulder bag. "Bakit ba sa tuwing kasama kita kumukulo ang dugo ko!"

    Himala. Hindi siya nakipagbangayan sa akin o gumanti ng insulto. Sinulyapan ko siya, tahimik lang siyang nakatitig sa akin. "Oh heto na! Wala na akong obligasyon sayo! Kaya please! Tantanan mo na ako! At kung puwede, huwag mo na akong tatawagan o padadalan ng private message dun sa community site! Klaro?"

    "Walang problema." dumapo ang tingin niya sa perang ina-abot ko sa kaniya.

    "Ayaw na sana kitang makita hanggat maaari. No offense ah, pero sa tuwing nagkakadikit kasi tayo, laging may masamang nangyayari."

    Naghintay ako ng sagot, pero nabigo ako. Tila nagbago ang ihip ng hangin sa kaniya, naging tahimik siya. Inaantok na kaya?

    "I'm sorry kung hindi ko naibenta yung bug sim ko sa iyo. Hanap ka nalang ng ibang seller, marami naman diyan sigurado ako. Okay?" nagsimula na akong gumayak para umalis. "Oh paano, uwi na ako. Nice meeting you nalang Mr. Charlie."

    "Teka." awat niya sa akin nang may sampung talampakan na ang layo ko sa kaniya. Piniit ko ang ulo ko sa kaniyang direksyon, patakbo siyang lumapit sa akin. "Nakalimutan kong ibigay sayo 'to."

    Inabot niya sa akin ang kulay tsokolateng paper bag na kanina ko pa hinuhulaan kung ano ang laman. "Ano 'to?"

    "Triple deck deluxe cheese burger with family size spicy fries. The finest one. Super sarap niyan. Ang sabi mo naman sa akin kanina sa phone hindi ka consious sa health mo, right?"

    "Well, una na ako. Nice meeting you. Hope to see you again, Lyka." pagtalikod niya sa akin.

    Kumabog bigla ang dibdib ko. Natameme ako. Bakit pakiramdam ko, ay parang kalahati ng buhay ko'y nawala? Hindi ko alam kung bakit biglang nagpakawala ng patak ng tubig ang mata ko.
  • Part 8: "Side by Side"

    Pinanood ko siyang lumisan papalayo sa akin. Dama ko ang kirot sa tilang pagpilipit sa dibdib ko, habang nakadikit ang tingin ko sa kaniyang likuran. Hindi ko mapigilan ang panginginig sa aking kanang kamay, kung saan tangan-tangan ko ang kulay tsokolateng paper bag na inabot niya sa akin kani-kanina lang. Pakiramdam ko'y may mali.

    "Hoy! Te---"

    "Hello?" pagputol niya sa dapat na sasambitin kong pagpigil sa kaniya. Humarap siya sa direksiyon ko at tumingala sa mga bituin, habang nakalapat sa tenga niya ang kaniyang cellphone at hinihintay sumagot sa kabilang linya ang taong nagpa-udlot sa pag-alis niya sana. "Anong sabi mo? Hindi, hindi ko nabalitaan. Ano bang meron?"

    Nawala sa normal na ayos ang isang kilay ko, kumurba at kumulot ng bahagya. Nacurious tuloy ako sa pinag-uusapan nilang dalawa.

    "Dito? Dito mismo sa Barangay Maligaya? Malapit sa mall?" palakas ng palakas ang boses niya, tila nakikipagpaligsahan sa mga busina ng sasakyan sa lansangan. "Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Sure ka ba na may gumagalang serial killer, slash rapist, slash holdaper ngayon dito?"

    Umihip ng pagkalamig-lamig ang hangin sa kung saan. Nanindig ang bawat balahibo ko sa katawan, napayakap ako sa aking sarili.

    "Ah o cge, salamat sa infomartion." tumingin siya sa akin. "Don't worry, okay lang ako. Isa pa lalake naman ako, babae naman yung mga target 'di ba?"

    Napasinghap ako at napalunok ng hindi sadya. Maya't-maya pa tumalikod na siya sa akin. "Thank you, pauwi na rin ako. Okay sige, bye."

    Muli nito sanang ipipiit ang kaniyang ulo sa direksiyon kung saan ako nakatayo, para sulyapan ako ulit. Subalit bigla siyang natigilan at nagulat nang tuluyan na niyang naikot ang kaniyang mga paningin. "Anong ginagawa mo?! Paano ka kaagad nakapunta dito?! Saka bakit ka ba nakakapit sa braso ko?!"

    Sunod-sunod niyang tanong sa akin, na pagngiti with matching panginginig ng labi ang tanging naisagot ko lang sa kaniya.

    +++
    "Grabe ka Kuya, para dun lang natakot ka na?" palatak sa akin ni Bakulaw, nakangisi pa 'to na parang nanunuya. "Hindi mo ba kayang ipagtanggol ang sarili mo kung saka-sakali?"

    "Natural hindi! Hello?! Babae kaya ako! Anong laban ko sa serial killer na 'yon?!"

    "Hindi rin Kuya. Sa palagay ko kahit magpapansin ka 'dun ng sampung beses, tiyak hindi ka niya papansinin."

    "At bakit naman hindi aber?" paghinto ko sa paglalakad, kasabay sa pagkalas ko sa kaniyang braso.

    "Narinig mo naman siguro, rapist yung serial killer. Sa palagay mo papatol iyon sa isang bakla?"

    "Eh kung ako nalang kaya 'yung serial killer kunwari? at laslasin ko ang leeg mo gamit ang mga kuko mo?! Ang saya-saya siguro 'non no?! Halika gawin natin! Now na!" pamewang ko sa kaniya, na pilit pinapakalma ang sarili.

    Bigla siyang tumawa ng malakas. Napakunot tuloy ulit ako ng kilay, nagtataka kung bakit. Pero sa kabila ng halakhak niyang iyon, gumahan bigla ang pakiramdam ko. Naglaho at tila bumabagtas na palayo ang kirot na nararamdaman ko kanina sa aking dibdib. Hindi ko alam kung bakit, pero dahan-dahan din nawawala ang pagka-irita ko ngayon sa kaniya. Napapalitan ng ngiti.

    "Baliw ka talagang Bakulaw ka. Kung hindi lang kita kilala, malamang ikaw pa ang mapagkamalan kong serial killer." nagpatuloy kami sa paglalakad, side by side. "Nasaan ba 'yung kotse mo? Favor naman please? hatid mo ako pauwi."

    "Kotse? Wala ako 'nun?" ani niya na nakakatitig lang sa malayo.

    "Anong klase kang manager?! Wala ka man lang kahit motor bike na pang service?!"

    "Eh sa ayaw ko e! Bakit ba nangingialam kang bakla ka!"

    "Ewan ko sayo! Sumasakit ang ulo ko sa tuwing kausap kita!" kinalkal ko ang laman ng paper bag, dinukot ko mula rito ang hamburger na sa tansiya ko ay malaki pa sa palad ko. Hinati sa dalawa, at ibinigay ang kaputol sa kaniya. "Anyway, malayo-layo ang lalakarin natin. Kailangan natin 'to pampalibang."

    "Magtryke na lang tayo." kagat niya sa kapirasong pagkain na ibinahagi ko sa kaniya.

    "Gastos lang 'yon. Maglakad nalang tayo. Isa pa, sayang 'tong hamburger at fries. Gusto ko silang ubusin bago makarating sa bahay. Sigurado kasi ako na maghihinge 'yong matakaw kong kapatid kapag nakita niya ang mga 'to, sayang naman 'di ba."

    Sinibat ko siya ng tingin. Malayo ang titig niya. Walang ka-emo-emosyon niyang sinusubo ang hawak na pagkain, kasunod ang pagnguya. Para siyang bata na nakafocus ang diwa sa cartoons na pinapanood. Inosente at animo'y napaka-amo ng kaniyang hitsura. Pero kung tutuusin, kabaligtaran naman ang lahat kapag nag-umpisa na siyang bumanat ng asar.

    Mga tatlo o limang minuto ang lumipas na walang kumikibo sa aming dalawa. Siguro ay dahil pareho kaming abala sa pagnanam sa kaka-ibang lasa ng hamburger. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero out of the blue, bigla na lang ako pumukol ng usisa sa kaniya ng hindi iniisip ang tanong.

    "Bakit gusto mong bumili ng bug sim? Mayaman ka naman at kayang-kaya mong magbayad ng internet kahit anong oras mo gustuhin."

    "E sa gusto ko e, bakit ba ang dami mong pinakikialaman." suplado niyang sagot, ang sarap niyang pasakan ng fries sa dalawang magkabilaang butas ng kaniyang ilong.

    "Paano mo nalaman iyung mga ganiyang tricks sa internet?" pagtapon niya ng tanong sa akin, kasabay sa pagsubo sa maliit at huling parte ng hamburger sa kaniyang kamay.

    "Hindi ko alam. Madalas mga pinsan ko lang naman ang gumagawa ng way para makapag-internet ako ng libre."

    "Paano ka napasok o nagsimula sa mga ganyang bagay?"

    "Nagstart ako 'non sa GZF, isang forum na kung saan nagme-meet iyong mga batikan na sa free browsing teknik." sumubo ako ng dalawang piraso ng french fries. "Teka, bakit ko ba sinasabi sayo ang talambuhay ko sa internet? Hindi mo rin naman kasi maiintindihan sigurado."

    "May tanong ako." usisa niya na tila binaliwala ang mga sinatsat ko. "Bakit para kang lalake kung umasta?"

    Natigilan ako. Napahinto ako sa paglalakad sa isa pang pagkakataon. Tumigil siya sa paghakbang at humarap sa akin. Itinabingi ang ulo. Sumabog ang halakhak sa bibig ko nang mahagip ko ang walang ka-ekspre-ekspresiyon niyang hitsura.

    "May nabanggit ba akong nakakatawa?" pagkamot nito sa kaniyang ulo.

    "Wala. Natawa lang ako dahil ikaw palang ang kauna-unahang taong nagtanong sa akin ng ganiyang klaseng question. At nanggaling pa sa taong pinagdududaan akong bakla."

    Tumitig lang siya sa akin. Seryoso, na tila maglalabas ng laser beam ang mga mata nito ano mang oras.

    "Fine, magkukuwento ako pero huwag kang tatawa, okay?" nguya ko sa tatlong piraso ng french fries na nakapasak sa aking bibig.

    Tumango lang siya, na hindi parin binubura ang seriosong titig sa akin. Feeling ko tuloy ay parang hinuhubaran na niya ako sa pamamagitan ng tingin.

    "Ganito kasi 'yun." panimula ko, pagkatapos isubo ang dalawa pang piraso ng french fries.
  • Part 9: "Story of a Girl"

    "Bata palang ako nang matuto akong dumepende sa aking sarili." pag-umpisa ko sa kuwento na sa tagal na ng panahon, ngayon lang ulit nakalkal at napag-usapan. Pero sa totoo lang, ako lang naman ang nakaka-alam sa bawat pahina nito na matagal ko nang sinunog at itinakwil sa aking kaluluwa. Kaya kung tutuusin, ito ang ka-una-unahang pagkakataon na babasahin ko ang mga kabanata nito sa ibang tao. Hirap ko tuloy ipaliwanag kung paano uumpisahan ng mahige. "Elementary palang ako 'non. Nakalimutan ko na kung anong edad ako eksakto 'non e, mga nasa grade four o five ako siguro."

    "Ilang taon ka na ba ngayon?" sabat ni Bakulaw, habang nakatuon ang pansin sa kalsadang nilalakaran namin.

    "Twenty three."

    "Hmnn?" namilog at napadako ang mga mata niya sa akin, bahagya pang kumubi ang labi nito.

    "Ano nanaman ba ang ibig sabihin ng ngising yan?"

    "Mukha kang trenta pataas." usal niya, na tila pinipigilan ang tawa.

    "Gusto mong iluwa ng buo yung burger na kinain mo kanina?!" winasiwas ko sa kaniya ang nangangalit kong kamao. Inalis naman niya kaagad ang tingin sa akin at idinako nalang sa daan, sa palagay ko ay mabilis niyang nagets ang nais kong iparating. "Pinaka-ayaw ko sa lahat iyong mga taong sabat ng sabat habang nagku-kuwento ako! Bakod ka ba?!"

    "Pick-up line ba yan? Kailangan ko bang sumagot ng ba---" naudlot niyang sambit, nang ibaon ko sa tagiliran niya ang mga daliri ko sa'king kanang kamay.

    Napasinghap siya, na animo'y pinipigilan ang suka na nagbabadyang kumawala sa kaniyang bibig. Pakiramdam ko'y nagliliyab ang mga mata ko habang nakatitig ako sa kaniya. Iritable talaga ako sa bawat patutsyadang binubulalas niya. Feeling ko, marinig ko lang ang boses niya ay natutuyo na ang utak ko. Ilang minuto ko siyang tinarayan ng tingin, pero nanatili itong walang imik. Panay lang ang himas sa tagiliran, at pagpapawis kahit malamig ang dampi ng hangin sa balat.

    "Gaya nga ng sabi ko, elementary palang ako ng matuto akong yumakap sa sarili kong kakayahan." panimula ko ulit sa pagpapaliwanag. Huminto ako saglit upang alamin kung muli siyang sasabat, ngunit busy parin siyang humihimas sa kaniyang tagiliran. "Noon, ang hilig kong makipagkaibigan. Kahit na alam kong ayaw lahat sa akin ng mga bata sa school. Hindi ko alam kung bakit, pero kahit wala naman akong ginagawa, ang tingin parin nila sa akin ay isang nerd na tinubuan ng mukha at katawan. Kung hindi naman, isang walking-weird na nagsasalita. Pero okay lang iyon, ang importante, may iilan akong mabibilang na so called friends kahit papaano."

    Natigilan ako sa pagkukuwento nang bigla siyang sumenyas ng kung ano-ano. Una, pinalad niya ang kaniyang kaliwang kamay, na agad ko namang nakuha kung anong nais niyang iparating. Pinapatigil niya ako sa paglalahad. Pagkatapos, itinuro niya ang kaniyang lalamunan. Sunod ang pagguhit niya ng hugis kuwadrado sa hangin, tapos ay umiinom siya kunwari, kasabay ang pagturo sa convenient store na malapit sa amin.

    "Ano nanaman bang kalokohan iyan?" intriga ko sa kaniya, kasama ang unti-unting pagtaas sa aking presiyon. "Gusto mong bumili ng softdrinks?"

    Tumango siya ng sunod-sunod habang tinuturo ang lalamunan.

    "Bakit hindi mo nalang sabihin? Nagmumukha kang timang sa ginagawa mo." medyo nabubura na ang letra ng pasensiya sa kaluluwa ko, konti nalang at masisindihan na ang apoy sa aking dugo.

    "Ang sabi mo, pinaka-ayaw mo sa lahat ang may ume-epal kapag nagkukuwento ka, hindi ba? Kaya ayaw ko rin sa lahat ang gawin ang mga bagay na ayaw mo." pagtalikod niya sa akin at nagsimulang umusad patulak sa loob ng convenient store. "Sandali lang, bibili lang ako ng maiinom. Saka band-aid narin. Pakiramdam ko nabutas ang tagiliran ko. Sigurado na ako na lalake ka nga talaga, ang bigat ng mga kamay mo."

    Handa ko na sana pakawalan ulit ang kamao ko sa katawan niya, at magpasabog muli ng ngitngit, nang sa hindi ko inaasahang pagkakataon, bigla nalang akong napangiti. "Weirdo, hindi pa ba pagsabat ang ginawa mo?" ang naibulong ko habang pinapanood siyang naglalakad palayo.

    +++
    "Orange juice o ice tea?" bungad niya sa akin paglabas niya sa convenient store. Tinuro ko ang plastic bottle sa kaniyang kanang kamay, na agad naman abot nito sa orange juice. Sumimangot ako. Nagtanong pa siya kung hindi rin naman niya ibibigay ang gusto ko. Gusto kong ipukpok sa ulo niya ang boteng tangan ko at isalin ang lahat ng laman nito sa butas ng kaniyang ilong, pero pinalampas ko na lang. Pasalamat siya dahil pakiramdam ko konting-konti nalang at malolobat na ako.

    "11:30 na." wika ko ng muli kaming sumibat pauwi. "Bilisan na natin, nag-aalala na ako. Baka maabutan ko na sa harap ng gate namin ang mga damit ko."

    "So anong nangyari pagkatapos?" napatingin ako sa kaniya. Isang tungga sa iniinom ang ginawa niya bago nagpatuloy. "Doon sa kuwento mo noong bata ka."

    "Well." paglinis ko sa aking lalamunan. "Nagkaroon ako ng mga kaibigan kahit papaano. Kahit na malamig ang pakikitungo nila sa akin, tiniis ko. Huwag lang masabi na outsider ako. Pero nagbago ang lahat ng iyon sa isang pangyayari."

    Humalik sa labi ko ang bibig ng bote. Halos mapangalahati ko ang laman nito dahil sa panunuyo ng aking lalamunan. "Nagkaroon ng alagang hamster ang bawat section sa school namin. Palalakiin at aasikasuhin ng bawat klase ang mga natokang hamster sa kanila. Then, pagkatapos ng ilang buwan, kung kaninong section ang may hamster na pinakamalusog at pinakamaganda, ay magkakaroon ng premyo. Naging super excited naming magkakaklase. Sobrang pinagtuunan namin ng pansin yung hamster na napunta sa amin, to the point na kaklase na ang turing namin sa kaniya. Pero isang araw, kasama ang mga kaibigan ko, pinaglaruan namin iyong hamster sa section namin. Pinakain nila ng kung ano-anong klase ng pellets at damo. Pinigilan ko sila pero ayaw nila paawat. Nasabihan pa akong killjoy."

    Isa pang lagok sa orange juice ang ginawad ko sa aking lalamunan bago nagpatuloy. Pagkatapos sayarin ang laman, hinitsa ko sa malapit na basurahan ang wala ng lamang plastic bottle, pero tumama lang ito sa labi ng drum na ginawang trashcan, tumalbog at hindi pumasok sa loob. "Kinabukasan, natagpuang patay yung hamster. May nakakita sa amin noong umagang pinaglaruan namin yung hamster. Kaya mabilis pa sa alas-kuwatro nang maging suspek kami. Ayon sa teacher namin, namatay yung hamster dahil may mali itong nakain na hindi ikinatunaw ng kaniyang tiyan."

  • "Alam mo ba kung sino ang napagbintangang nagpakain 'dun sa hamster?" lumapit ako sa basurahan at itinapon sa loob ang plastic bottle pagkatapos ko 'tong damputin sa lapag. "Siyempre todo deny ako, dahil hindi naman talaga ako ang nagpamerienda 'dun sa alaga namin. Naghanap pa nga ako ng kakampi sa mga kaibigan ko, na sila naman talaga ang may sala. Ang kaso, binitawan nila ako sa ere. Niligtas nila ang kanilang sarili, habang ako naman ay nilaglag ng bawat isa sa kanila. Ang mas nakakatawa, ay sila pa mismo kuno ang uma-awat sa akin na huwag pakainin iyong hamster."

    Huminga ako ng malalim. Tumingala ako sa ulap, sa mga bituin. Kasunod ang pagbuga ko sa hanging naipon sa aking ilong. "Simula noon, tinamad na akong makipagsocialize. Tingin ko kasi sa mga ibang tao ay hindi mapagkakatiwalaan. Hindi ko naman nilalahat, pero talagang hirap na ako magtiwala sa iba pagkatapos 'non. Siguro dahil nasaktan ako ng husto o natroma ako sa pagtataksil sa akin ng mga kasamahan ko noon. Kaya ipinangako ko sa aking sarili, na mabubuhay ako ng mag-isa. Magiging matapang at matibay."

    Napatingin ako kay Bakulaw. Namula ako at napasinghap bigla nang magtama ang aming mga mata. Bakas sa kaniyang mukha ang pagiging seryoso. Animo'y statwa siya, na nandon lang para makinig sa mga dinadatdat ko. Nakadama ako ng ibang yapos sa aking puso. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero siguro weakness ko talaga sa mga lalake ang pagiging good listener nila.

    "Hmnn...Puwede ka nang tumawa kung gusto mo." sundot ko sabay baling ng tingin sa harapan.

    "Mayroon bang nakakatawa 'dun sa sinabi mo?"

    "W-wala." pakiramdam ko'y namamanhid na ang pisngi ko buhat sa tila pagkamakopa nito. Nasasabay pa ang pagtaranta ko na hindi ko alam ang dahilan kung bakit.

    "Para sa akin, hindi nakakatawa ang talambuhay ng isang tao. Dahil parang pagyurak na ito sa buhay niya."

    "Huh?...Eh...Hmnnn...May punto ka." gusto ko siyang tignan, pero hindi ko magawa. Shit! Bakit ba nakakaramdam ako ng hiya sa kaniya?

    "Kapag ba kinuwento ko sayo, na natae ako sa shorts ko sa kalagitnaan ng klase namin noong grade 2 ako, matatawa ka?"

    "Huh?!" pagkagulantang ko, tuluyan nang dumapo ang tingin ko sa mukha niya. Seryoso parin ang ayos nito. "Hindi nga?!"

    "Joke lang. Grade 1 ako nang mangyari 'yon."

    "Hay...Puro ka naman kalokohan e." huminto ako sa paglalakad. "Anyway, heto na ang bahay namin."

    Tumigil siya sa paghakbang. Iginala ang tingin sa payak na tahanan namin. "Well, i guess this is goodbye."

    Ngumiti ako, tumalikod at binuksan ang lock ng gate namin. "Hey! What if kung bigyan kita ng bug sim?

    "Talaga?" bumilog ang mga mata niya.

    "Yeah. Isipin mo na lang na thank you gift ko iyon sa paghatid mo sa akin, at pakikinig narin sa kuwento ko."

    "Why not. Akin na?" pinalad niya ang kamay niya sa harapan ko.

    "Teka, hindi 'tong bug sim ko. Pagagawa kita ng bago, iyong fresh na bug sim." binuksan ko ang gate at pumasok na sa perimeter ng bahay namin. "Let's meet again. Kailan ka ba puwede?"

    "Let's see." pag-ekis niya sa kaniyang mga kamay at pagtabingi sa ulo. "Today is tuesday at may meeting ako bukas. Ganon din sa thursday and friday. How about sa saturday? 5pm sa office ko?"

    "Sure. No problem." muling ukit na ngiti sa aking pisngi. "So, goodnight na muna? Mr. Charlie?"

    "Wait, may nakalimutan akong itanong."

    Kumubi nang bahagya ang kaliwang kilay ko, nagtataka at pilit inuhulaan kung ano ang nais niyang usisain.

    "Iyong manok."

    "Ma-manok?" intriga ko.

    "'yung manok na kinuwento mo, bakit nahimatay?"

    Pumitik ang ugat sa aking sentido. Nagbungguhan ang mga kilay ko. Bago ko pa malaman ang sumunod na nangyari, nadampot ko na ang maliit na paso sa taas ng gate namin. Kumuwa ng puwersa at ibinato sa direksiyon niya. Kasunod ang pagsirit ng dugo sa kung saan.

    "HAMSTER IYON HINDI MANOK! AT HINDI SIYA HINIMATAY, NAMATAY SIYA! HINDI KA NAMAN PALA NAKIKINIG BAKULAW KA!"

    Nagtahulan ang mga aso sa bawat bahay na nakatirik malapit sa amin. Nagliwanag bigla ang madilim na paligid dahil sa sunod-sunod na pagsindi ng mga ilaw sa loob at labas ng kanilang pamamahay.
  • Part 10: "Meet The Reliyebo's"

    Maghahapunan na nang magising ako. Pakiramdam ko, hindi parin nakakabawi ang aking katawan sa nakolekta nitong stress buhat sa kahapon. Kahit halos kalahating araw lang lahat nangyari iyon, feeling ko parin parang isang linggo akong nagtrecking sa pagod. Dinapuan ko ng tingin ang orasan na nakasabit sa ding-ding, 6:25 na. Limang minuto nalang at ipapalabas na sa telebisyon ang paborito kong telenobela. Bahagya pa ako nakipagtalo sa isip ko kung ano mas mahalaga, ang kama o ang T.V.? Kaso wala pang limang segundo nang makapagdesisyon ako. Who the hell cares about soup operas? Kapag ganito kalobat ang katawan, ang sarap nitong iunat-unat habang nakahiga sa kama. Sumiksik sa malambot na unan at amoy-amoyin ang bango ng kumot. Lalo na ang lakas pa ng ulan sa labas, pumapasok lalo sa kalamnan ang hypnotismo ng antok. Pikit lang Lyka. Maya't-maya ay nasa bundok ka na ng mga bulaklak. Kapiling si Mr. Taiwanese. Nakangiti siya sayo. Hahawakan ka niya at aayusin ang bangs mo na tumatakip sa iyong mga mata. Tapos unti-unti niyang ilalapit ang mukha niya sayo. Aasintain ang labi mo. Isang pulgada na lang ang agwat niyo sa isa't-isa. Dahit dito, nalalanghap mo na ang hininga niya, na amoy.....Bagoong?!

    "Kakain na daw Ate."

    Tila nakarinig ako ng mahabang pagpunit sa background music na iniimagine ko, nang maimulat ko ang aking mga mata at makita ang kapatid ko na halos magkapalit na kami ng mukha sa lapit. Nakanguso pa ito na parang naghihintay mahalikan.

    "The fuck?! Gelo?!" napa-atras at napa-upo ako mula sa pagkakahilata. "Anong ginagawa mo?!"

    "Naka-pout ka kasi, kaya ginaya kita. Gusto ko kasi malaman kung ano at sino ang pinagnanasahan mo sa panaginip." umupo siya sa may gilid ng kama. "Anong posisyon ang ginagawa niyo sa panaginip mo Ate?"

    "Po-po-position?! Ano?! Anong pinagsasabi mo?!" bumulaga ang mga mata ko sa pagkadilat. Gulat na gulat. "Napakabata mo pa para mag-isip ng mga ganyang bagay! Anong pinagsasabi mong mga sex position?! Isusumbong kita kay Tatay!"

    "Sex position?" tumagilid ang ulo nito, sinibat niya ako ng tingin, iyong tipong nagtataka at wari'y napaka-inosente ng titig. Napataas tuloy ako ng kilay. "Ang ibig kong sabihin kung ano ang posisyon niyo habang naghahalikan kayo nung nasa panaginip mo. Nakahiga ba o nakatayo? Naka-upo o nakaside?"

    Natameme ako. Gusto kong dumepensa pero nanatili lang nakabagsak ang aking panga. Tiyak alam ko na ang susunod na mangyayari.

    "Tay! Si Ate oh may naka sex na! May naka se---" mabilis pa sa alas-kuwatro nang hablutin at takpan ko ang bibig niya, sabay sulyap ng tingin sa pinto ng kuwarto kung papasok si Tatay.

    "Okay! Okay! Just shut the hell up! Panalo ka na! Anong gusto mo para tumahimik ka lang?" panggigigil ko sa kaniya. Sa totoo lang, kung hindi ko siya kapatid, matagal nang naibalita sa mga news channel na may natagpuang batang lalake na pugot ang ulo at palutang-lutang sa ilog.

    "Bagong game console, puwede na iyong PS3." pagtanggal niya sa palad ko na nakabalahandra sa kaniyang bibig.

    "What?! Wala akong pera! Lower!"

    "Bagong bala nalang ng NDS."

    "Lower! 100 pesos below!"

    "Tay si Ate oh! Nakipag Dog sty---" hinigpitan ko lalo ang pagtakip sa kaniyang bunganga at nangangambang tinapunan ulit ng tingin ang pinto ng kuwarto.

    "Okay! Deal na!" dahan-dahan kong tinanggal ang kamay kong nakapulupot na sa mukha niya. "Nagtataka na ako ah, saan mo ba natututunan ang mga salitang iyan?"

    "Sa saturday magmo-mall tayo, okay? Ate?" malapad na ngiti ang bumabalot sa pisngi niya. Bumaba siya sa kama at aktong lalabas na ng kuwarto. "Saka pala bagong poster ng mga anime character ah, Ate?"

    "Huh? Hindi! Kung ano ang pinag-usapan natin, iyon lang! Tapos!" pagbalik ko sa pagkakahilata kasabay sa pagyakap sa unan.

    "The fuck?!"

    Napa-angat ako ng ulo at Napatingin sa direksiyon ng pinto, hindi ko lang matukoy kung sino ang nagsalita, pero parang familiar ang boses.

    "Okay! Okay! Just shut the hell up!"

    Napamulagat ulit ako. Bagsak ang panga.

    "Ano Ate, papayag ka o ipaparinig ko 'to kay Tatay?" unti-unting umuukit ang malapad na ngiti sa kaniyang labi, habang tangan ang cellphone nito na may record ng boses ko. "Ano kaya ang parusa sayo ni Tatay kapag nalaman niyang bumibigkas ka ng mga ganitong foul words?"

    Yari na. Naisahan na naman niya ako.

    +++
    "Wow bagoong plus suka plus tinapa plus piritong talong! My favorite!" napatili ako ng makita ko ang mga naka-ahin sa lamesa. Agad akong sumalakay sa hapag-kainan at sumakmal ng gapalad na kanin.

    "Yak! Kadiri ka Ate!" bulyaw ni Gelo sa akin. Sinimangutan ko siya at nagpatuloy lang sa pagkain, hindi ko pa nakakalimutan ang atraso niya sa akin. "Ang weird mo talaga! Kababae mong tao pero nagkakamay ka kapag bagoong ang ulam. Hindi ka pa nakukuntento at iniinom mo pa iyong sawsawan! Kadiri!"

    Iyan si Gelo. Labin-dalawang taon gulang palang pero eksperto na sa pag ba-black-mail. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na niya ako nabiktima. Naaalala ko pa nung minsang sumikat ang PSP sa eskuwela nila, ilang linggo niya akong kinulit na bilhan siya 'non. Isang araw paggising ko, may pinakita siya sa akin na bidyo ng isang babae na naliligo sa banyo habang todo giling at indak. Huli na nang malaman kong ako pala ang bida sa hubad na bidyo na iyon. Binalahan niya ako na ikakalat niya iyon kung hindi ko siya bibilhan ng PSP. Halos ilang buwan din akong tuliro at hindi makatulog dahil 'dun. Naparanoid ako sa kakagalugad ng mga porn site, umaasa na wala 'dun ang bidyo na kinasasangkutan ko. Iyong mga panahong iyon ay nasa pitong taong gulang palang siya.

    "Paki mo! Hindi kita bilhan ng games eh!" pasuplada kong titig sa kaniya.

    "Bakit kaya wala pang nagtetext sa akin?" sumubo siya ng kanin, kasunod ang pagwasiwas sa kaniyang cellphone, na alam ko na kung ano ang nais niyang iparating. "Tay, gusto mong pakinggan ang laman ng mp3 album ko?"

    "Sumusobra kana Gelo!" paghampas ko sa lamesa.

    "Tama na yan, nasa harap tayo ng pagkain." pagbawal sa amin ni Tatay, na abalang umihigop ng kape. "Magjo-joke nalang ako para naman tumawa kayong dalawa."

    "Ah! Hindi ko napansin! Tapos na pala ako! Matutulog na ako!" agaran kong pagtayo sa aking upuan.

    "Ako din! May assignment pa pala akong gagawin, pasok muna ako sa kuwarto ko Tay." pag-angat din ng puwetan ni Gelo sa silya.

    "Upo!" sigaw ni Tatay sa amin, na dali-dali naming sinunod. Patay. Alam ko na ang mangyayari. Torture na'to. Disaster pa.

    "Unang joke!" panimula ni Tatay. "Anong sabi ng pusa sa aso nang magkasalubong sila?"

  • "Si-sirit po..." halos nagkasabay pa kami ng kapatid ko.

    "Edi, meow!" humalakhak siya ng malakas. Nagkatinginan nalang kami ni Gelo. "As if naman magkakamustahan sila? Hello, hayop sila at hindi marunong magsalita!"

    "Ikalawang joke." usal niya muli, habang pinipigilan ang tawa kasabay sa pagpunas sa tears of joy na kumawala sa kaniyang mata. "Bakit nadapa iyong magtataho?"

    "Si-sirit po..."

    "Dahil hindi niya napansin na may humps sa daan!" muli siyang humalakhak. "Imaginin mo iyon, nadapa siya tapos tumilapon iyong taho sa mukha niya!"

    "Ehe..Ehe..Ehe..Oo nga po..Nakakatawa..Ehe..Ehe..Ehe.." pagpeke ko ng tawa, kasunod ang dahan-dahan kong paglayo sa mesa, subalit sumimangot si Tatay at pinandilatan niya ako ng tingin. Napilitan tuloy ako maupo ulit at makinig sa kaniya. Sinulyapan ko si Gelo, bigla akong nahabag sa kalagayan niya. Animo'y hindi niya nakayanan ang matinding pressure, lumipad palayo sa kaniya ang kululuwa nito habang tumutulo ang laway sa bibig.

    Iyan ang pamilya ko. Ang Reliyebo Family. Madedescribe ko 'to sa dalawang salita, SIMPLY WEIRD. Hindi man kami ganon kabongga sa salapi, bilyonaryo naman kami sa kalokohan. Hindi ko tuloy alam kung dapat ko bang ipagmalaki iyon. Si mama lang yata ang matino sa aming apat, ang kaso kabilang karagatan naman ang layo niya sa amin. Pero may pagka-o.a. din minsan si Mama. Malaman niya lang na wala pa ako sa bahay ng alas-siyete ng gabi, tiyak unang papasok sa isip niya ay nara-rape na ako sa kung saan. O nachop-chop na ang katawan ko at tinapon ang bawat bahagi nito sa magkakahiwalay na lugar. Adik kasi siya sa mga crime film at isa siyang frustrated detective, kaya kung ano-ano ang naiimagine niya. May pagkakataon nga akong naaalala sa kaniya noong bata pa ako, nasa baranggay daw namin si Jack The Reaper. Kaya alas-sais palang ng gabi, nakalock na ang mga pintuan namin.

    "The fuck?! Okay! Okay! Just shut the hell up!"

    Natigilan si Tatay sa pagjo-joke. Nagkatinginan kami. Pagkatapos, sabay lumanding ang mga mata namin kay Gelo.

    "Nakup! Pasensiya na Ate, naiset ko palang ringingtone iyong narecord kong boses mo."

    "THE FUCK?!" napatayo ako, kasabay sa biglaan kong pagtakip sa aking bibig.
  • Part: 11 "Date?!"

    Wala ng tatalo sa ginhawang hatid ng dilim at lamig sa loob ng sinehan. Samahan mo pa ng hotdog sandwich at ng family size softdrinks. The best. Stress free at iwas konsumisyon na, ang sarap pang matulog! Kung pwede lang, dito na lang ako habang-buhay. Sobrang init ng panahon ngayon. Lalo na sa bahay namin, parang may lava activity araw-araw sa ilalim ng sahig. kapag kasi buwan ng tag-ulan sa amin, maituturing palang namin 'yun na summer, at kapag tag-init naman, impiyerno. Konti na nga lang at makakaexperience na'ko ng mirage habang nakahiga sa aking kuwarto, sa tindi ng lagablab na humahalik sa balat.

    "Ate hindi pa ba tayo lalabas? Tapos na iyong pelikula oh." pagyugyog sa akin ni Gelo, pagkabukas ng mga ilaw sa loob ng sinehan.

    "Ulitin natin, hindi ko naintindihan 'yung story e." sagot ko, habang pinupuwesto ang sarili sa mas kumportableng posisyon sa malambot na upuan.

    "Nasabi mo na kanina 'yan! Kanina pa tayong tanghali dito, pangalawang beses na nga natin natapos 'tong movie oh." patuloy parin niyang pangungulit sa akin. "At saka natutulog ka lang naman e!"

    "Sandali na lang, bili ka na muna ng panibagong popcorn mo." pag-abot ko sa kaniya ng pera.

    "Purga na ako sa popcorn Ate. Labas na kasi tayo, bilhin na natin iyong pinangako mong NDS cartridge para maka-uwi na tayo."

    "Isang ulit nalang promise! Mai-ihaw ako ng buhay kapag nagstay pa ako ng kahit isang oras pa sa bahay natin."

    "Okay. Ikaw ang bahala, kapag wala pa tayo ng 6 sa bahay, goodbye na sa graduation gift mo kay Tatay."

    Napatayo akong bigla mula sa pagkakasandal-higa sa silya. Naaalala ko ang parusang curfew sa akin ni Tatay, ng dahil lang 'dun sa mga bad words na nasambit ko, na nirecord naman ni Gelo sa cellphone niya.

    "Anong oras na?!" pangamba kong tanong sa kapatid ko.

    "Magfo-four na."

    Nagmadali akong lumabas ng sinehan, hila-hila si Gelo, habang iginagala ang tingin sa loob ng mall. "Nasaan na ba 'yung hinayupak na tindahan ng mga laruan?! Kailangan na nating maka-uwi!"

    "Doon sa dulo ng corner na iyon, sa tabi nung boutique."

    Paspasan kong tinungo ang lugar na tinuturo ni Gelo. Sa dami ng taong nakakalat sa dinaraanan namin, wala na akong paki-alam kung may masagi man ako. Imortante ang bawat segundong naglalaho sa nakasaad na curfew sa akin ni Tatay. Mahirap na, baka mawala din ang ipinangakong regalo niya sa akin.

    "Ate teka lang! May show sa activity center oh!" bulyaw sa akin ni Gelo.

    "Wala akong pakialam! Bilisan mo! Ayaw kong maabutan ng curfew." palahaw ko sa kaniya.

    "Mukhang sikat na artista Ate."

    "Wala akong paki-alam kahit na si Tom Cruise pa iyan! Wala akong pakialam kahit na si Vin Diesel o Brad Pitt pa iyan! Wala akong pakialam kahit kanino! Mas mahalaga ang regalo ni Tatay!"

    "Hey! Lyka! What's up?!" pag-udlot ng lalakeng biglang sumulpot sa aking harapan. Napanganga ako.

    "Iiiiiieeeeee! Mister Taiwanese!" pagpigil ko sa gustong kumawalang tili sa aking bibig.

    "Kamusta?! You look so good as always!" kumislap ang ngiti sa kaakit-akit niyang mukha. Tila sinusumpong ako ng epileptik sa kilig. Umiikot ang balakang ko sa sabik. Makalaglag panty talaga ang dulot ng kaniyang appeal.

    "Bakit ka huminto Ate? Bilisan natin para maka-uwi na tayo."

    "Wala akong pakialam sa curfew!" pagbaling ko ng tingin kay Gelo.

    "Wow, ang cute naman ng kasama mo Lyka, kapatid mo?" usisa ni Mister Taiwanese, kasabay ang paghimas nito sa buhok ni Gelo.

    "Ang salitang cute ay para lang sa aso." pagtabing ni Gelo sa kamay ni Mister Taiwanese, kasunod ang paglipat ng tingin niya sa akin. "Siya ba yung pinagnanasahan mo sa iyong panaginip noong isang araw Ate? Ano nga bang sex position ginagawa niyo 'non?"

    Agad humalik ang kamao ko sa bumbunan niya, kasabay ang pagkurot ko sa kaniyang mukha. "Pasensiya ka na sa kapatid ko, palabiro kasi 'to."

    +++
    "I would like you to meet Johnny, Ivan, Tom and Benjie. Mga kabanda ko." pagpapakilala sa akin ni Mister Taiwanese sa apat na lalakeng kasama naming pumasok sa isang restaurant. "Guys, this is Lyka, siya iyong pretty girl na kinukuwento sa inyo."

    "Hi Lyka!" magkasabay na bati nila sa akin, na tila musika sa aking pandinig. Ito na ba ang tinatawag nilang Garden of Eve? Ito na nga ba ang promise land ng may kapal? It's raining guwapo men! Ang hirap pigilan ng tili habang pinagmamasdan ko sila. Halos lahat ng mga babaeng malapit sa amin, ay nagkakandarapa ng tingin sa kanila! Walang duda, certified malandi nanaman ako ngayon!

    "I'm Lyka." pag-abot ko sa kanila ng aking kamay sa pustong nakikipag-shakehands, habang pilit akong nagpepeke ng emosiyon, kahit pakiramdam ko'y tila mukha na akong timang sa pagpigil ng kilig. "This is Gelo, my little brother. He is 12 now, but i'm 23. How about you? And you also." nakangiti kong paglipat-lipat ng turo sa kanilang apat.

    "Pwede bang umuwi na lang ako Ate? Nahihiya na ako sa pinaggagagawa mo." sabat ni Gelo, na agad ko namang sinagot ng kurot sa tagiliran.

    "Hahaha! You're funny! Willy told us so much stories about how nice and great you are! And now that i met you, one thing for sure, he's damn right." wika ng isa sa kanila, ang pinakamaputi sa lima, si Tom.

    "Hahaha!" pagtawa ko ng malakas, sabay tapon ng pabulong na tanong kay Gelo. "Ano daw?"

    "Panget ka raw. Puwede na ba akong umuwi?" usal niya, kasunod ang pagpigil ko sa tangka niyang pagtayo.

    "Mga foreigner ba ang mga kasama mo?" pahapyaw kong intriga kay Mister Taiwanese, na hindi parin binubura ang ngiti sa aking mukha.

    "Nope. We're all born and raised here. Pero may kalahating dugong banyaga sa aming lahat." paglapag ni Mister Taiwanese sa menu na kanina niya pa sinisipat. "I'm half korean. Johnny is half german. Tom here is half american, at both ivan and benjie ay may lahing briton."

    "Oh really? Ate too is half-half! Half german, half shepherd!" sabat muli ni Gelo, na agad sinalubong ang nangangalit kong kamao.

    "So, band member ka pala Willy! Anong hawak mong instrument?" paglipat ko ng topic, pero ang nasa utak ko ay ang pagiging koreano pala niya, hindi taiwanese.

    "We're boy band actually." mabilisang sagot ng isa pa sa kanila, ang pinakamatangkad, si Ivan.

    "Oh that's great! Like Westlife?" bibong sambit ko. Sasabat muli sana si Gelo, pero natigilan nang mapansin ang paglamukot ng aking kamao.

    "Parang ganon na nga, pero mas gusto naming makumpara sa mga korean boy band. Afterall, we're all influenced by K-pop!" pagtama ni Mister Taiwanese. "Siya Nga pala, napanuod mo ba kami nagperform kanina? Kami iyong nag-opening act 'dun sa celebrity guest ng mall."

    "Ah! Oo naman! Ang galing-galing mo ngang kumanta e! At Gustong-gusto ko ang K-pop! Ang dami kong idol na korean boy band!" pagbida ko sa kanilang lahat.

    "'di ba sinusumpa mo ang K-pop Ate? Sabi mo sila ang sumisira at pumapatay sa OPM." usal ni Gelo, na agad kong tinapalan ang bibig.

    "Kumanta? Wala akong part sa song namin kanina, sumayaw lang ako." pagtataka ni Mister Taiwanese.

    "Ah! I mean si Ivan! Ang galing ni Ivan kumanta!" taranta kong pagturo, kasabay ang manaka-nakang pagpapawis.

    "No, i'm Johnny. The man beside benjie is Ivan." sunod-sunod na pag-iling ng lalakeng tinuro ko. Tuluyan ng humulagpos ang pawis sa aking mukha.

    "Hindi rin kumanta si Ivan Lyka, sumayaw lang din siya. Anyway, wow! Pareho pala tayo ng hilig! Sino at ano ang paborito mong korean boy band member?!" sabik na usisa ni Mister Taiwanese.

    "Si-si...Si ano..Si.." pautal-utal kong sambit, nag-iisip at nangangalkal ng maisasagot sa kaniya. "iyong si...Si..."

    "Siwon Choi ng Super Junior?! Wow! We're so alike! Idol na idol ko din iyon Lyka!"

    "Ah?.." natameme ako, tila nawala pa ang nerbiyos sa aking dibdib, at animo'y hinigop pabalik ang pawis na kumawala sa katawan ko dulot ng kaba. "Ah oo! Gusto ko si Simon Soy."

  • "Bagay kayo ng pinagnanasaan mo Ate, parehas kayong weird." pagsabat ni Gelo, na agad ko namang dinapuan ng batok.

    +++
    Mabilis lumipas ang oras nang hindi ko man lang namamalayan. Nawili ako sa pakikipagkuwentuhan kay Mister Taiwanese at sa mga kasama nito. Sobrang kilig ang nararamdaman ko sa bawat topic na pinagsasaluhan namin. Hindi ko tuloy maubos-ubos ang pagkaing inorder ko, sa dahilang ayaw kong matapos ang sandaling kasama at kakuwentuhan ko ang aking prince charming. Agad namang nagpa-alam at sumibat ang mga kabanda niya nang matapos silang kumain. Naiwan kaming magkapatid at ang future husband ko. Tinulangan niya rin kami na bumili ng larong pinabibili ni Gelo, at siya pa ang nagbayad! Sobrang winner much ako ngayong araw na'to! Kinilig na ako ng husto, nasave ko pa ang perang magagastos ko sana!

    "Masaya ako nakita kita ulit Lyka." panimula ni Mister Taiwanese habang tinatahak namin ang palabas ng mall. "Pwede ko ba makuha ang digits mo? Para kapag libre ako, yayayain kitang mamasyal at kumain ulit."

    "Sure!" hindi pa niya natatapos ang kaniyang sinasabi nang ibigay ko sa kaniya ang contact number ko, with matching tapik pa sa kaniyang balikat.

    "Ate seven o'clock na, uwi na tayo." pagsira ni Gelo sa aking matamis na moment.

    "Heto na nga e!" pagtaray ko ng titig sa kaniya.

    "Hey, look! Is that Charlie?" bulalas bigla ni Mister Taiwanese, napatapon tuloy ako ng tingin sa direksyon na tinuturo niya. Sa may entrance ng mall, kung saan nakatayo si Bakulaw, na tila abalang may kinakausap sa cellphone nito.

    "Charlie!" atungaw ni Mister Taiwanese, na agad namang nakapukaw sa attensiyon ni Bakulaw. Humarap siya sa amin, at dahan-dahang itinuon ang tingin sa akin.

    Nanlaki ang mga mata ko, at biglaan akong napatakip ng bibig. Sumagi sa isip ko ang huling gabing kasama ko siya. Noong gabing naglalakad kami pauwi. Noong gabing ikinuwento ko ang isa sa parte ng aking buhay. Noong gabing pinangakuan ko siya, na makikipagkita ako sa kaniya ngayong araw na 'to. "Shit....."
  • Part 12: "7 Missed Calls"

    Hindi ko mapigilan ang pag-untog ng puso ko sa aking dibdib, sa tindi ng pagpintig, tila nagpupumiglas at gusto nitong kumawala buhat sa pagkakakulong sa loob. Pilit ko 'tong pinapatahan, subalit sa tuwing ipapantay ko ang aking tingin kay Bakulaw, ayaw nitong kumalma sa pagtalon at pagpapalahaw; sa paraan ng malalakas na pagkabog. Hindi ko mawari kung bakit ko nadarama ang nakakabinging kabang 'to. Marahil nahihiya ako sa kaniya dahil nakalimutan ko ang naka-skedyul naming pagkikita. Pero kahit na, wala sa sistema ko ang mahiya, lalo na hindi ko naman 'to sinasadyang makaligtaan. Ngunit hindi ko madaya ang aking sarili. Alam ko sa pinakasulok ng aking puso, merong namumuong hinanakit na nagbabadyang humulagpos mula dito.

    "Sino ka nga ba ulit?" dinig kong boses mula kay Bakulaw. Dinapuan ko siya ng tingin, kausap niya si Mister Taiwanese. "Saan nga ba kita nakilala? Familiar ka sa akin."

    "That hurt's Bro." sagot ng kausap nito, kasabay ang malakas na pagtawa. "Ako 'to, si Willy! Iyong tumulong sa inyo na gumulpi 'dun sa American boy!"

    "American boy?Americano ka? Pero mas mukha kang hapon." kumubi ang kaliwang kilay ni Bakulaw.

    "No!" bumagsak ng bahagya ang panga ni Mister Taiwanese, nababasa ko tuloy ang nasa isip niya. Kahit ako ay bahagyang napangisi sa tinuran nito. "Noong isang gabi, sa may park, tapos doon sa presinto, nakasama niyo ako. I can't believe you Bro, nakalimutan mo na kaagad iyon?"

    "Ah! Ikaw yung madaldal na engliserong intsik!" pagturo nito kay Mister Taiwanese, na sunod-sunod na tango lamang ang isinagot. "So, e ano ngayon? Anong meron?"

    "Hahaha! Ang suplado mo talaga Bro!" pagtapik ni Mister Taiwanese sa balikat ni Bakulaw. "Wala lang, nagkataon lang na nakita ka namin ni Lyka! Ano bang ginagawa mo dito?"

    Inalis ni Bakulaw ang tingin nito kay Mister Taiwanese, nilipat sa akin. Subalit sakto palang ako nakaka-kurap ng ibalik niya ito sa kausap.

    "Nagpapalamig lang, actually pauwi na ako, nagpapatay lang ako ng oras." sagot ni Bakulaw, pagkasulyap sa suot nitong orasan. Medyo nagliwanag ng kaunti ang kulimlim sa aking dibdib. Posible kayang nakalimutan niya rin ang dapat na pagkikita namin ngayon? "Sino siya? Girlfriend mo?"

    "Whaaat?!" pag-angal ni Mister Taiwanese, medyo pumiyok pa ang boses nito. "Don't tell me nakalimutan mo narin si Lyka?! How rude Bro!"

    "Joke lang. Hindi ko siya nakalimutan. In fact, hinding-hindi ko siya makakalimutan." sinibat niya ako ng titig, pero pakiramdam ko'y bigla akong namula, kaya dali-daling dumikit ang tuon ko sa sahig, at sa suot kong sapatos. Damn it! Ano ba ang nangyayari sa akin!

    "Kasi, paano ko ba naman siya makakalimutan? Siya lang ang baklang hindi halatang lalake. 'di ba Kuya?"

    Hindi ako makatingin sa kaniya. Parang hinihila paibaba ang mga mata ko, pinapanatili akong nakayuko. Tameme din ako sa panlalait na ibinala niya sa akin. Nakakapanibago, subalit hindi ko magawang umalma sa galit. Nilulunod ako ng aking puso sa ginagawa nitong pagtambol, na animo'y may live band sa ingay nitong magreact sa loob ng dibdib ko.

    "Hahaha! Hanggang ngayon pa ba hindi parin kayo magkasundo?" tanong ni Mister Taiwanese, na walang nag-abalang sumagot maski sino man sa amin."

    Hinawakan ako sa magkabilaang balikat ni Mister Taiwanese. Napatingin ako sa kaniya. "Lyka, are you okay? Bakit bigla kang tumahimik?"

    "Ah, eh...Maalinsangan lang dito sa loob." pagpeke ko ng ngiti.

    "Sa loob ng mall? Ang weird mo talaga Ate." sabat ni Gelo, na abalang binubusisi ang nabili nitong laruan.

    "Namumula ka at nanginginig, you don't look well." ani ni Mister Taiwanese. "Gusto mo hatid ko na kayo ni Gelo?"

    "I'm fine."

    "I hate to interrupt you guys, pero maiwan ko na kayo. Naalala ko, may importanteng lakad pa pala akong pupuntahan." pagtalikod sa amin ni Bakulaw, kasunod ang paglabas nito sa mall.

    "Wala paring pagbabago kay Charlie, laging busy, at suplado parin as always." pagsunod ng tingin ni Mister Taiwanese sa umalis, pagkatapos, ibinalik niya muli sa akin ang tuon nito. "Mauna narin ako Lyka. Tawagan nalang kita nexttime. Ang bilis talagang lumipad ng oras kapag nage-enjoy ka sa ginagawa mo."

    Bigla niya akong hinalikan sa noo. Nagulat ako. Nagkatinginan kami. Ngumiti siya ng ubod ng tamis. Kaya ganon na lamang kung gumalaw ng kusa ang aking labi, kumurba ito at umukit ng paletrang "U". Pero alam kong pilit iyon, dahil hindi parin maalis sa isip ko ang mga titig sa akin ni Bakulaw. "Damn it! Damn it! Lyka! Pagkakataon muna 'to! Hinalikan ka ng Prince Charming mo! Ano pa ang hinihintay mo! Tumili ka na!" ang nasa isip ko, pero ang kalahati nito ay nakikisimpatiya sa ginagawang pagwawala ng aking puso.

    +++
    "Ate, bakit bigla kang natahimik kanina?" bungad ni Gelo, habang tinatahak namin ang kalsada pauwi.

    Hindi ako umimik. Wala akong sapat na mood para makipagtalastasan. Shit! Ano ba ang nangyayari sa akin! Dapat masaya ako dahil nakasama ko ng buong maghapon si Mister Taiwanese kanina! Hinalikan niya pa ako sa noo! And that means, nirerespeto at malaki ang paghanga niya sa akin. Pero kahit anong gawin kong paglimot, sisirko at sisirko parin sa utak ko si Bakulaw.

    "Siguro naguguluhan ka 'dun sa dalawang lalake kanina 'no?" muling pukol na tanong ni Gelo.

    Naguguluhan? Hindi. Malabong mangyari iyon.

    "Kung naguguluhan ka, bakit hindi mo nalang sila pagsabayin." napadako ako ng tingin sa kaniya. "Mag threesome kayo."

    Pumitik ang ugat sa aking sentido. Nagsalubong ang dalawang kilay ko. Maya't-maya pa, naramdaman ko na ang pag-akyat at pagkulo ng aking dugo. Bago pa'to tuluyang sumabog, nakatakbo na ng pagkatulin-tulin si Gelo. Walang humpay na habulan ang sumunod pagkatapos. Nahimasmasan na lang ako ng maka-uwi na kami. Lumutang sa imahinasyon ko ang parusang curfew sa akin nang sinalubong kami ni Tatay. Sa pustura niya, walang duda na hindi siya natutuwang nakabalik kami ng gabi na. Alam ko na ang susunod na kabanata. Panibagong parusa, at paalam na sa graduation gift niya sa akin nitong darating na lunes. Ngunit hindi ko maintindihan kung bakit. Nawala ang sabik ko sa bagay na minimithi kong makuwa sa aking pagtatapos ng pag-aaral. Pakiramdam ko wala na akong paki-alam sa regalo niya, maibigay man ito o hindi. Pakiramdam ko ang bigat-bigat ng puso, utak at ng aking katawan ngayon. Pakiramdam ko, wala akong gana.

    Tinungo ko kaagad ang aking kuwarto pagkatapos kong maligo. Hindi na ako nag-abalang lumingon pa sa kusina kung ano ang ulam. Hindi ko kasi mahagilap kung saan nagsuot ang appetite ko. Mas gusto ng aking tiyan na ilapat ito sa malambot na kutson, at ipahinga na ng tuluyan. Bumulagta ako sa kama. Medyo napaigtad pa ako ng maramdaman kong may kung anong bagay akong nadaganan. Hinablot ko 'to mula sa pagkaka-ipit sa aking likuran. Lumantad ang cellphone na nakalimutan kong dalhin kanina.

    Siyam ang missed call na sumentro sa screen nito. Tig-isa para kay Mama at kay Tatay. At pito kay.....Bakulaw. Nakaramdam ako ulit ng isang kurot sa aking puso. But this time, pakiramdam ko hagupit ang isang iyon. Naalala ko kung paano ko siya nakita kanina. Sa may entrance ng mall, na tila abalang may kausap sa kaniyang telepono. Isa pang latay sa puso ang naramdaman ko, kasabay sa pag-alala sa mga naisambit niya kanina;

    "Nagpapalamig lang, actually pauwi na ako, nagpapatay lang ako ng oras."

    Sa isang banda, bigla nalamang pumatak ang luhang hindi man lang nagpa-alam, na humagos sa aking pisngi. Napapunas ako sa matang pinagdulutan ng sutil na butil ng tubig, pero sa pagtama ng aking palad sa mga paningin ko, tuluyan na itong nabasa. "Bakit? Bakit ako umiiyak? Bakit ako malungkot?" mga katanungang kusa na lamang lumabas sa aking bibig.

    Sumubsob ako sa kama. Doon, isinumbong ko sa nanahimik na unan ang lahat ng katanungan at kalungkutang hindi ko maintindihan. Subalit nahinto ang pagpighati ko ng tumunog ang aking cellphone. Dali-dali ko 'tong dinampot, at napangiti nang makita ko kung sino ang tumatawag.
  • Part 13: "Guest"

    "Hello? Lyka?" dinig kong bungad ng nasa kabilang linya. Nagalak ako sa boses niya. Nilayo ko ang cellphone sa aking tenga, kasunod ang paghinga ng malalim. Umaasa na sa isang buntong-hininga ay mawawala lahat ng hinanakit na sumisirkulo sa aking dibdib. Pinahid ko ang luhang nagpapalabo sa mga paningin ko, at kahit mahirap man, pinilit kong pintahan ng ngiti ang aking labi.

    "Hello? Lyka?" ulit nito nang muli kong ilapat ang telepono sa tenga ko.

    "Ma, kamusta?" pagbati ko, na hirap bigyan ng kulay ang tono. Ayaw kong mahalata niya ang lungkot sa aking tinig. "Napatawag ka? May nangyari po ba?"

    "Kanina pa ako nag-aalala sayo! Sabi ng Tatay mo gabi ka na raw naka-uwi!" napakunot ako sa tinis ng kaniyang boses, naiimagine ko tuloy ang pagtatalak niya. "May nangyari bang masama sayo huh?! Ilan silang nag-rape sayo?!"

    "Na-nag rape?!" napabalikwas ako mula sa pagkakahiga. "Ma naman, ano na naman ba iniisip mo."

    "Nag-iwan ba sila ng clue sa crime scene kung saan ka nagahasa?"

    "Walang clue Ma. Walang crime scene at lalong walang nagahasa." sumandal ako sa headboard ng kama, napapa-iling sa pagka-o.a. ng Nanay ko. "Napa-paranoid ka na naman Ma."

    "Bakit late ka nang naka-uwi? Nakidnap ka ba? Paano ka nakatakas?"

    Natameme ako sa huling sinambit niya. Ibang klase talaga ang hatid ng libro at pelikula kay Mama. "Masyado lang kaming nawili ni Gelo sa paglilibot, kaya hindi namin namalayan ang oras."

    "Hindi ka natorture sa madilim at sulok na lugar?"

    "Lalong hindi Ma." natatawa kong sagot. Naaalala ko tuloy ang mukha niya kapag nagtatanong siya ng mga ganitong non-sense na questions. Hindi maintindihan kung worried ba ang ibig sabihin ng mga lukot sa kaniyang noo, o pagkasabik sa mga detalyeng siya lang ang nakaka-isip.

    "'yung mga daliri mo sa kamay at paa, kumpleto pa ba? Wala bang nachop-chop?"

    "Ang weird mo talaga Ma." hagikgik ko na sa telepono. Dumapa ako at dinaganan ang unan. "Bakit ka napatawag?"

    "Ga-gradweyt ka na sa lunes, 'di ba? Kaya may supresa ako sayo."

    Gumulong ako sa gawing kanan ng kama, upang abutin at buksan ang lampshade sa may gilid ng higaan. Tumihaya at niyakap ko ang unan pagkatapos. "Hindi ka talaga marunong manyupresa Ma." pagtawa ko sa telepono. "Surprise nga 'di ba? Pero sinabi mo na."

    "Alam mo na ba kung ano iyong supresa ko sayo?"

    "Hindi, but still alam kong may suprise ka sa akin." ngisi ko, kasabay ang pagtaas ko sa aking mga paa sa ere, kasunod ang pagkuyakoy sa mga ito.

    "Iyon naman pala e, hindi mo pa alam. Kaya supresa parin 'yong maituturing."

    "Sige na nga." pagsuko ko sa pinag-uusapan namin, kahit ano naman ang aking isagot, tiyak makakahanap parin ng butas na maisasagot si Mama. Hinding-hindi siya nagpapatalo sa mga debate. "Kailan ka uuwi Ma? Miss na kita."

    "Secret! Kapag sinabi ko sayo hindi na surprise!"

    "HUH?!" napabangon akong bigla mula sa pagkakahiga. Hindi talaga siya marunong magtago ng supresa. "Uuwi ka sa graduation day ko?!"

    "Ah? Wala akong sinabing uuwi ako!"

    "'yung mga chocolates ko ah! Maraming tobleron!" sabik kong usal, na tila tili na sa pagkasambit.

    "Wala nga akong sinabing uuwi ako! Sige na, bye na, mahal na ang babayaran ko nito." tumahimik siyang bigla. Napatingin ako sa aking cellphone, upang tignan kung naputol na ang tawag, subalit nasa kabilang linya parin siya. Hinihintay marahil ang isasagot ko. "Lyka."

    "Yes, Ma?" napakulot ako ng kilay.

    "Masaya ako okay ka na."

    Natigilan ako. Muling humagos ang luha sa aking mga mata. Nakadama ako ng kaka-ibang himas sa puso ko. Totoo nga pala talaga ang kasabihan, alam ng mga Nanay kung nasasaktan ang anak nila, malapit o malayo man sila. "Thank you, Ma."

    +++
    Nagising ako sa kaluskos na ginagawa ni Gelo sa may kabinet ng kuwarto ko. Hindi ko alam kung ano ang pinagkaka-abalahan niya, pero nanatili ako sa pagkakahiga para tiktikan kung ano man ang pinagtutu-unan niya ng pansin. Dinukot nito ang isang magasin mula sa kaniyang likuran, at inilagay sa loob ng kabinet. Pagkatapos, kinuha niya ang kaniyang cellphone, at akma nitong kukuhanan ng larawan ang magasin.

    "Anong ginagawa mo?" pagtayo ko sa kama, kasunod ang paghakbang papalapit sa kaniya.

    "Ah! Good morning Ate! Tinutupi ko lang ang mga damit mo." pamumutla at pamamawis niya. Natataranta pa nitong isinauli sa bulsa ang hawak niyang cellphone. "Natupi ko na lahat Ate, kaya paghahain naman kita ng almusal ngayon."

    Hinatid ko siya ng tingin palabas ng pinto. Duda ako sa mga kinikilos niya. Dali-dali kong tinungo ang kabinet, at minasdan kung ano ang ginawa niya sa loob. Dinampot ko ang magasin na nakasandal sa mga damit ko at binusisi ang laman. Ganon na lamang kung manlaki ang aking mga mata, at magmakopa ang mukha ko nang makita ko ang cover nito! "P-PLAYBOY MAGAZINE?!"

    "Huli ka Ate!" nagulat ako nang may biglang nagflash na camera sa aking harapan. "Gusto ko ng bagong scooter! Yung kulay red!"

    "GELO?!" paghablot ko sa kaniyang damit, kasabay ang pagpupumilit na kuhanin ang cellphone nito. "Hindi ako nakikipagbiruhan!"

    "Kapag hindi mo binili ang gusto ko, ipapakita ko 'tong picture mong nagbabasa ng porno magasin doon sa lalakeng bisita mo!" pagpupumiglas niya.

    "Hindi sa akin ang magasin na iyon! Nilagay mo lang 'yun sa kabinet ko!"

    "Pakawalan mo ako Ate! Sisigaw ako sige ka!"

    "Teka." natigilan ako at napaisip. Dahan-dahan akong bumitaw mula sa pagkakayakap sa kaniya. "Bisitang lalake?"

    "Oo, iyong lalake kahapon sa mall." pag-urong niya sa akin. "Nasa sala siya, kausap si Tatay."

    Nanlaki ang mga mata ko. Napalunok ako ng sunod-sunod. Agaran akong lumabas ng kuwarto at halos patakbong tinungo ang sala. Napatakip ako sa aking bibig ng makita ko ang lalakeng kausap ni Tatay. SH-SHIT! Gusto kong subukang iuntog sa pader ang aking ulo, para masiguradong hindi ako nanaginip. Pero sa lakas ng tambol ng puso ko, tiyak magigising ang aking diwa kahit pa sobrang antok nito!

    "Oh, Lyka." bati sa akin ni Tatay. "Kanina ka pa hinihintay magising ng kaibigan mo."
  • Part 14: "Bakulaw"

    "Oh Lyka, kanina ka pa hinihintay magising ng kaibigan mo."

    "BAKULAW!"

    Hindi ko ina-asahan ang tiling iyon. Tila kusa na lamang gumalaw ang aking labi at inilabas ang salitang kanina pa kinakati ng dila ko. Para akong batang sabik na nakakita ng lobo sa unang pagkakataon. Napatakip tuloy ako ng bibig, kasabay ang pakiramdam na animo'y nagmamanhid ang pisngi ko dulot sa pamumula nito. Bakas sa mukha ni Tatay ang pagkagulat, habang tinapunan naman ako ng tingin ni Bakulaw. Blangko at walang kaemo-emosyon ang titig na iyon. Naalala ko tuloy noong una kaming nagkakilala. Ganyan na ganyan ang mga matang isinalubong niya sa akin.

    "Sinong Bakulaw?" pagkamot sa ulo ni Tatay. "Sumosobra kana sa pagsagot-sagot sa akin Lyka ah! Huwag na huwag mo akong tatawaging Bakulaw!"

    Hindi ako naka-imik sa himutok ni Tatay. Natulala ako sa kaniya, pakiramdam ko huminto ng ilang segundo ang pagproseso sa aking utak. Nasulyapan ko pang bahagyang ngumiti si Bakulaw, kasabay ang mabagal nitong pag-iling.

    "Maiba ako." paglinis sa lalamunan ni Tatay. "Ibang klase 'tong kaibigan mo, ang galing!"

    "Magaling?" pagkurba ng aking kilay, habang palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. "Anong meron?"

    "Kanina pa kami nagpapaligsahan ng joke." muli itong humarap kay Bakulaw. "Kung sino ang unang tumawa, talo."

    "Tabla ang score sa sampu." ani ni Bakulaw, na naki-kipagtarayan ng titig kay Tatay. Naka-padlock ang mga mata nila sa bawat isa, naglalagablab na stare down. "Ikaw na ang titira, Sir."

    Magkasabay na Bumagsak ang panga at balikat ko. Pakiramdam ko'y lalong nawalan ng laman ang aking utak. Lumilipad at pilit hinuhuli ang ulirat na patuloy lumulutang sa himapapawid. Hindi ko alam kung ano ang una kong sasagutin sa intriga ng diwa ko sa akin. Kung bakit nandito si Bakulaw? O kung ano ang pinagkaka-abalahan nila ni Tatay magmula pa kaninang nagkaharap sila? "What the hell?" ang naibulong ko sa hangin.

    "Ano ang ibig sabihin ng CATTLE?!" panimula ni Tatay, itinulak pa nito ang ulo niya paabante sa kaharap. Napalunok ako, pinagsisian kung bakit pa'ko lumabas ng kuwarto.

    "Sirit." seriosong sambit ni Bakulaw.

    Ngumisi si Tatay, na animo'y puno ng kumpiyansa sa sarili. "Doon nakatira ang HALI at LEYNA."

    Nanlambot ang aking mga tuhod. Feeling ko, lalamunin ako ng lupa sa hiya. Kabaligtaran ang hitsura ni Bakulaw sa akin. Nanlalaki ang mga mata nito. Lomobo pa ang magkabilahang pisngi niya, wari'y pinipigilan ang pagtawa.

    "Muntikan na ako 'dun Sir." bumalik sa pagkaseryosong ayos ang mukha ni Bakulaw. "Ako naman."

    Napasandal ako sa ding-ding. "Anong kalokohan 'to?" muli kong tanong sa aking sarili.

    "Bakit nakapatay ang bulag?" payabang na usal ni Bakulaw.

    Kumulot ang kilay ni Tatay, napa-atras pa ang ulo nito na animo'y sobrang lalim ng iniisip. "Sirit."

    Huminga ng malalim si Bakulaw, kasabay ang nakakalokong ngisi na gumuhit sa kaniyang pisngi. "Dahil nagdilim ang paningin niya."

    Naloko na.

    "Ate, siya ba ang past life ni Tatay?" dinig kong sambit ni Gelo, pagkahawak sa laylayan ng aking damit. Iling lang ang naisagot ko sa kaniya. Naguguluhan at tuliro akong nakatitig sa dalawang mama sa aking harapan. Habang ang isa sa kanila, si Tatay, ay halos mapatiran ng hininga sa kakatawa.

    +++
    "Ang kewl ng father mo!" ani ni Bakulaw, pagkatapos lagukin ang kapeng kanina pa niya inihipan.

    Ang corny niyong dalawa, nakakapangilabot. Ang nais ko sanang banggitin sa kaniya, kaso mas nakikipag-unahan ang salitang nais kong itanong sa kaniya na nasa dulo ng aking dila. "Anong ginagawa mo dito?"

    "Wala, napadahan lang ako."

    "Bakit nga napadahan ka? Anong kailangan mo?" inis kong intriga sa kaniya, imbiyerna talaga ako sa ugali niyang malihim at parang walang paki-alam.

    "Hinahabol siya kanina ng aso Ate." tatawa-tawang sambit ni Gelo, habang nginunguya ang kinakain. "Buti na lang nakilala ko siya kaagad, kaya pinapasok ko sa bahay, kung hindi baka lumabas ang bituka niya 'dun sa dogerman ng kapit-bahay natin."

    "Huh?!" nanlaki ang mga mata ko, lalong nagkukumahog na dumikit kay Bakulaw. "Really?!"

    "Ah..Eh.." pamumula sa mukha nito. "Nakalimutan ko na kasi kung saan sa lugar na'to ang sa inyo. Ang akala ko tuloy doon ka nakatira sa bahay na sinisilipan ko kanina. Hindi pala. Ang malas nga e, bukas pala 'yung gate, kaya hinabol ako nung aso."

    "ANG TANGA MO! HAHAHA!" sabayang halakhak namin ni Gelo. Halos kumurot pa ng pagkahapdi-hapdi ang aking tiyan sa kakatawa. Pakiramdam ko ang saya-saya ko. Hindi ko alam kung bakit, pero sa pagkakatanda ko, ngayon lang ako tumawa ng ganito kalakas. Mangilid-ngilid pa ang luha sa aking mga mata.

    "Ganiyan pala hitsura mo kapag bagong gising." tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Tumambol ng isang mabigat na kabog ang aking dibdib. Napalunok ako sa ikalawang pagkakataon, kasunod ang pagdapo ng tingin ko sa suot kong maluwang na puting paintaas, lagpas sa bewang ang haba. At higit sa lahat, sa panty lang na saplot kong paimbaba!

    "FUCK?!" pagsampal kong bigla kay Bakulaw, na saktong humihigop ng kape ng mga sandaling iyon. Napasigaw tuloy siya buhat sa pagkapaso ng bibig. Halos mabunsol naman sa kakatawa si Gelo.

    +++
    "Ano nga ba kasi ang pakay mo sa amin?!" bumubulusok sa pagkabukal ang dugo ko, kumukulo sa tuwing nagtatama ang mga mata namin ni Bakulaw. Pakiramdam ko bad trip na badtrip ako ngayong araw na 'to. Nagpantalon tuloy ako ng wala sa oras dahil sa kaniya. Kapag kasi ganito kainit ang panahon, madalas akong nakakulong sa loob ng aking kuwarto. Tanging maluwag na t-shirt at panty lang ang suot, panlaban sa alinsangan.

    "Bakit ka nagagalit? Okay lang 'yun, lalake naman tayong lahat,kaya wala ka dapat ika-ilang at ikahi---" pag-udlot ko dapat sa sasabihin niya, nang hatawin ko siya ng karate chop sa ulo. Nag-aapoy ang mga mata ko sa pagka-iritable, pero sa likod ng aking himutok, nagkukubli ang ngiti. Namiss kong dapuan ng hambalos si Bakulaw.

    "Ang cute niyong dalawa Ate! Bagay kayo hahaha!" sambulat na halakhak ni Gelo. "May tanong ako sayo Kuya. Nag sex na ba kayo ni Ate?"

    Oh shit.

    "Huh?" tila nasemento ang katawan ni Bakulaw sa pagkaka-upo, tirik na tirik ang tingin sa kapatid ko.

    "Ah! huwag mong pansinin iyan, palabiro kasi yan." natatarantang pagpeke ko ng ngiti, kasabay sa pagtapak ko sa paa ni Gelo. "Anyway, ano nga ba kasi ang pakay mo sa amin?!" paglipat ko sa usapan.

    "Kasi..." ibinaling niya ang kaniyang tingin sa akin. "Nalaman ko mula kay Chika, na graduation day mo bukas."

    "Yep. So ano naman ngayon kung graduation day ko bukas?"

    "Hmnnn....." napansin kong bigla siyang namula, kasunod ang paglihis ng titig niya sa akin. "Gusto ko lang sana na ako ang unang bumati sa iyo."

    Napasinghap ako. Kumabog ang aking dibdib. Unti-unting naglalayag ang pagka-imbiyerna sa aura ko. Napapalitan ng tila bahagharing pakiramdam sa loob. "Hindi mo naman kailangang gawin iyon."

  • "PERO KAILANGAN!" Bigla niya akong hinarapan. Nagulat ako ng malanghap ko ang hininga niya. Feeling ko'y tinatadtad ako sa kaba, dulot ng pagkakalapit ng mukha namin sa isa't-isa. Nararamdaman ko nananaman ang pagkamanhid sa aking mukha, dulot ng pagkamakopa nito. "Ah, sorry." muli nitong tinabig ang tingin sa akin.

    "Oh men." dinig kong wika ni Gelo, pero hindi man lang namin siya inaksayahan ng sulyap. "Maka-alis na nga, ang baduy na ng atmosphere dito."

    Lumayo sa amin ang kapatid ko. Naiwan kaming nakatameme ni Bakulaw. Walang umi-imik. Lumipas ang isa, dalawa o limang minutong nakikipagpaligsahan lang ng titigan sa mga appliances na nakapalibot sa kusina.

    "Kailangan ako ang unang bumati sayo." pagbasag sa katahimikan ni Bakulaw, napadako ako ng tingin sa kaniya. Nakadikit parin ang titig nito sa mesa. Namumula ang mukha.

    "You don't have to." pangiting sambit ko. Ewan ko ba, ngunit para akong kinikilig. Pakiramdam ko hinahaplos ang aking puso.

    "Kailangan Kuya." dahan-dahan siyang humarap sa akin.

    KUYA?!.....Bahagyang pumitik ang ugat sa sentido ko.

    "Kailangan ako ang mauna." pagpapatuloy nito. "Maunang bumati sa'yo ng "Happy Graduation Day! Grabe Kuya, ang bobo mo siguro 'no? Ang tanda-tanda mo nang nag-graduate! Twenty three years old?!""

    Nag-unahang kumulubot ang mga guhit sa aking noo, kasabay ang pagsalubong ng dalawa kong kilay.

    "Nineteen years old ako noong nag-graduate ako ng college. Ikaw twenty three? Ano ba yan, ang tanda-tanda mo naman nakatapos."

    Lumukot ang dalawang kamao ko. Damang-dama ko ang pagpintig ng mga ugat sa aking sentido dahil sa nagbabadyang galit.

    "Siguro mahina ang ulo mo 'no?"

    Tila unti-unting kinukulayan ng pinturang itim ang ma paningin ko. Lumalangit-ngit narin ang aking mga ngipin sa pagkahimutok.

    "Siguro Kuya din tawag sayo ng mga kaklase mo 'no?"

    Hindi ko alam kung anong matigas na bagay ang nadampot ko sa itaas ng lamesa, basta pagka-ablot ko nito, isang puwersadong hampas ang pinukol ko sa ulo ni Bakulaw. Kasunod ang pagpalahaw nito na parang baboy na kinakatay.

    +++
    "Alis na po ako Sir. Salamat po." paalam ni Bakulaw kay Tatay, habang sapo-sapo ang yelong pinapahid niya sa kaniyang kanang mata.

    "Ano bang nangyari diyan sa mata mo iho? Bakit ang laki ng pasa?" usisa ni Tatay.

    Tinignan ako ni Bakulaw. Nilamukot ko ang aking kamao at itinaas ito sa kaniyang direksyon. Napalunok siya, naintindihan niya marahil ang nais kong iparating sa kaniya. "Wala po, nabangga lang po ako sa pintuan."

    "Ganon ba? Ang tanga mo naman!" malakas na pagtawa ni Tatay, sinabayan pa ng halakhak ni Gelo. "Balik ka ulit sa susunod ah? Asahan mong hindi na ako matatalo sayo sa muling paghaharap natin."

    Ngiti lang ang isinagot ni Bakulaw sa kausap. Binuksan niya ang dalang bag, at dinukot mula rito ang isang pula at hugis parisukat na kahon. Nilapitan niya ako at inabot ang nasabing bagay sa akin. "Baka hindi na ako makadalo bukas sa graduation mo. Kaya ngayon ko na ibibigay ang gift ko sayo."

    Napasinghap ako. Nanginginig ang aking mga kamay nang kuhanin ko ang regalo niya sa akin. "Sa-salamat."

    Ngumiti siya. Pagkatapos, tuluyan na siyang tumalikod at lumabas ng gate. Pumasok narin sa loob sina Tatay at Gelo. Naiwan akong hinahatid ng tingin si Bakulaw, habang hindi magkanda-ugaga sa panginginig ang mga kamay ko sa pagkakahawak sa maliit na kahon.

    Feeling ko tuloy nagu-guilty ako ngayon, dahil sa paghampas ko sa kaniya kanina. Dumapo ang tuon ko sa regalo. Napangiti at napa-iling ako sa dedication letter na nakadikit mula dito.

    "To Kuya Lyka : )"

    Para akong engot na abot tenga ang ngiti, habang umi-ikot-ikot ang balakang. Ewan ko ba kung bakit, pero kinilig ako 'dun sa smiley. Subalit sa kabilang banda, bigla kong naalala ang hindi ko pagsipot sa pagkikita namin dapat. Hindi niya man lang ako kinompronta tungkol 'dun. Ni hindi man lang niya ako tinanong kung bakit. Napaka-imposible namang nakalimutan na niya kaagad iyon. O posible kayang nakaligtaan niya rin na may naka-skedyul na pagkikita kami? Nope! Ang dami niyang missed call sa akin kagabi, kaya hindi pwedeng nakalimutan niya. Kung ano man ang kaniyang dahilan, still, napakamisteryoso mo talaga. Bakulaw ka.
  • Part 15: "With Him, Again?!"

    Sabi nila, malaki ang kaibahan ng taong walang ginagawa, sa gumagawa ng wala. Hindi ko tuloy alam kung saan ko ibibilang ang aking sarili sa dalawa. Magmula kasi nung gumradweyt ako, wala na akong inatupag kundi ang magkulong lang sa kuwarto at tumipa ng tumipa sa keyboard. Ayaw kong tumapak sa labas ng perimeter ng teritoryo ko. Minsan pati nga ang pagbabanyo ay kinatatamaran ko na. Siguro nasanay na lang ang aking katawan na humilata nalang sa kama buong araw. Hindi naman sa pagiging tamad, gusto ko rin naman lumabas sa comfort zone ko at pumasyal paminsan-minsan. Ang problema, kapag ready to go na ako, bigla kong maiisip na pagpapawisan lang ako sa labas plus mapapagod pa. Kaya ang ending, sa loob ng mundo ng internet ang bagsak ko. Besides, bakit pa ako lalabas ng bahay kung one click lang ang layo ko sa mga lugar na nais kong puntahan. Hindi ko alam kung tama ba ang aking katwiran, ang mahalaga kasi ay nage-enjoy ako sa ginagawa ko.

    "Shit! Talo na naman! Bakit ba ang hirap makalagpas sa level na'to!" pag-awat ko sa aking sarili na bigyan ng kutos ang walang kamuwang-muwang na laptop. Napagdesisyunan ko tuloy na patayin nalang 'to, bago pa ako tuluyang mapikon sa larong kina-uumalingan ko. "Hayyy...Ang boring..."

    Bumulagta ako sa kama at nagpagulong-gulong, dinadaya ang sarili na baka sa ganitong paraan ay bumilis man lang kahit papaano ang takbo ng oras. Sinibat ko ng tingin ang graduation potrait ko na nakasabit sa dingding. Limang araw narin ang lumipas mula ng kuhanan 'to. Naalala ko tuloy kung paano ako Nabadtrip sa graduation day na iyon! Paano ba naman, si Mama na ina-asahan kong umuwi, ay kinansel ang flight para sa isang once in a blue moon daw na raket! Ang collection ng 10 Books of Greatest Unsolved Mysteries Around the World, na regalo niya sa akin, ang pumroxy sa kaniya! As if naman may pakinabang ako sa mga iyon?! Si Gelo lang ang masayang-masaya na tumanggap sa mga nasabing aklat. Ewan ko lang kung saan niya gagamitin ang mga 'yon, pero hindi maganda ang kutob ko sa mga ngisi niya, lalo na kapag nahuhuli ko siyang numanakaw ng sulyap sa akin.

    Higit sa lahat, lalong nagpapasimangot sa akin ang regalo ni Bakulaw! Isang plastic figurine ng gorilla, na may dalawang pulgada ang taas. Ano nanaman ba ang akala niya sa akin? Mukhang unggoy?! Nakakapanginig ng laman! Kundi lang sa payo ni Tatay na ang lahat ng bagay ay may silbi, matagal ko na 'tong sinilaban at ibinalik sa kaniya!

    "Wala ka talagang kuwenta, Bakulaw ka." pabuntong-hininga kong sambit, kasabay ang pagkuha ko sa cellphone na nakalapag sa study table. "Kahit text ay wala din. I wonder, ano na kaya ang nangyari kay Mister Taiwanese."

    Tiningala ko ang kalendaryo sa likod ng pinto, isang buwan pa ang natitira sa bakasyon ko, bago ang deadline sa offer sa'kin ng boss ni Mama para magtrabaho sa kumpanya nito. Napagkasunduan kasi ng aking pamilya, na susundan ko si Mama sa Tokyo para doon magtrabaho. Sa kabila ng magandang buhay na naiimagine ko sa lugar na iyon, still undecided parin akong sunggaban ang offer. Siguro dahil mas gusto kong unang sumahod dito sa pinas. O baka naman tumatalab sa akin ang panakot ni Gelo, na magkaka-asawa daw ako ng hapon na mahilig sa sex. Magkakaroon ng sampung anak at hindi magtatagal ay iiwanan niya ako na parang niligaw na pusa sa kung saan, kagaya daw nung pelikulang napanood niya.

    "AY PUTSA!" nagulat at napa-igtad ako sa pagkakahiga ng biglang nagring ang aking cellphone! Muntikan ko pa 'tong maihagis! "He-hello?"

    "Hey! Lyka! What's up!" bungad ng nasa kabilang linya. Sa boses palang niya ay sigurado na ako kung sino. Si Mister Taiwanese! "May bagong bukas na seafood resto malapit sa SM! Mind if i invite you to a dinner?"

    "SURE!" mabilisan kong sagot habang hinuhubad paisa-isa ang mga saplot ko sa katawan, upang agad makapagpalit ng pang-alis na damit. "Walang problema sa akin! Puwedeng-puwede ako! Libre pa kita kung gusto mo!"

    "Wow! That's great! So hintayin kita ng mga around 6 sa plaza, okay lang ba?!"

    "SURE! Gusto mo 5 nandiyan na ako!" pagkalas ko sa lock ng suot kong bra, at agad sinunod ang pagtanggal sa underware. "Heto nga nagbibihis na ako!"

    "Hahaha! That will be fine! So see you there! Take care okay?"

    "Mag-iingat ako para sayo! I mean, para makarating ako sa usapan natin! Ayaw ko maaksidente at indianin ka!" taranta kong pagpapaliwanag, dadagdagan ko pa sana, ang kaso putol na ang linya, naibaba nana niya.

    Mabilisan kong tinakbo ang kabinet para kumuha ng mga bagong damit, pero natapakan ko ang pinaghubaran kong salawal, na dahilan para ikadulas ko! Lumagapak ako sa sahig na una ang puwet! At sa ayos na nakabukaka!

    "Ano ba naman 'yan Ate, ang clumpsy mo talaga!"

    Gulat na may halong pagkanerbiyos ang naramdaman ko, nang may marinig akong bumulalas! Agad kong i ginala ang aking tingin, ngunit mag-isa lang ako sa loob at naka-lock ang pintuan ng kuwarto!

    "Saka magpakita ka naman ng pagpapakipot kahit konti!" bumulaga sa akin si Gelo mula sa loob ng kabinet, na may tangan-tangan na video camera! "Nakakahiya ka, babae kapa naman!"

    Mabilis na kumulo ang dugo sa katawan ko! Kasabay ng pamumula ng aking mukha, ang pagbulusok ng usok sa ilong ko! "GEEEELLLLOOOOOOO!"

    Narinig kong nagtahulan ang mga aso sa labas, pati narin ang paiyak na pag-alarm ng isang kotseng marahil ay naka-park malapit sa bahay namin.

    +++
    "I'm sorry kung nalate ako! Kanina ka pa ba?" walang gatol kong pagpapa-umanhin sa kaniya, na hindi ko magawang tumingin ng diretso sa kaniyang mga mata. "I'm sorry talaga!"

    Kasalanan 'to lahat ni Gelo! Nabubuwisit ako sa tuwing naaalala ko ang nangyari kanina! ("Isang linggo lang ang taning ko sayo Ate, kapag hindi mo ako binili ng bagong Pet, magiging instant bold star ka!)

    "It's okay! Wala ka pa namang 5 minutes late!" napatingin ako sa kaniya, nakangiti 'to. Ang guwapo niya! Ano kaya ang magiging reaction niya kung halikan ko siya on the spot?! Iiiiieeeeeee! Kinikilig nanaman ako!

    "Ang O.A. mo naman Kuya."

    Naramdaman kong may pumitik na ugat sa aking sentido. Parang may masama akong kutob. Dahan-dahan kong inikot sa gawing kanan ang aking ulo. OH MY SHIT! "BAKULAW KA!"

    "Yo!"

    "ANONG GINAGAWA MO DITO?!" halos mapatiran ako ng ugat sa leeg sa kakasigaw, habang nanginginig ang kamay kong nakaturo sa kaniya.

    "I invited him!" lumipat ang tuon ko kay Mister Taiwanese. "Napadaan ko siya kanina while waiting for you. So niyaya ko siyang sumama sa atin. After all, the more the merier!"

    "HINDI PUWEDE!" nagaganliiti kong wasiwas sa aking hinturo kay Bakulaw.

  • "Ayaw niya ata Willy, huwag na lang natin siya isama." pagkibit-balikat nito, na tila nang-aasar ang dating ng boses.

    "Ang kapal! Ako pa talaga ang hindi isasama?!" pusto ko ng kamao sa kaniya. "Suntukan na lang gusto mo?! Nang-aano ka eh!"

    "Hahaha! Bakit ba lagi kayong nag-aaway sa tuwing nagkikita kayo?" bulalas ni Mister Taiwanese. "Tara na guys! I'm so hungry! I can even eat a whole cow right now!"

    "Huwag na huwag kang lalapit sa akin! Lumayo ka ng ilang centimeter! Tsu! Tsu!" pagtaboy ko kay Bakulaw, kasabay ang pagbuntot kay Mister Taiwanese. "Baka akalain pa ng mga tao nakikipag-date ako sayo!"

    "Talagang lalayo ako. Ayaw ko rin mapagkamalan ng mga tao na namamakla ako." pasaring nito na hindi nakatingin sa akin. Tila umiiwas makipagduwelo ng titigan.

    "BAKULAW!"

    "Bakla."

    "MUKHANG TAE!"

    "Mukhang lalake."

    "Gggggrrrrr.....SHIT YOU!"

    "Same to you."

    "PIKON NA PIKON NA TALAGA AKO SA---"

    "Here we are guys!" naputol ang dapat na sasabihin ko ng marinig kong nagsalita si Mister Taiwanese, nabaling tuloy ang tingin ko sa kaniya at sa malaking gusali malapit sa amin. "Kobayakawa-San Sea Food Restaurant!"

    "Ja-ja-japanese resto?" biglang paglunok ko sa pukol ni Mister Taiwanese.

    "Huwag ka mag-alala, magre-request tayo ng kutsara at tinidor para sayo." muling bato ng salita sa akin ni Bakulaw, kasabay ang pagsunod nito kay Mister Taiwanese na pumasok sa loob.

    "Anong gusto mong iparating?! Na hindi ako marunong gumamit ng chopsticks!"

    +++
    "Ano ba Kuya, kamain mo na lang kasi." wika ni Bakulaw, na sadyang nakapagpataas ng presiyon sa aking dugo. Hirap na nga akong sumubo nang hindi nadudulas ang piraso ng isda sa chopsticks, nakuha niya pang mang-asar! "Matatapos na kami sa kinakain namin, ikaw mukhang hindi ka pa nangangalahati."

    "Ano bang paki-alam mo! Mabubusog ka ba kung mauubos ko 'to kaagad!" nakakunot kong usal sa kaniya, na tila napalakas ata, lahat kasi ng mata sa loob ng resto ay tumama sa akin.

    "Hahaha! No worries Lyka." sabat ni Mister Taiwanese, kasunod sa paglapag nito sa tabi ng ginagamit niyang chopsticks. "Wala namang sinabi na bawal magkamay dito, 'di ba?"

    Hindi ko maipaliwanag ang sayang umiikot sa aking puso, nang magsimulang kumain ng nakakamay si Mister Taiwanese! Hindi lang siya guwapo, ubod pa ng bait! Ginawa niya 'yon para sa akin?! SHIT! KILIG MUCH! Hindi kagaya ng isang 'to, barumbado na, ang ingay pa kapag humihigop ng sabaw! Walang breeding!

    "Teka lang." napatingin silang dalawa sa akin, mga hitsura'y nagtataka. "Kanina ko pa napapansin iyan, ano nanaman bang drama 'yan?" pagturo ko sa itim na pusang nakasampa sa balikat ni Bakulaw.

    "Oh! About that, napulot iyan kanina ni Charlie habang hinihintay ka namin sa plaza." ani ni Mister Taiwanese. "Naawa yata siya kaya kinuha niya."

    "Malaki kasi ang tiyan niya, duda ko baka buntis." dugtong ni Bakulaw. "Sabi kasi nila, suwerte ang paghimas sa tiyan ng buntis."

    "'di ba sa tao lang 'yon at hindi sa hayop? Ang weird mo talaga." pagbuntong-hininga ko.

    "Counted narin 'to. Try mo himasin, malay mo suwertihin karin."

    "Eeekk! Ilayo mo nga sa akin 'yan! Huwag mo akong idadamay sa kalokohan mo!"

    "Done eating! Videoke naman tayo!" biglang bulalas ni Mister taiwanese, halos nagkasabay pa kaming napatingin ni Bakulaw sa kaniya.

    "VI-VIDEOKE?!"
  • Part 16: "Mr. Worst Guy(Part 1)"

    "Umayos nga kayo sa paglalakad!" panginginig ng aking laman sa galit, habang akay-akay ko ang dalawang lasing na lalakeng 'to sa may gilid ng kalsada. "Kung mamalasin ka nga naman!"

    Maliban sa pag-alalay ko sa mabigat nilang katawan, tumitindi sa aking pasanin ang pag-iisip sa kung saan ko sila dadalhin! Ni hindi ko alam kung saan nakatira ang bawat isa sa kanila! Ang hirap pa naman nilang kausapin! Sa tuwing tatanungin ko ang isa sa kanila, tanging tawang nakakaloko lang ang isasagot! Lalo na 'tong Bakulaw na'to! Magmula nang umalis kami kanina sa videoke bar, hanggang ngayong pauwi na kami, puro ngiti habang nakapikit lang ang ginaganti niya sa mga usisa ko! Ang sarap tuloy niyang ipasagasa sa mga bus na dumadahan!

    "Ano ba! Huwag kang magpabigat Bakulaw ka!" pagtalak ko sa kanan. "Sige lang, kumapit ka ng mahigpit Mister Taiwanese! Yumakap ka pa!" baling ko naman sa kaliwa.

    "Shu-shu-..." dinig kong bulong ni Bakulaw, kaya nilapit ko sa kaniya ng mahige ang aking tenga, para mapakinggang mabuti ang sinasabi niya.

    "Shu..."

    "Ano iyon?! Ayusin mo ang pagsasalita mo! Kundi, sasapakin kita!"

    "Shu-*bluek*" pumulupot siya sa leeg ko, at biglang sinubsob nito ang ulo niya sa aking dibdib! Ang mas nagpagulat sa akin, ay ang mainit, mamasa-masa at maasim na pakiramdam na ibinuga niya sa aking dibdib! "Shu-shu-ka.....Akow...Ehehehe"

    "SHIIIIIIIIIITTTTTTT!" nagtitili ako sa gulantang! Nabitawan ko tuloy silang dalawa. Kasunod ang natatarantang pagtalon-talon ko, para maalis ang sukang kumapit sa aking damit!

    Binalingan ko ng tingin si Bakulaw, na noo'y nakabulagta sa sahig. Nakapikit parin at pangiti-ngiti! Sa sobrang himutok ko, hindi ko tuloy napigilan ang aking sarili na sipain ng malakas ang mukha niya! Sapul ang kaliwang mata nito! Ewan ko lang bukas kung hindi 'to mangitim!

    "Oush...Ehehehe..." dinig ko pang bulong nito, na nagpapitik lalo sa ugat sa aking sentido. Papakawalan ko muli sana ito ng isa pang sipa, kundi lang dahil kay Mister Taiwanese. Na sa mga tagpong iyon, ay may parang binubulong din.

    "Lyka...you...are...so..."

    Kumabog ang dibdib ko. Napatakip ako ng bibig.

    "Bi...yu...ti.....ful"

    Animo'y tumigil ang mga aktibidad sa paligid! Nawala ang maiingay na tunog ng mga sasakyan! Naglaho ang mga huni ng kuliglig! Wala akong ibang naririnig kung hindi ang malakas na pagtibok ng aking puso!

    "Myemm..nyemm...nyemm.." muli kong dinig kay Mister Taiwanese. Para siyang sanggol na masarap ang tulog.

    "Kyaaaaahhhhhhhhhh!" impit na tili ko! Gusto kong sumigaw, pero nag-aalala ako sa mga tambay na kabataan malapit sa amin. Baka ano pa ang isipin nila, malagay pa kaming tatlo sa alanganin.

  • Ang una kong kailangan gawin, ay maka-isip ng lugar na paglalagyan ko sa dalawang 'to. Hindi naman sila pwede sa amin, tiyak itatakwil ako ni Tatay kapag nag-uwi ako ng lalake, ng lasing pa! Kung si Mister Taiwanese lang ay pwede ko pang ilusot. Palihim ko siyang ikukubli sa kuwarto ko, magdamag kaming magkatabi sa kama! "Kyaaaaaaaaaahhhhhhhhh!" pagpigil ko muli sa aking tili, nasabik tuloy ako sa mga naimagine ko kay Mister Taiwanese.

    "Yay...ka....yay....ka..."

    Napatingin ako sa direksiyon ni Bakulaw. Nagpupumilit nanaman itong magsalita.

    "Yayka.....yay....ka...bakwit muwkaw kawng bawkla!....ehehehe....."

    Nagsalubong ang dalawa kong kilay. Naglangit-ngit ang aking mga ngipin. Nagdidilim paunti-unti ang mga paningin ko.

    "SHIT KA!"

    Natigilan lang ako sa pagtatadyak kay Bakulaw, nang mapansin kong papalapit sa direksiyon namin iyung mga tambay. Mga ilang dipa na lang ang layo nila sa amin! Bigla akong kinutuban ng masama!

    Agaran kong inakay ulit ang dalawa kong kasama. Pagkatapos, mabilisan kong iginala ang aking tingin sa paligid. Naghahanap ng ligtas na mapupuntahan. Wala akong paki-alam kung saan kami mapadpad, ang importante'y makalayo kami sa naka-ambang panganib.

    Kinakabahan ako ng husto! Mga dalawampung talamapakan na lang ang layo nila sa amin!

    Isip Lyka! Bilis!

    15 feet.

    "Ayun! Puwede kaya dun?!" bulong ko sa aking sarili, na nauunahan ng pagkataranta kaysa sa pag-iisip.

    10 feet.

    Kasabay ng paglunok ko, ang pagkaripas ng lakad papunta sa gusaling nasa lipat-kalsada lang ang layo. Sa kulay pulang building, na napapalibutan ng mga christmas lights. Ang Hotel Shawarma!

    +++
    "One room please." hindi ako makatingin sa mukha ng receptionist, dahil sa hiyang lumulukob sa aking katawan. Pero hindi 'to sumasagot, kaya napagdesisyunan kong sulyapan siya. "One room, please." pag-ulit ko sa kaniya, habang pinipilit kong umastang cool, kahit tila ihing-ihi na ako sa kaba.

    "Oh, right away Mam." nagulat siya, na animo'y bigla 'tong pinitik sa mukha. Hindi ko siya masisisi. Kahit sino naman ang makakita sa isang babaeng may akay-akay na dalawang lalakeng lasing, na umo-order ng isang kuwarto kung saan sila magpapalipas ng magdamag, ay paghihinalaan ng hindi maganda. SHIT! Hindi na ako dadahan sa lugar na'to simula bukas!

    "Anything else Mam?" pagbali ng receptionist sa lumilipad kong diwa.

    "Ah, yes." sagot ko, umaasta paring cool sa kaharap. "Puwedeng magpatulong magbuhat sa dalawang 'to? Ang bigat kasi."

    Sumampa ako sa elevator, kasama ang dalawang bellboy, na tig-isang nagbuhat kina Mister Taiwanese at Bakulaw.

    "Wow, sobrang lasing nitong mga kasama mo Mam." biglang sambit nung isang empleyado.

    Pekeng pagngiti lang ang tanging naisagot ko sa kanila, habang sinasariwa ang kaninang nangyari sa videoke bar na pinuntahan namin.

    +++
    "Te-teka...Sure ka ba rito?" nagdadalawang isip kong tanong kay Mister Taiwanese, na noo'y abalang binubusisi ang laman ng makapal na song book. "Dito tayo tatambay para mag-bidyoke?"

    Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa kong kasama, pero ni isa sa kanila ay walang nag-abalang sumagot sa akin. Kinalabit ko ng sulyap si Bakulaw, ngunit 'di man lang siya lumingon. Busy niyang pinapanood ang mga grupo ng teenager, na ngumangawa ng My Waysa may kabilang table. Sa dating palang ng boses nila, hindi mapagkaka-ilang lango na sila sa alak. Luminga-linga ako sa paligid, pinaikutan ang bawat sulok ng bar na kinaroroonan namin. Lumundag ang tingin ko sa kisame, sa mga poster na nakahalik sa ding-ding, sa mga taong labas-pasok ng gusali, sa mga waiter na paroo't parito para magsilbi sa mga kalalakiang nag-iinuman, at sa mga babaeng kabataan na tila panty lang ang suot sa iksi ng mga saplot! Napalunok ako, habang pilit kinukumbinsi ang sarili na mag-enjoy ngayong gabi.

    "Done searching!" bibong bulalas ni Mister Taiwanese. "Kayo naman ang maghanap ng mga kakantahin niyo!"

    "Sa-sa tingin ko, past muna ako." pagtanggi ko sa song book na ina-abot ni Mister Taiwanese.

    "Good decision Kuya! Huwag mong gawing Gay Bar 'tong lugar." sabat ni Bakulaw, na noo'y nagsasalin ng alak sa baso.

    "Gusto mong humiram ng mukha diyan sa hawak mong pusa?!" biglaang pagtayo ko sa upuan, upang kuwelyuan siya. Nakakapika talaga ang taong 'to! "Teka! Saan galing ang alak na 'yan?"

    Hindi 'to umimik. Sinibat ko ng tingin si Mister Taiwanese. "Iinom din ba tayo?!" kibit-balikat lang ang isinagot.

    "Don't worry, inorder kita ng tubig. Sayang nga lang hindi sila nagse-serb ng gatas." pasaring ni Bakulaw, kasunod ang pagtungga nito sa basong nilamanan ng alak.

    "Nanghahamon ka ba?!" panduduro ko sa kaniya, kasabay ang pagpipigil ko sa sarili na sumabog nang tuluyan sa galit. "Hinding-hindi kita uurungan!"

    "Hey! Good idea guys!" pumagitna sa amin si Mister Taiwanese, dumapo tuloy ang tingin ko sa kaniya. "How about this, ang unang mana-knock-out o umayaw sa tagay, siya ang magbabayad ng bill?"

    "GAME ON!" magkasabay na wika namin ni Bakulaw, habang nakikipagtarayan ng titig sa isa't-isa. Kung nakakasugat lang ang tingin, marahil isa sa amin ay nasaktan na.

    Ilang sandali pa'y umikot na ang baso. Aaminin ko, first time kong uminom ng alak. Kaya gusto ko tuloy masuka sa bawat pagsayad ng serbesa sa aking lalamunan! Hindi ko tuloy maiwasang isipin, na kung bakit ang daming may gusto sa inumin na'to? Eh ang pait-pait naman ng lasa! Pero sa bawat ngisi ni Bakulaw, nasisindihan ang apoy sa aking loob na ubusin ang nakakalunod na tagay!
    Minsan, naiisip kong ipukpok sa ulo niya ang mga wala ng lamang bote sa mesa, lalo na kapag nahuhuli ko siyang pinipigilan ang tawa habang hirap na hirap akong lunukin ang mapaklang inumin.

  • Si Mister Taiwanese naman sa kabilang banda, ay parang walang paki-alam sa aming dalawa ni Bakulaw. Busy siyang nakikipagtuos sa videoke, kapag natatapos nitong inumin ang tagay. Kung tama ang bilang ko, pang-sampung awit nana niya ang kasalukuyan nitong kinakanta. Okay na sana ang lahat sa aking Prince Charming. May maamong mukha, magandang tinig, machong postura. Ang problema, sobra ang pagka-adik nito sa K-pop! Sa sampung awit na kinanta niya, tanging "Baby, Baby" lamang yata ang naintindahan ko sa mga lyrics na binigkas niya.

    "Hey! Naka-100 ako!" buong sigla nitong paglukso, nang bigyan siya ng makina ng perfect score. Nakisaya din ang mga taong nanonood sa kaniya. Ginawaran siya ng nakakabinging palakpakan. "Kaya niyo 'yun guys?!"

    "Ang galing!" pag-angkla ko sa braso ni Mister Taiwanese. "Damang-dama ko ang bawat lyrics na kinanta mo! Tagos sa puso talaga!"

    "Hahaha! Really?! Wow we are so alike talaga Lyka!"

    "Yep! Like na like ko! One more please?" pinagdikit ko ang mga palad ko, sa paraang nakiki-usap, habang pakurap-kurap ang aking mga mata. "Please?"

    "Marunong ka palang mag latin?" usisa ni Bakulaw, na ngayon ay bote na ang tinutungga.

    "Korean language 'yun, bopols!" galahiti ko sa kaniya. "Huwag ka na ngang umepal, wala ka namang alam eh!"

    "Actually, japanese 'yun Lyka." pagsabat sa amin ni Mister Taiwanase. "Anyway, kanino iyong next song? Kahit Na by Toni G.?"

    Walang umimik. Nagkatinginan lang kaming tatlo. "Hindi sa akin iyan. Baka sa kabilang table." pagbasag ko sa katahimikan.

    Biglang tumayo si Bakulaw, linagok muna ang tangang bote bago nagsalita. "Sa akin iyan."

    Nagpalakpakan ang mga tao nang lumapit sa videoke machine si Bakulaw. May naulingan pa akong mga tumiling babae, nang nag-umpisa 'tong umindak-indak! Isa lang ang masasabi ko, nakakahiya ang ginagawa niyang pagkendeng-kendeng habang sinasabayan ang awit! Gusto kong ipagsigawan na hindi ko siya kilala!

    *Hindi alam kung bakit ako'y nahuhulog-hulog sayo...Hindi alam kung bakit ako'y nahuhulog-hulog sayo.....*

    Tumingin siya sa direksiyon namin ni Mister Taiwanese. Tinuro niya kaming dalawa habang nagmu-moon-walk, na sinundan pa niya ng running-man-step! Lahat tuloy ng mata ay dumapo sa amin! Bakulaw ka! Sabog ang mukha mo sa akin kapag nakalabas na tayo dito!

    *Naaalala mo ba dati nung una kang makita 'di ba? wala ka ngang kagandahan na maipakita. Inaasar ka na kulang ka sa vitamina, at mukha mo daw nasabugan pa ng dinamita. Pero kahit na pangit ka, bakit ba? Gustong-gusto ko parin na mapasa-akin ka. Kahit mukha kang galit, sa akin happy ka. Kahit parang 'di ka natatablan ng mahika.*

    Nilapitan niya kami, habang patuloy parin 'to sa pagsayaw at pagkanta! Tila sasabog ang mukha ko sa kahihiyan! Umakbay siya kay Mister Taiwanese at nakipag-apir. Okay na sana, ang kaso ako naman ang napagtripan niya! Kinindatan niya ako na siyang nagpanginig sa buong set na buto sa aking katawan! Hindi pa siya nakuntento, ginilingan niya pa ako! Napasubsob tuloy ang mukha ko sa mesa! Kahit na sobrang pagkatakip na ang ginagawa ko sa aking dalawang tenga, dinig na dinig ko parin ang malulutong na halakhakan at palakpakan ng mga tao sa paligid namin! Plus pa ang kaniyang boses na tila bumabasag sa aking kaluluwa! Diyahe talaga!

    *Hindi alam kung bakit ako'y nahuhulog-hulog sayo. Hindi ko alam kung ano bang nadudulot-dulot nito. Hindi ka kagandahan, sexy 'di masyado! Ngunit sabi ng puso'y oo-oo. Sabi ng barkada, 'wag na lang daw sana, ngunit sabi ng puso'y oo-oo.*

    Sandali lang, hindi ka kagandahan? Sexy 'di masyado? Ewan ko lang kung tama ang pagkaka-alala ko sa kanta, pero sigurado ako na hindi ganon ang lyrics 'non! Sinadya niya ba talaga 'tong palitan para ako'y mapagtripan?! Bakulaw ka!

    *Nahulog sa mukhang paa! Pero mahal kita! Ang panget mo! Ang chaka mo! Paki nila! Mahal kita!*

    Dumagundong ang palakpakan sa loob ng bar nang matapos umawit si Bakulaw. Sa lakas ng hiyawan, aakalain mong bagong-taon ang selebrasyon! Hindi pa kasama ang standing ovation ng iba, at ang pagkadismaya ng ilan nang makita nila ang 97 na score sa malaking tv screen na nakadikit sa ding-ding.

    "Thank you! Thank you!" pagmamayabang ni Bakulaw sa mga madlang patuloy parin ang pagpalakpak. "Ang kantang iyon ay handog ko sa babaeng kasama ko!"

    Muli niya akong itinuro! Muntik na akong magtago sa ilalim ng mesa, nang lumanding ang bawat pares ng mga mata sa akin! Buo na ang desisyon ko, pauulanin ko siya ng sun---

    "Mahal ko iyan."

    Ganon na lamang ang pagputol ko sa aking hininga, nang marinig ko ang huling tinuran ni Bakulaw. Dumikit ang paningin ko sa mga mata niya, muli silang nagtama sa isa't-isa. Natameme ako. Nakaramdam ako ng pagkabog sa aking puso. Sa una ay mabagal, hanggang sa pabilis na'tong pabilis!

    "Mahal ko siya kasi....." tila nilamon ng boses niya ang mga hiyawan ng tao, maliban sa pagtalbog-talbog ng puso ko, tanging ang tinig lang niya ang aking naririnig. "Napaka-rare niyang tao. Siya lang ang kilala kong bakla na mukhang baba---"

    Hindi ko maintindihan kung bakit, dala siguro ng instinct, pero kusang gumalaw ang mga bisig ko! Mabilis pa sa alas-kuwatro nang tumama ang bote ng beer sa ulo niya! Na nanggaling sa nag-aapoy kong mga kamay! Bumulugta siya sa sahig! Nagkagulo sa loob! Maliban kay Mister Taiwanese, mabuti na lang walang ibang nakapansin na ako ang dahilan ng malaking bukol niya sa noo.

    +++
    "Hahaha! Nakakatauwa naman 'tong kaibigan mo Mam!" bulalas ng isa sa mga bell boy na tumulong sa akin magbuhat kay Bakulaw at Mister Taiwanese. Inilapag nila sa kama ang dalawa, pagkatapos alisan ng sapatos. "Pero sa palagay ko po, sinadya niya 'yon."

    "Talaga! Sinadya niya akong pahiyain sa harap ng maraming tao!" umupo ako sa gilid ng kama, inekis ang magkabilaang braso. "Hindi ko siya mapapatawad!"

    "Ang ibig kong sabihin Mam, sinadya niyang sabihin 'yon para itago ang nararamdaman niya sa'yo." pagkorek nito, bago sila lumabas ng pinto. "Maiwan na namin po kayo Mam. Enjoy your stay!"

    Hinatid ko sila ng tingin. Pagkatapos, dumapo ang tuon ko kay Bakulaw, na hindi parin nabubura ang ngiti nito sa pisngi. Napa-iling ako, kasunod ang isang mahabang buntong-hiniga. "Imposible 'yun. Dahil ikaw ang pinaka-worst guy na nakilala ko. Bakulaw ka."
  • Part 17: "Mr. Worst Guy Part II"

    "Bakulaw!"

    Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga sa kama, nagulat kasi ako nang biglang magring ang aking cellphone na nakatambay sa itaas ng study table. Napatakip pa ako ng mukha, gamit ang isang palad, nang mahagip ng aking mga mata ang sinag ng araw na tumatagos mula sa bintana. Parang otomatikong gumalaw naman ng kusa ang ulo ko, at tinalunton ang orasang nakasabit sa dingding. 7:30 na pala ng umaga.

    Tamad na tamad ang pakiramdam ng mga binti ko nang bumaba ang mga 'to sa kama, nag-unat ng ilang segundo ang magkabilaang braso at pina-ikot ng pakanan at pakaliwa ang balakang, bago ko tuluyang binigyan ng pansin ang teleponong kanina pang putak ng putak.

    "Si Mister Taiwanese." bulong ko sa sarili, nang makita ang pangalan ng tumatawag.

    Sumagi sa isip ko ang nangyari sa aming tatlo kagabi. Ang pagkakonsumisyon ko sa pagkain ng maraming seafood sa isang restaurant, ang nakakabinging ingay ng mga tao sa loob ng bidyoke bar, ang pag-akay ko kay Mister Taiwanese at Bakulaw sa kalsada sa kalagitnaan ng gabi, at ang pagpasok ko sa isang hotel kasama ang dalawang lasing. Bigla tuloy akong napasapo sa aking ulo nang makaramdam ito ng matinding pagkirot. Naalala ko ang ilang bote ng alak na pinilit kong itinungga sa aking lalamunan. "Ito na yata ang tinatawag nilang hangover."

    "Hello?" tipid kong bungad sa kabilang linya, wari'y wala pa sa kundisyon ang aking bibig para magsalita.

    "Where are you?!" napangiwi ako sa tinis ng kaniyang boses, hindi ko maintindihan kung ang dating ba ng kaniyang tinig ay galit, o nag-aalala.

    "Nandito, sa bahay namin." tipid ko paring usal. Gustohin ko mang makipagdaldalan, ang problema, talagang latang-lata ang pakiramdam ng katawan ko ngayong araw na'to. Wala sa mood. Marahil dahil sa nangyari kagabi.

    "Thank god! I'm so worried! Akala ko kung ano nang nangyari sayo!"

    Umukit ng ngiti ang aking labi. Ewan ko ba kung bakit, pero nakaramdam ako ng tila kiliti sa puso. "Kamusta kayo?"

    "I think i need a medicine. I feel like, my head is splitting into two." ngiti lang ang naigawad kong sagot sa kaniya. Corny man, pero naisip ko ang salitang destiny. Dahil parehas kami ng nararamdaman sa kasalukuyan. "How about you? What's up?"

    "Masakit din ang ulo ko."

    "Halata nga, ang tamlay ng boses mo." tumahimik ng ilang segundo, marahil ay hinihintay niya akong sumagot. "Anong nangyari kagabi Lyka? How do we get here?"

    "Mahabang kuwento." halos pabuntong-hininga kong sagot, nilalabanan ang kirot na tumutorture sa aking bumbunan.

    "How come wala ka dito? 'di ba magkasama tayo kagabi?"

    "Umuwi na ako ng maihatid ko kayo ni Bakulaw diyan." sagot ko, habang sinasabunutan na ang sarili, upang mapawi kahit papaano ang parang pagbiyak sa aking ulo.

    "Oh, is that so." tila lumungkot ang boses niya. "Listen, i'm sorry kung nakita mo akong nalasing. The truth is, mahina ako sa alak."

    "Wala 'yun, parehas lang naman tayo." muling nagning-ning ang ngiti sa aking labi, nasa isip ko parin ang salitang destiny.

    "HOY! BAKLANG KUYA! NASAAN KA?!"

    Tuluyan ng napalayo sa tenga ko ang cellphone. Napakunot pa ako ng noo sa sakit, nang biglang may sumigaw sa kabilang linya. Pakiramdam ko'y parang may karayom na tumusok sa eardrum ko. Sa tindig palang ng kaniyang tinig, at sa hubog ng pananalita, walang duda, isa lang ang kilala kong may ganitong mayabang na boses.

    "Ano bang problema mo?! Bakulaw ka!" napapakagat na ako ng labi sa inis.

    "NASAAN KA?! BAKIT WALA KA DITO?! HUWAG MONG SABIHING NAIWAN KA NAMIN 'DUN SA BAR?!"

    "Puwede ba hinaan mo ang boses mo! Sasapakin na kita eh!" pakikipagtagisan ko sa kaniya ng sigawan, habang unti-unting lumulukot ang aking kamao.

    "NASAAN KA NGA?!"

    "Nandito sa amin! Teka, ano bang paki-alam mo?!"

    "MARAMI AKONG PAKI-ALAM! DAHIL UNA SA LAHAT, ANONG GINAGAWA NAMIN DITO?! NASAAN SI PUTI?! AT HIGIT SA LAHAT, BAKIT NAKA-BOXER SHORTS NA LANG AKO PAGKAGISING KO?!"

    "Sabi ng hinaan mo ang boses mo! Naaasar na ako! Papakain ko sa'yo iyang hawak mong cellphone kapag hindi ako nakapagpigil!"

    "BAKIT NGA?! HINDI MO LANG ALAM KUNG GAANO AKO NAPAPARANOID NGAYON! INIISIP KO KUNG MAY NANGYARI SA AMIN NITONG ENGLISERONG INTSIK NA'TO!"

    Kahit na matamlay ang labi ko, napilitan parin itong magpakawala ng ngiti dahil sa tinuran niya.

    "How many times will i tell you, walang nangyari sa atin."

    Tuluyan na akong tumawa nang marinig kong sumabat si Mister Taiwanese, sa paraang parang nag-eexplain.

    "EH BAKIT NGA ANG SAKIT-SAKIT NG PUWET KO?!"

    "I don't know. Maybe you hit something."

    "SHADAP! HUWAG KANG LALAPIT SA AKIN! SAKANG KA!"

    "Hay...Ang baliw mo talaga." entrada ko sa kabilang linya. "Ako ang dahilan kung bakit ka nakahubad."

    "ANO?!"

    "WHAT?!"

    Halos magkasabay pa ang dalawa, na animo'y gulat na gulat.

    "Oh, bakit?" pagtaas ng kaliwang kilay ko. Naghintay ako ng sagot, subalit nainip ako, kaya sinundan ko ulit 'to ng isa pang tanong. "May nasabi ba akong masama?"

    Tahimik ang dalawa sa kabilang linya. Mga ilang segundo din ang lumipas bago umimik si Bakulaw. "Huwag kang mag-alala Kuya, pananagutan ko ang nangyari sa atin."

    "Eh kung patayin kaya kita sa saksak gamit ang makalawang na pako?! Tapos sasabihin ko sayo na pananagutan kita!" galahiti kong sambit, hindi ko napigilan ang biglaang pagtaas ng presiyon ko.

    "Ibig sabihin walang nangyari sa atin?"
Sign In or Register to comment.